My Waiter (One Shot)

21 0 0
                                    

This story happened in reality. Except for the two months later scenes. Happy Reading! :)

~
Cheska's POV

Graduation day ngayon ng pinsan ko at bilang celebration eh kakain daw kami sa isang restaurant malapit sa amin.

Pagpasok namin ni Mama, puno ang restaurant ng tao. Gusto ko na ngang sabihin na lumipat na kami pero sino naman ako para magplano? Makikikain lang ako dito eh hehe.

Nandito na rin naman kasi si Tita at nakapagpareserve na rin daw siya for 7 persons kaya wala ng atrasan.

Nakatayo at nagmamasid ako.
Nang may lalaking dumaan sa harap namin. Nakauniporme siyang pang-waiter at may name plate na nakasulat na "Rafael" Agad akong napangiti at kinalabit ang Mama ko.

"Ma, ang gwapo nun."

Ngumiti siya sa akin at biniro ako,"Ano? Ipakilala na kita? Ang gwapo nga."

Nalaman kong napatingin din pala si Mama. Same taste runs in our blood. Napatawa ako habang nagbibiruan kami. Alam kong medyo nakakahiya kasi ang lakas kong tumawa pero wala akong pakialam. Probinsyana kasi kami at hindi ko ugali na bawasan ang tawa ko. Pasensiya na.

Maya-maya ay may nag-assist na sa amin.

"Ma'am okay lang po ba dito?", sabay turo niya sa dalawang table na magkatalikuran.

"May avail naman ata dun? Dun na lang kami", sagot ni Tita.

Sayang naman kung si Rafael lang sana nag-aassist makikisagot na ako. Pero siyempre joke lang.

Tumayo na kami at pumunta sa upuan. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako kay Rafael at pilit ako ni Mama tinutukso na tatawagin na raw niya at magpapapicture ako. Parang ewan lang. Wala pa rin kasi akong boyfriend dahil ayaw ko pa at bawal pa. Pero tingnan mo si Mama ngayon. Parang inilalakad na ako.

Tatatlo pa lang naman kami ni Tita at Mama. Yung mga pinsan ko at Tita ko kasi papunta pa lang.

Habang wala sila ay todo selfie naman ako. Gustong-gusto ko kasi makita sarili ko sa cellphone nila. Yung wacky shots. Kahit na panget talaga ako sa anumang anggulo, wala akong pakialam.

Oorder na sana kami at niloko ko si Tita.

"Tita, mamaya na. Hintayin natin yung gwapo."

Wala kasi si Rafael. Nasa kabilang side siya nagseserve. Naks. Alam na alam ko. Sorry na. Sinusundan ko talaga ng tingin kung saan siya pupunta.

"Tatawagin ko para sa'yo."

Pero wala pang ilang minuto ay dumating na ang mga pinsan ko at umorder na sila na hindi si Rafael yung kumuha ng order at nagserve.Medyo nadisappoint ako kasi umasa ako huhuhu pero okay na rin.

Busy kami sa kainan at tawanan pero pilit na sinasakop ni Rafael ang isipan ko. Korny. I know. Ganun siguro ako pag nakakita ng gwapo o nacrushan. Uhaw sa pag-ibig? Kainis.

Tumatawa ako nang bigla akong kinurot ni Mama.

"Bakit?!", sigaw ko kahit nakakahiya. Kasi naman kumakain ako. Tapos ngumuso siya at sinundan ko kung sino. Si Rafael. Nagbabalot siya malapit sa amin para sa take out. Di ko mapigilan mapatingin. Ang pinkish ng labi niya. Ang tangos ng ilong. Ang gwapo pag ngumingiti. Perfect!
Nagbabalot lang siya ng pagkain pero parang nagmomodel na siya. Bakit ganun yung ibang tao? Ang simple ng galaw pero iba ang dating. Nagiging pang-model. Unfair. Nalolove at first sight na ata ako. Patingin-tingin ako sa kanya at napansin kong may sing-sing na siya sa daliri niya. Yung parang kinasal na talaga. Napapaisip ako kung kasal na siya kaya siguro nagtatrabaho na siya? O di kaya naman may girlfriend pero fiancée pa lang? Nangangati na akong itanong kay Mama pero hindi na lang. Sus wala yan! Be positive! Nang mapansin pala ni Tita na tinitingnan ko si Rafael.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My waiter [ONE SHOT]Where stories live. Discover now