"Pahinga na muna tayo." ani ko.

Tinanguan ako ni Chase at hinila ko siya. Wala sa sala sila Zion. Baka siguro natulog muna sa kwarto nila. Binitawan ko si Chase at tinuro sa kanya ang kwarto ko. Walang alinlangan na binuksan niya ito at pumasok sa loob. Binuksan ko ang kwarto ni Zion pero wala siya doon. Sinunod ko ang kwarto ni Ina at doon nakita ko si Zion na nakayakap sa baywang ni Ina habang natutulog.

Nagtetext si Ina kaya hindi niya ko pinansin. "Psst!" sitsit ko kay Ina dahilan para tumingin siya dito sa may pinto.

"Hindi ka magpapahinga?" tanong ko rito.

"Magpapahinga ako, ka-text ko lang si Nathalie." aniya sakin.

"Ahh, kay! Sige na magpapahinga na rin ako. Si Chase nasa kwarto." ani ko kay Ina na nagpalaki ng mata niya.

"Wala kayong gagawing iba, Irina ah! Baka mamaya may pamangkin na agad ako!" ani Irina sakin.

Napa-irap ako sa kanya saka ko itinapat sa labi ko ang hintuturo ko. "Natutulog si Zion, wag kang sumigaw." ani ko at binaba ang daliri ko. "And no, balak ko pang magparami ng pera." dagdag ko.

Inirapan na lang din ako ni Ina kaya sinarado ko na ang pinto. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ko nakita si Chase na nakadapa sa kama ko. Dumiretso ako sa cabinet ko at pumunta ng cr para maligo. Dito na rin ako sa cr nagbihis saka ako lumabas na nakaipit na ang buhok. Ganon pa rin ang itsura ni Chase.

Lumapit ako sa kanya para ayusin siya ng higa. Narinig ko ang mahihinang hilik ni Chase at hindi ko napigilang hindi matawa ng mahina. Iniayos ko ng higa si Chase at sa gulat ko ay bigla niya kong hinila. Napadapa ako sa dibdib ni Chase at nanlalaking mata akong nakatingin sa kanya. Nakapikit pa siya at dahan dahan niyang iminulat ang mata niya.

"Chase, ano sa tingin mo ginagawa mo?" tanong ko rito.

"I'm doing nothing, Jace. Just want you with me." aniya sakin.

Pumulupot sa baywang ko ang mga kamay ni Chase at mahigpit akong niyakap. Pinatong ko naman ang mga kamay ko sa dibdib niya at sinubukang lumayo. "Chase naman! Nakaka-ilang!" ani ko at sumuko sa pagtulak sa kanya.

"Can't you just stay in my arms for a while?" aniya sakin.

"Eh kasi... Ay naman!" reklamo ko at inirapan si Chase.

Sumuko na ko sa pagpiglas. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at naririnig ko ang pintig ng puso ni Chase. Lihim akong napangiti sa naisip. Finally, this heart really beats for me. Nung akala ko'y puro musika lang ang inaasikaso ni Chase at ni isang babae wala siyang sinabihan ng oo. Ako lang pala ang hinihintay ni Chase.

"I love you Irina and I need you more than you think." bulong ni Chase.

Tiningala ko siya only to find him sleeping with a smile. Binalik ko ang ulo ko sa dibdib ni Chase at pumikit hanggang sa makatulog ako sa dibdib ni Chase habang yakap niya ko ng mahigpit. Nagising ako sa marahang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Napa-angat ako ng tingin at hindi na ganon ang pwesto namin ni Chase.

Nakayakap siya sa baywang ko at nakaharap ako sa kanya. Kumatok ulit sa pinto ko at narinig ko ang boses ni Ina.

"Kambal, kakain na." ani Ina.

Tumikhim ako at nagsalita ng maririnig niya. "Susunod kami." ani ko.

"Okay!" sagot ni Ina saka ko narinig ang medyo mahina niyang yapak sa hagdan.

Bumaling ako kay Chase na mahimbing na natutulog pa rin. Hinalikan ko siya sa noo saka ko ito tinapik sa braso niya. Hindi siya gumigising sa pagtapik ko kaya't nagsalita ako ng tama lang. "Chase, gising na." ani ko rito.

Umungol si Chase at nagkusot ng mata. Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ni Chase. Minsan naiinis ako sa pagkapale blonde ng buhok ni Chase. Masyado kasing mixed ang lahi ni Chase. I heard his father is the same hair as his. Si Eris rin pale blonde ang buhok at green ang mata.

Nagmulat ng mata si Chase sa akin kaya binigyan ko siya ng ngiti. Dahan dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga saka siya bumaling ulit sakin. Nakahiga pa rin ako pero agad kong itinuon ang siko ko sa kama ko. Humalik si Chase sa pisngi ko saka siya tumayo at dumiretso sa CR ko.

Tumayo ako at umalis sa kama ko saka ko ito inayos. Busy ako sa pagliligpit ng kumot nang biglang may mag-ring. Hindi ko phone iyon dahil hindi naman ito ang ringtone ko kaya't napatingin ako sa cellphone ni Chase na nasa sidetable. Hindi ko gawain ang mangielam pero nacurious ako. Lumapit ako doon at kinuha ito. Umupo ako sa kama at nakita ko ang pangalan ni Eris.

Eris

Chase! She's back! Oh my God she's back, kuya!

Nangunot ang noo ko sa message ni Eris kay Chase. Hindi niya naman malalaman na ako ang nagtext kaya tinipa ko ang keyboard ng phone ni Chase at mabilis na nagtype.

Who is?

Pagkasend pa lang ng text ko kay Eris nang bigla itong tumunog.

Eris

Circe is back! Finally, right?!

Napanga-nga ako sa nabasa ko. Hindi lingid sa kaalaman ko na si Circe ang first love ni Chase. For freak's sake, Chase gave her that name because of her fierceness. Napa-igtad ako nang bumukas ang pinto ng CR ko at lumabas si Chase na bagong hilamos. Nakatingin siya sakin na parang nagtataka at bumaba ang tingin sa cellphone niyang hawak ko.

Tinikom ko ang bibig ko at ibinaba ang cellphone ni Chase sa bed-side table. Umiwas ako ng tingin kay Chase na papalapit sa pwesto ko. Dinampot niya ang cellphone niya at pabalik balik ang tingin sakin na may kunot sa noo.

"Who texted?" tanong niya sakin pero hindi ko sinagot.

Lumuhod sa harap ko si Chase at hinawakan ako sa baba. Pinatingin niya ko sa kanya. My eyes are being flooded by tears. I don't even know what's wrong with me kung ba't ako naiiyak sa pagbabalik ng ex ni Chase.

"Who texted, Irina?" tanong ni Chase sakin sa marahan na tono.

"C-can you find i-it out yourself?" I managed to answer.

Nakaluhod pa rin siya sa harap ko at binuksan ang phone niya. Nabasa niya ang kaninang text lang ni Eris. Pinanood ko kung paano nangunot ang noo niya. Napakagat siya sa labi niya at tumingin sakin.

"Found it out. Now, do you mind telling me what's wrong?" ani Chase sakin.

Umiling ako dahilan para bumuntong hininga si Chase sa ginawa ko. "Babe, you got to tell me what's wrong. What happened? Tell me." pilit ni Chase.

Tumingin ako sa mata niya at sumagot. "Circe happened, you happened or in short, you and Circe happened, Chase." ani ko.

"What?" biglang tanong ni Chase.

"Circe happened to be your first love who freaking returned Chase and you...you happened to be the one I choose to be with." ani ko.

"I don't get it, Irina!" sagot ni Chase.

"Chase! Circe returned when everything is starting to feel so good and so real with you! Bakit kailangan niya pa bumalik?! Naiinis ako kasi bumalik siya!" Di ko napigilang sigaw ko.

Tumayo si Chase at humawak sa magkabila kong braso saka siya tumingin sakin. "Listen to me, Irina. I don't give a fvck about Circe returning, alright? I only give a fvck about you. I only care about us. Right now, it's just us. That's what I wanted, right? And I'll forever want to be with you." marahang paliwanag ni Chase dahilan para pumatak ang luha kong kanina pa nagbabadya.

Lumipat sa pisngi ko ang parehong kamay ni Chase at pinunasan ang pisngi kong napatakan ng luha. "All I want you to think about now is how much I love you. She's my past, Irina. You're my present and hope to be my future. I'm no longer hers, I'm only yours. Forever and only yours, babe." aniya bago ako siniil ng halik sa labi.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now