Kinuha naman ni Chase ang maleta nila Ina at Zion saka siya tumango sakin. Isinabit ko rin sa balikat ko ang duffel bag at hinawakan ng isa kong kamay ang maleta ko. Binigay ni Chase kay Ina ang maleta niya habang siya naman ang may hawak ng kay Zion at ng sariling maleta. Dinukot ko sa bulsa ko ang cellphone ko at agad tinext ang driver namin na nandito na kami.

Nang maisend ko ito ay agad akong tumawag kay appa. Wala pang pangatlong ring ng sagutin ito ni appa.

"Anak, saan na kayo?" tanong ni appa.

"Hinahanap na lang po yung sasakyan appa." sagot ko sa kanya.

Naglakad kami papunta sa pillar kung saan nandoon ang initial ng apilyedo namin. Nilingon ko si Chase na nginitian na lang ako. Ngumiti ako pabalik saka ko kinausap si appa.

"Appa, ingat kayo ni eomma diyan ha? Next week ba kayo uuwi?" tanong ko rito.

"Irina naman. Hindi ka pa nga nakakauwi sa bahay natin, miss mo na agad kami ng eomma mo?" ani appa sakin.

Napairap ako. "Appa rin naman, hindi ako nagbibiro sa tanong ko." ani ko.

Nakarating kami sa sasakyan. Tumulong si Chase sa paglagay ng gamit sa likod ng sasakyan. Sumakay na si Zion at si Ina naman ay nag-aabang kasama ko. Nagtetext na lang siya sa cellphone niya't pagkatapos ay nakinig sa sinasabi ko.

"Next week rin, Jace. Ingat kayong magkakapatid, mag-iingat rin kami. Sige na anak. Umuwi na kayo't magpahinga. Next week na kayo pumasok kapag naka-uwi na kami." ani appa sa akin.

"Opo, appa. Annyeong! Saranghae!" ani ko.

"Annyeong appa! Saranghaeyo!" ani Ina sa tabi ko. Lumapit si Zion sa amin at dumungaw sa bintana. Iniabot ko sa kanya ang phone saka siya nagsalita.

"Annyeong, appa! Naneun dangsineul geuriwo hago naneun dangsineul saranghaeyo!" (Bye, papa! I miss you and I love you!) ani Zion at inabot sakin ang phone ko.

"Alright, bye kids. We love you. Take care." ani appa at binaba na ang tawag.

Kanina pa pala natapos sila Chase sa pag-aayos ng gamit. Sumakay ako para magkatabi kami ni Zion na nakatingin sa labas ng bintana. Sa harap umupo si Ina habang si Chase naman ay tumabi sa akin. Sinara niya ang pinto at ang kanang kamay ay nilagay niya sa sandalan ng inuupuan ko.

Tumagal ng kalahating oras ang byahe namin bago kami makarating sa bahay. Nakapark sa tapat ng bahay namin ang kotse ni Chase. Napatingin ako ng wala sa oras kay Chase na nakasandal sa may bintana at ganun pa rin ang pwesto habang natutulog. Tinapik ko siya sa pisngi at si Zion naman ay dire-diretsong bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay.

"Chase, dito na tayo." ani ko habang tinatapik siya sa pisngi.

Minulat niya ang mata niya at pinikit ito ulit saglit. Maya maya ay tuluyan niya nang minulat ang mata niya. Lumipat sa baywang ko ang kanang kamay niya habang ang isa niyang kamay ay nagkusot ng mata. Humikab si Chase at hindi ko napigilang hindi mapangiti sa nakita.

Nakakunot noo si Chase na umayos ng upo at binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaba siya at nag-unat. Inilahad niya sa harap ko ang kamay niya kaya hinawakan ko ito at bumaba. Akmang tutulong siya sa pagbaba ng mga bagahe ng pigilan siya ng driver namin.

"Ah eh, sir. ako na rito. Magpahinga na lang ho kayo sa loob." anito kay Chase.

"You sure?" tanong ni Chase.

Tumango ang driver na tinanguan rin ni Chase. Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Chase kaya hinila ko siya saglit. Lumingon sakin si Chase na may kunot pa rin sa noo.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon