Bumaba kami at mula rito sa loob ay kitang-kita mula sa glass walls ang mga tao sa labas. Tinungo na namin ang terrace ng beach house na nasa labas. Ang bubong nito ay gawa sa kahoy at dahil dito ay hindi masyadong mainit. 

Maingat akong pinaupo ni Grant sa upuan at umupo rin siya sa katapat kong upuan. Napatingin ako sa mga nakahain sa gitna ng mesa namin. 

There's a cup of milk and coffee, ham & swiss omelet, fried rice, and two cups of fruity waffle parfaits. Well, Grant knew that I don't drink caffeine so he prepared milk instead. 

"Let's eat," wika niya na ikinatango ko lang. Aabutin ko na sana 'yong plato na may fried rice ay naunahan na ako ni Grant. Napatingin ako sa kaniya nang ilapit niya sa akin 'yong plato na may sinangag. 

Kinuha ko ang serving spoon at ako na mismo ang naglagay ng sinangag sa plato ko. Nang matapos ay nilapag niya ang sinangag at kinuha naman 'yong plato na may ham & swiss omelet. 

Hinayaan ko lang siya nang nilagyan niya ng isang omelet ang plato ko dahil gustong-gusto ko itong gingawa niya. My heart melts everytime he's serving me. He really loves spoiling me and I liked it. 

Sana ay hindi siya magbabago. Nang matapos ay ang plato niya naman ang nilagyan ng omelet at sinangag. Naging tahimik kami hangggang sa matapos kaming kumain. Indeed, he's a great cook.

"YOU'RE GAINING WEIGHT," napatingin ako kay Olive na nakatingin sa akin ngayon habang kumakain ng chips nang sabihin niya 'yon. 

Napatigil ako sa pagkain ko ng pretzels at kumunot ang noo ko sa kaniya. I think she's right. May mga hindi na ako kasyang damit. Shuxx, tumataba ako? 

Well, these past few weeks, puro kain ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako ganiyan dati. Minsan din ay madalas akong inaantok at nahihilo.

It's been one month since we came back from our semestral break and it's our second semester now. Time flies too fast. It seems like yesterday when I'm chasing Grant but now, I don't need to chase him. 

Today is Friday and we're here at my dressing room because it's our break time. 

"May nangyari na sa inyo ni Grant?" Nalipat ang tingin ko kay Jhona nang itanong niya 'yon sa akin. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya dahilan para mapasinghap sila ni Olive. 

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang kumain ng pretzels at paminsan-minsan ay sumisipsip ako sa Strawberry & Cream Frappe ko. 

"Kailan pa 'yong last na period mo at kailan ka ulit magkakaroon?" Tanong ni Olive. Sumulyap ako sa kaniya at inisip 'yong huling dalaw ko. 

"Five days after we arrived at the beach resorts and I expected that I have my period two weeks ago. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Alam ko naman na regular ang menstrual cycle ko kaya imposible na baka delayed lang ako," I explained and they just both nodded with my response.

"Hmmm okay," Olive said and I just shrugged my shoulders. Hindi naman nagtagal ay nag-ring na ang bell hudyat na tapos na ang break time ngayong umaga. 

Tumayo na sila Olive at nilapag ko na rin ang wrapper ng pretzels sa center table. Tumayo na ako at napakapit ako sa braso ni Olive nang bigla akong nakaramdam ng hilo. 

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Olive sa akin. Tumingin ako sa kaniya at umiling lang, bakas sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at bumitaw na sa kaniya.

My vision became blurry and I can't see clearly. Ilang beses akong kumukurap ngunit malabo pa rin ang paningin ko. Napahawak ako ulit kay Olive nang nararamdaman ko na nanghihina ako at hindi ko namalayan na bumagsak ako sa couch.

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Where stories live. Discover now