CHAPTER 162: TOKYO vs. PARIS (France)

Start from the beginning
                                    

At may isang pagkakamali din si Cadieux. Yun ay ang walang kapagurang player na may taglay na mataas na stamina at reflexes ang kanyang binabantayan na si Hanamichi Sakuragi. At hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang ganung katangian ng Henyo.

Tumunog ang time buzz ng gymnasium saka pumito ang Referee. Tapos na ang time-out. Inayos ng parehong team ang kanilang mga sarili.

"Tandaan niyo ang mga sinabi ko." Sabi ni Coach Zakusa sa kanila.

"Oo!" Sagot nila.

Si Coach Vilgauxe ay ganun din sa kanyang mga players.

Ang parehong pangkat ay sabay na bumalik sa loob. Ang bola ay binigay ng Referee sa Team ng Paris. Limang minuto na lang ang natitira at matatapos na ng first half. Hawak ni Marshall ang bola at pinatalbog ito. Ang Tokyo Team naman ay nakababag malapit sa division line ng Paris court.

Nagsipwesto naman sa kani-kanilang task areas ang Paris Team.

Pumito ulit ang Referee saka sinimulang patakbuhin ang oras.

*PASS!*

Biglang pinasa ni Marshall ang bola kay Ozanne. Pagkasalo nito ay mabilis itong idinribol palabas ng court ng Tokyo. Agad namang nakapunta sa unahan niya ang tatlong kasamahan nito na sina Solevenn, Sauveterre at Cadieux. Kay Cadieux niya pinasa ang bola.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay agad itong tumungo sa 3 point lane arc ng Paris court. Nakita siya ni Hanamichi kaya sinulong siya nito para depensahan. Nang makarating si Hanamichi sa kanya ay hinagis niya. Paitaas ang bola patungo sa ring, napunta ang tingin ni Hanagata at Solevenn ang bola. Nakita din yun ni Hanamichi, akmang tatakbo siya sa gawi ng bola nang babagan siya ni Cadieux.

"Huh?" Taas kilay na sambit ni Hanamichi dahil nakaharang si Cadieux sa kanya.

Pinuwersa niya ito para makapasok sa inner court pero natatapatan ni Cadieux ang lakas na taglay ni Hanamichi. Napangisi siya.

"Aba, aba... Ahas. Kaya mo palang tapatan ang pisikal na kapangyarihan ng Henyong si Hanamichi Sakuragi?" Maangas niyang tanong.

Pero umismid lang si Cadieux sa kanya. "Kayang tapatan ng ahas ang isang unggoy na katulad mo." Sagot nito.

Ang bola na isang metrong palapit sa ring ay sabay na inabot ni Hanagata at Solevenn. Dahil mas matangkad ng 6.5 centimeter si Solevenn ay siya ang tagumpay na nakaabot sa bola saka pwersang ginawa ng Alley Hoop.

*DUNKKKKKKKKK!!*

"AYOOOOOOOOSSS!

GRABE ANG LAKAS!

CAPTAIN SOLEVENN!" sigawan ng mga manonood.

"Nice cover, captain!" Puri ni Cadieux at tumakbo sa gawi niya ang kapitan saka nag-apiran.

[1st half-2nd quarter| 4 mins. 13 sec|
Paris Team: 40 | Tokyo Team: 43 ]

"Mahusay yung pasa mo, Cadieux--- BALIK SA DEPENSA!" sigaw ni Solevenn at sabay silang tumakbo papasok sa court ng Tokyo Team.

Naiwang nakangiwi si Hanamichi. "Grrrrr kasalanan to ng Ahas na yun!" Bulonh ni Hanamichi at mabilis na sinundan ang dalawa.

Si Hanagata ang agad pumulot sa bola saka pinasa kay Fujima. Pagkasalo nito ay agad sinimulan ang opensa. Ang bilis ng takbo ni Maki, Sendoh at Hanamichi ay halos parehas na parang balak sagasain ang mga players ng Paris. Pagkapasok nila sa Tokyo Team half court ay binounce pass ni Fujima ang bola patungo kay Maki. Pagkakuha ni Maki ay sinulong niya ng mga depensa at nilusutan hanggang sa nakapunta siya ng ilalim ng ring saka tinaas ang bola upang e lay-up shot.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now