"Mga putang ina naman. Ibabato ko sa 'yo 'tong tanginang silya, Harvey. Isa pa. Bibinggo ka na sa akin, letche ka. Bibinggo na kayong mga bwisit kayo!" Bwisit na bwisit na siya habang tinatakpan ang tainga.

"Hindi nga namin alam ang pattern kaya paano kami bibinggo—aray! Sinabunutan ako ni Darlene!" Harvey was holding his hair.

"Putang ina."

The boys and I laughed. Hindi napapansin ni Darlene 'yon dahil abala siya sa pagkainis kay Harvey.

"Ang lutong." Gael laughed.

"Siya lang yata ang kilala kong babaeng nagmumura ng malutong."

"Tangina, tigilan niyo nga kakaasar." Binato niya kami ng libro kaya umilag ako. "Nakakabwisit naman kayo! Letche!"

Nanahimik na ako para hindi na madamay, but I kept on laughing. Pero nang makita kong hindi na talaga siya natutuwa, tumigil na ako. Nakaupo na siya sa harap at diretso lang ang tingin sa baba. Pikon na siya, hindi na rin ayos ang timpla ng mood niya.

Tumayo ako at hinampas isa-isa sila para tumigil. I threw Harvey a bottle of water when I saw him. Hindi pa rin siya tumitigil. Tumayo ako sa harap bago pinwesto ang kamay kung paano babatuhin si Harvey.

"Aray ko naman, Nix! Ang sakit no'n!" Nakahawak siya sa noo kung saan tumama ang bote.

I glared. He stopped then faced the board. I sat on the teacher's table. Napatingin pa sa akin si Darlene dahil sa gulat nang ginawa ko 'yon.

Tumingin ako pabalik. Nakikipagtitigan pa siya kaya kininditan ko. Her cheeks flushed as she looked away.

"Muntik na akong matunaw sa kindat na 'yon, bro." Rafael clapped his hands. "Baka mamay—aray!" Binato ko siya ng eraser. "Masyado mo naman love si Darlene."

"Pakyu!" Darlene shouted.

Napatingin ako sa labas nang mag-bell. It's already dismissal? Ni walang Teacher na pumasok bukod kay Ms. Catalina.

I stood up to get my things. I was about to say something but Darlene suddenly walked out. Nilingon ko ang iba na natatawa pa rin dahil napa-walk out nila si Darlene.

"Clean this mess. Kayong lahat. Linisin niyo 'yan," utos ko bago sila sinamaan ng tingin.

"Luh, bakit naman?" reklamo ni Arvin.

"For all you all shits to her." I glared.

"But I'm not—" I cut Harris off.

"I don't care. Clean this mess. Asar kasi kayo nang asar, look, she didn't even give me a glance." Tapos hindi pa ako pinansin. So, how can I talk to her?

"Ay, iyon naman pala ang problema. Huwag kang mag-alala, Nix, papansinin ka rin no'n," Owen teased.

"Just clean up, alright," I said then left our room.

I followed Darlene. Nakita ko naman agad siyang naglalakad. May sinipa pa siyang papel sa harap niya. Hindi niya man lang ako napansin. I kissed her cheeks from behind, which made her stop.

She looked at me with shocking eyes. Humawak pa siya sa pisngi niya kung saan ko siya hinalikan. "Ano ba? Bakit mo ba ako hinahalikan sa pisngi?"

"Gusto ko lang." Her cheeks were soft, and kissing it is my habit. "Are you going home?"

"Syempre, saan pa ba ako pupunta?"

"Somewhere..." I turned my head to her.

"May lugar palang somewhere?" She laughed at her own joke.

I shook my head. "Seriously, let's go somewhere, where do you want to go?"

"Impyerno—charot lang. Kahit saan basta maganda."

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz