Bisikleta

10 1 0
                                    

“ Hindi kataka-taka kung gayon, na ang tao, pagiging alipin, magkaroon ng ugali ng isang alipin…” Luhang tumutulo sa aking mga mata, habang sila’y pumapalakpak . Tatlong tao sa likod ng mesa hawak ang pluma at papel.

“ Magaling ang iyong ipinakita G. Nanon, Sigurado ako na malayo ang iyong mararating sa mundo ng showbiz bilang isang actor. Meron kana sa tangkad at mukha pati narin ang talento ” Sabi ng lalake sa bandang gitna.

“Tama! Pero may tanong ako sayo G. Nanon. Nakalagay dito sa resume mo ay pinili mo ang role na ito dahil sa iyong kaibigan, hindi ba?  kung makikita mo muli ang iyong kaibigang  pagkatapos ng interview na ito,  ano ang gusto mong sabihin sa kanya?” tanong ng babae na nakaupo sa may kanang bahagi.

Biglang may kaba akong naramdaman sa tanong na iyon. Bumalik muli sa aking ang mga alaala, ang mga damdaming matagal ko ng kinukubli, takot, galit, sakit, at saya. “Hmmm… Marahil ang sasabihin ko ay ‘Salamat’ dahil sa kanya ay nakarating ako dito sa araw na ito.”

“Sige” ngunit sa aking pakiwari ay may kulang pa sa iyong ipinakita sabi ng isang babae na nakaupo sa may kaliwang bahagi. “May gusto pa akong makita at nais kong isipin mo na ang iyong kaibigan ay nasa harapan mo ngayon at maliban sa salamat, ano pa ang nais mong sabihin sa kanya?”

Isang tao ang biglang dumaan sa aking paningin, maputi at singkit ang mga mata, hindi gaano kataasan at sa aking palagay matagal ng hindi nakapag suklay ng kanyang mga buhok at suot  niya ang paborito niyang pulang jacket. Nakangiti ngunit parang siyang mukhang maldito. Bahagyang napangiti din ako ng makita ko muli ang kanyang maamong mukha dahil medyo matagal tagal ko na rin siyang hindi nakita at nasambit ko ng pahikbi “ Stell , Talo ka. ”

*Anim na taon sa nakakaraan*

*beep* *beep* *beep*
Napuno ang buong bahay sa ingay ng alarm clock sa madaling araw habang natutulog pa si Nanon ng mahimbing sa kama at biglang pumasok ang nanay niya “ HUY BATA KA MAHUHULI KANA NAMAN SA KLASE MO GISING NA! 6:30 NA!!!”. Napatalon si Nanon sa kama niya sa gulat sa sigaw ng nanay niya at bilang tumakbo sa CR. “YAN KASI PAGGABI CELLPHONE KA LANG NG CELLPHONE. ‘DI NA NATUTULOG! BILISAN MO NG MALIGO!” sigaw ng nanay, Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto pero pinatay niya muna ang maingay na alarm clock sa may pintuan at pumunta sa kusina.

-NANON POV-
‘Ughh, Bakit pa ba may klase sa 7 ng umaga di ba sila napapagod?!' naiirita niyang iniisip. At pagkatapos niya naligo ay nagbihis na siya. Ang oras na ngayon ay 6:55a.m, bigla  siyang tumakbo sa kusina sabay bitbit sa  kaniyang baon at mabilis na tumakbo na may  kagat ng isang mansanas sa kanyang mga bibig. “Mabuti na lang hindi malayo ang Rithaya High School sa bahay, kung hindi patay na talaga ako sa titser namin may quiz pa naman ako sa 1st subject”. Habang palapit na ako sa gate ng paaralan ay may nakita ako isang pamilyar na tao na nakabike na may suot na pula na jacket na panunta sa akin at bigla ako huminto.

“MAMONNNNNNN!!!!” sigaw ni Stell kay Nanon. Si Stell ang matalik kong kaibigan mula kindergarten, sobrang lapit naming, palagi kami pinagkakamalan na magkapatid.

-STELL POV-
BILIS! BILIS! BILIS! BILISSS!! MALALATE NA AKOOO!! ang dami na man ng tao sa araw na ito ‘di ako makasakay ng jeep kaya nagbike na lang ako. Binilisan ko ang takbo ng bike nang nakita ko si Nanon at huminto sa tabi niya. “Oh! malalate na tayo sakay kana may quiz pa na man tayo sa class ni Ma’am Adzrina!” sigaw ko. “Sige takbo!” sabi ni Nanon habang siya sumakay sa likod ng bike at sabay na kami pumasok sa kampus. “Mag gragraduate na tayo ng highschool pero ‘Mamon’ parin tawag mo sa akin, ano ka bata?” sigaw ni Nanon. Natawa ako sa sabi niya at sabi ko “Bakit ko na man palitan ang palayaw mo eh yun nga ang nakasanayan ko, ang sarap kaya ng mamon, paborito ko pa na man yun at saka bagay na man sa pangalan mong Nanon = Mamon oh diba? Talino ko MWAHAHAHA!”

BisikletaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant