Chapter 13

556 22 15
                                    

"Sige. Payag na kami.",sagot ng mga magulang niya.

Halos lumuwa ang mata ni Ryle sa narinig niya sa mga magulang. Gusto nya atang himatayin na talaga. Ano bang pinag-iiisip ng mga magulang niya? Bakit sila napapayag nito?

"Naay? Taay? Ano ba naman kayo? Bakit po kayo pumayag? Naniniwala po kayo sa kanya? Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal! Lalung-lalo na sa taong hindi ako mahal!",sabi ni Ryle saka umalis at pumasok papunta sa kwarto niya.

Unang beses nilang nakitang nagalit si Ryle ng ganun. Unang beses din na nasumbatan niya ang mga magulang niya ng ganun. Lumaki siyang magalang at may respeto sa kanyang mga magulang. Pero dahil lang kay Vice ay hindi siya pinaburan ng mga ito sa tama niyang desisyon. Nagkulong sa kwarto si Ryle at umiyak doon. Samantalang si Vice naman ay gustong puntahan si Ryle. Pero pinigilan siya ng mga magulang niya.

"Kami ng bahala na makipagusap sa kanya iho. Alam mo ba kung anong dahilan namin bakit kami pumayag?",sabi ni Aling Sonia.

"Hindi po.",sagot ni Vice.

"Hindi kami pumayag dahil mayaman ka iho. Hindi kayang bilhin ng pera ang totoong kaligayahan ng isang tao. Kaya namin ginawa yun ay para makita namin ang sinseridad mo. Alam kong mabait kang tao. Kaya kung may konsensya ka at hindi totoo ang nararamdaman mo sa anak namin ay itigil mo na lamang ito iho.",seryosong sabi ni Aling Sonia saka muling nagpatuloy.

"Hindi namin totoong anak si Ryle. Hindi kami mabiyayaan ng anak ni Nestor dahil baog ako. Akala namin noon talagang mabubuhay kami ng asawa ko na dalawa na lang kami. Hanggang sa dumating siya sa buhay naming mag-asawa. Binigyan niya ng kulay ang bawat araw ng buhay namin. Mabait at mapagmahal na anak si Ryle. Ni minsan hindi ko narinig na nagalit yan o sinagot kami ng Tatay niya. Ngayon lang. Matanda na kami at hindi namin alam kung sinong mauuna sa aming mag-asawa. Kaya lagi naming iniisip ang kapakanan niya. Kahit di siya nanggaling sa akin ay pakiramdam ko nagmula siya sa akin dahil sa sobrang pagmamahal niya sa aming mag-asawa. Gusto namin na makita siyang masaya at mapapasaya rin siya ng taong pagkakatiwalaan namin sa kanya. Mahal na mahal namin siya. Siya ang kayamanan namin hindi ang luho sa mundo. Siya lamang.",emosyonal na sabi ni Aling Sonia na patuloy ang pag-iyak at niyakap siya ng asawa

"Kaya kung hindi ka tapat sa mga sinabi mong iho. Makakaalis ka na sa pamamahay namin. Gusto naming maging masaya ang anak namin. Dahil poprotektahan nami siya kahit buhay pa namin ang kapalit.",maluha-luhang saad ni Mang Nestor.

Natahimik si Vice sa mga nalaman niya. Hindi niya alam ang tamang sagot na pwede niyang sabihin sa mag-asawa dahil baka mali ang sasabihin niya. Pero ang pwede niya lang sabihin ay kung anong totoong nararamdaman niya.

"Hindi ko po alam kung anong tamang sagot o magandang sagot na pwede ko pong sabihin sa inyo. Dahil ayoko ko pong lagyang ng mabulaklak na salita ang mga sasabihin ko. Ang alam ko lamang po ay kung ano pong pwede kong sabihin sa inyo na galing sa puso ko.",sabi nito saka ulit nagpatuloy.

"Hindi ko po alam ang kwento ng buhay ni Ryle. Kaya hindi ko po alam ang pinagdadaanan niya. Nang makita ko po siya sa libingan ng yumao kong ina. Doon niya po ako unang napasaya. Yun po yung oras na tumawa at ngumiti po ako ulit. Hindi ko po alam kung ano pong totoo kong nararamdaman sa anak ninyo pero iisa lamang po ang alam ko. Ayaw ko pong mawala sa buhay ko si Ryle. Kaya sa kagustuhan niyo pong protektahan siya ay ganun din pong nais kong gawin. Poprotektahan ko din po siya bilang katuwang niyo. Hayaan niyo po akong gawin ito at pangakong hindi ko po siya pababayaan. Ibibigay ko po ang kaligayahan na hangad niyo sa kanya na hindi po sa materyal na bagay kundi sa paraan na alam kong magpapasaya po sa kanya. Pangako ko po yan sa inyo. Sana po pagkatiwalaan nyo ako?",sabi ni Vice.

Lalong napahagulgol sa iyak si Aling Sonia at napaluha sa saya si Mang Nestor. Dahil ito ang unang beses na may humingi ng kamay sa anak nila at talagang sinsero ang pagtatapat sa kanilang mag-asawa.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon