AGNH Epilogue

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha niya sa drawer ang isang libro. Inabot niya 'yon sa akin kaya kaagad kong tinanggap.

Halos manindig ang balahibo ko nang makita ang librong isinulat ko.

By Accident

Basa ko sa titulo ng libro na nakasulat sa book cover nito.

"Hay nako, mag- ayos ka na dahil baka ma- late ka pa, gandahan mo ang damit mo, a?" paalala ni mama bago humakbang palabas.

"Ma!" tawag ko rito bago siya umalis.

"I love you," saad ko nang humarap siya sa akin.

"Sus, mag- ayos ka na, maglalambing ka pa, e," sagot nito bago tuluyang lumabas sa pintuan ng kuwarto ko.

Mga ilang segundo ko ring tinitigan ang libro bago maglakas loob na buklatin iyon.

Sa unang pahina ay muli kong nakita ang title nito. Sinubukan kong bukla- buklatin ang bawat pahina ngunit parang wala naman talagang naiba.

Huminga ako nang malalim bago basahin ang nasa huling pahina.

Nang magkaro'n ng lakas ng loob ay nakita ko na, ngunit laking gulat ko nang wala namang nagbago.

Namatay pa rin si Sephora sa dulo dahil sa isang aksidente at namuhay mag- isa si Hugo.

Nang basahin ko ang huling parte ng libro ay parang wala akong naramdaman na kahit anong konsensya dahil sa sinapit ng kuwento. Siguro ay dahil alam kong kung si Hugo ang magdedesisyon, gusto niya na rin ang ganiyang ending.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga nagawa ang misyon ko. Wala akong natapos kahit isa. Parang nagulo ko lang ang buhay nila sa loob, pero maganda na rin dahil may mga nabunyag na sekreto.

Hindi ko pa rin maiwasan maisip kung kumusta si Hugo. Nakakulong na ba siya sa isang malaking kuwarto katulad ng una kong kita kay Sephora noong wala siyang buhay? Siguro ay maganda na rin 'yon para hindi na siya magulo ng kahit sino man.

Isinara ko ang libro at tumayo para humarap sa vanity mirror na nasa kuwarto ko.

Nakasuot ako ng ternong pajama. Hindi ko alam at hindi ko na rin maalala kung ano ang huli kong suot pag- alis ko sa mundo nila.

Kaagad kong inangat ang manggas ng damit ko para makita kung meron pa bang paso ng sigarilyo sa braso ko pero wala akong nakita. Tinignan ko rin ang mga binti ko pero wala rin akong nakita na kahit anong pasa.

Sa madaling salita, ayos akong nakabalik at walang galos.

Nagulat ako nang biglang may tumunog. Hindi ko alam na cellphone ko pala 'yon.

Parang nakalimutan ko nang may cellphone pala ako.

Kinuha ko ang cellphone sa side table at tinignan kung sino ang tumawag.

Meganda

Nangatog ang sistema ko nang makita kung sino ang caller.

Si Megan, siya ang manunulat sa likod ng karakter ni Horcrux.

"H- hello?" takot kong sagot sa tawag niya.

"Nasaan ka na? Nakabihis na ako, babiyahe na lang papunta sa event center. Kakagising mo lang ba?" sunud- sunod na pagsasalita niya.

Napatikhim ako bago siya sagutin. "H- hindi, a, kanina pa ako gising, mag- aayos lang ako ng kaunti, papunta na rin ako," sabi ko.

Hindi na nagtagal ang usapan namin dahil nasa hintayan na pala siya ng sakayan nang tumawag siya.

Binilisan ko ang pagligo at pagkilos para mabilis na ring makapunta sa sinasabi nilang booksigning.

Habang nasa biyahe ako ay napakaraming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko. Kung ano na ang kalagayan ni Hugo sa mundo niya, kung ayos pa ba siya, at kung paano ko sisimulan ang pagsusulat ng kuwento naming dalawa.

A Guy Namely HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon