XXV.

4.7K 124 1
                                    

Dedicated to @capitalsawi! Ang ganda po ng Abstract Attraction! ❤

•♥•

Chandria ♔

Magka-holding hands kaming nag-lalakad ni DJ dito sa Quadrangle habang tumitingin sa mga booths. It's Monday, foundation day na at sa friday na yung intramurals. Yun din yung araw ng game at performance ng bawat club.

"Sigurado ka bang hindi tayo mahuhuli ng mga taga-Jail Booth nito? Diba 1 meter apart daw dapat sa kasama?" tanong ko kay DJ.

"Di yan. Pwede namang bayaran pag ayaw mag-pakulong eh. Tsaka, subukan nilang ilayo ka sa'kin ngayon baka ipa-suspend ko sila kay Tita Min." nakangiti niyang sabi.

Hinampas ko naman siya sa braso, "Yabang mo! Parang mas nanay mo pa si mommy kung maka-asta ka ah!"

"Ano ka ba Chandy, sooner or later Mommy na din ang itatawag ko sa Mommy mo." sabi niya sabay kindat pa.

"Shet talaga, Danilo. Yung totoo, pinag-lihi ka ba ni Tita Karla sa Mais? Ang corny mo!" sabi ko.

"Okay lang yun. Sa'yo lang naman eh." babatukan ko na sana siya pero naka-ilag naman siya kaya inis akong napa-padyak.

"Para kang bata. Dun nalang tayo sa Freedom Wall!" sabi niya sabay hila sa'kin palapit sa freedom wall.

Kumuha siya ng dalawang markers dun sa basket at ibinigay niya sa'kin yung isa.
Lumapit na kami sa wall at nag-simula kaming mag-sulat. Tatlo lang yung sinulat ko pero siya, message ata ang sinulat. Ang tagal eh! Hahaha.

Chan-Din ♥

I Love You D :>

Chandy Bernards ツ

Yan yung tatlong sinulat ko sa mag-kakaibang part ng wall. Tinignan ko naman si DJ at nakita kong tapos na siya kaya tinignan ko naman yung sinulat niya. Ano ba 'to, nobela?

Para sa Baby Chandy Reyna Ko. :)
I Love You Forever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever and ever...

That Nerdy ChicWhere stories live. Discover now