"We are definitely leaving this aisle!" -mariin niyang sabi at hinila ako papaalis sa aisle na yun. Naman eh! Nilingon ko nalang yung aisle na iniwan namin. Yung chips ko! Wala akong makakain for the next few days. Naman kasi Mhor! 

For the whole ride, pabalik sa bahay namin hindi ko siya pinansin. Bumaba agad ako sa sasakyan tapos, padabog na sinara yung pintuan ng kotse niya. 

"That is so childish!" -galit na sabi nito sa akin. 

Agad din niya akong napigilan sa pagpasok sa loob ng bahay namin. Hinarap ko ito na galit na galit. 

"Alin yung childish yung pagsara ko nang malakas sa pintuan ng kotse mo? Pasensya naman daw ha! O siya kung may gasgas ipadala mo na lang sa isang shop niyan at ako na bahalang magbayad!" -pasinghal na sabi ko sa kanya at marahas na inalis yung pagkakahawak nito sa akin. 

Dali-dali akong pumasok sa bahay. 

"Buti pa yung kotse, alagang-alaga yung asawa niya di man lang mapagbigyan!" -bulong kong sabi sa sarili ko. 

"IS THIS ABOUT THOSE STUPID G*DDAMN CHIPS?! HALIKA AT PUPUNTA TAYO SA FACTORY NG JACK N' JILL!" -galit na sabi din nito sa akin. 

"MHOR NAMAN EH!" -reklamo ko sa kanya. 

"WHAT?!" -siya. 

"Bakit ba kasi ayaw mo akong bilhan ng chips. KAINIS KA NAMAN KASI!" -pag-aalburoto ko. 

"Did you just realized awhile ago kung ilang chips ang nauubos mo? THREE! THREE PACKS OF CHIPS!" -sabi nito na pinapakita pa sa akin kung ilan yung chips na nauubos ko sa pamamagitan ng mga daliri niya. 

"So? It's just three." -I stated flatly. 

Book 2: He Is Still A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon