Patuloy ang pagtakbo ng mga kabayo habang lulan kami sa kanilang likuran subalit patuloy parin ang pagdurugo ng sugat ni Cerberus at ang pagpapaulan ng mga palaso ni prinsesa emperia na nakasunod sa aming likuran.
Siya ang pinakamagaling na bampira ng Venetus sa Larangan ng pagpapana kaya't bawat palaso na pinapakawalan niya ay talaga namang may tinatamaan.
Nakarinig ako ng mura mula kay Carden nang madaplisan ng isa sa mga palaso ni Prinsesa Emperia ang kanyang pisngi. Ipinatigil nito ang sinasakyang kabayo at ganoon din ang ginawa namin.
"Carden, what are you doing?" Alessandro asked when Carden guide his horse to turn around and face the princess of Venetus empire.
"Just leave this to me, brother. I'll follow you after I'm done dealing with her. Have you forgotten that I'm a beast tamer?"
"Carden, baka nakakalimutan mo rin na ang makakalaban mo ay isang prinsesa at hindi hayop!" Their eldest brother said.
"Is that so? I can tame a bitch too," He said smirking as he shrug his shoulders.
"Now go and leave her to me."
Sinunod namin ang sinabi ni Carden at nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kabayo paalis sa desyerto ng Aureolus empire hanggang sa marating na namin ang kagubatan ng Melicus empire o ang Emperyo ng musika. They are known for their musical talents.
Tumigil sa pagtakbo ang aming mga kabayo nang nasa loob na kami ng gubat. Nauna akong bumaba sa kabayo at sumunod naman si Cerberus. Tumigil rin ang kabayong sinasakyan ni Prinsipe Alessandro at bumaba din siya. Itinali niya ang dalawang kabayo sa malapit na puno habang ako naman ay inaalalayan si Cerberus na sumandal sa puno habang nakatagilid dahil sa palaso na kasalukuyan paring nakatusok sa kanyang likod.
Napatingin ako kay Prinsipe Alessandro nang marinig ko itong magsalita, "Maiwan ko muna kayo dito. Tend to his wounds Calli, I'll find some animals in this forest that could quench our thirst." Tumango ako Kay Prinsipe Alessandro at tumalikod na ito sa amin at mabilis na tumakbo sa malawak na kagubatan.
Cerberus was still holding my waist while his forehead was placed on my right shoulder and we are both leaning against a tree beside us. He was gasping for air as he's grip tightened when I hold the arrow on his back.
This is a silver arrow and if an ordinary vampire will be hit by this, they would eventually die but it's a surprise that Cerberus can still tolerate the pain this longer.
"This will hurt but we have to remove this arrow, Cerberus," sabi ko habang hawak pa rin ang palaso.
"Remove it. It was burning my flesh."
Iyon lamang ang hinihintay ko mula sa kanya bago ko hinawakan nang mahigpit ang palaso at mapwersang binunot ito sa kanyang likuran. Binitawan ko ang pilak na palaso at nalaglag ito sa aming paanan. Tumulo ang maraming dugo mula sa kanyang sugat kaya't hindi na ako nagdalawang isip pa na bigyan siya ng sarili kong dugo.
"Bite me, Cerberus. Heal your wound. I am giving you the permission to drank my blood." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay mabilis na bumaon ang kanyang mga pangil sa aking leeg. The pain was there but unlike the last time, this time it was bearable.
Hinahagod ko ang kanyang likod habang pumulupot naman sa bewang ko ang kanyang mga braso at patuloy ang pag-inom nito ng aking dugo. I tap his shoulders, telling him to stop when I suddenly felt dizzy and he immediately oblige.
"Thank you for saving me," aniya habang may bahid pa ng dugo ko ang kanyang labi. Mas lalong naging pula ang kulay ng kanyang mga labi dahil sa dugo ko.
His lips are tempting me but immediately diverted my gaze away from his lips when he caught me staring.
"There was a lake nearby and I need to take a bath so just stay here and guard the horses," sabi ko habang dahan-dahang naglalakad paurong upang gumawa ng distansya sa pagitan naming dalawa.
Nakasunod lamang ang kanyang tingin sa akin habang naglalakad ako palayo sa kanya upang pumunta sa paroroonan ko. The sun was at its peak when I reached the lake. This is the vampire world so the sun doesn't hurt us at all but how do I know that there was a lake in here? Well, I could see, felt and smell it from a far distance.
Ambrosia's are one with the water, we can easily detect if there was a water nearby. Nasa kalagitnaan na ako ng aking paliligo nang may maramdaman akong prensensya ng bampira. It was neither Cerberus nor Prince Alessandro, it was an unfamiliar presence. Na alerto ako dahil sa presensyang iyon.
Subukan lang niyang magpakita sa akin o lumapit dahil lulunurin ko talaga siya dito sa lawa!
I felt the presence fast approaching my location and my eyes immediately darted to my clothes placed under a nearby tree where my dagger was located. Umahon ako sa mula sa lawa at akma na sanang lalapit sa mga damit ko upang magbihis bago pa umabot dito ang bampirang nagmamay-ari ng estrangherong presensyang iyon subalit nagulat ako nang biglang lumitaw si Cerberus sa aking harapan.
My whole attention was on the unfamiliar presence and I forgot Cerberus. Damn!
Sabay na nanlaki ang mga mata naming dalawa. Paano ba naman kasi, nakabalandra sa kanyang harapan ang aking buong kahubaran.
Heat crept into my cheeks
as he surveyed my whole body and I saw affection glowed in his eyes.
"So? should I turn around or should I stare?" Nakataas ang kilay na sabi ni Cerberus habang nakangisi sa akin.
"What do you think?"
Kailangan pa bang sabihin sa kanya na tumalikod siya? He should know what he needs to do right?
"Nah, I've seen many. Much bigger than yours actually." He said it so casually!
Napatingin ako sa aking hinaharap. Hindi naman gano'n ka liit! Sakto lang! Inaasar lang talaga ako ni Cerberus!
Ganoon man ang mga binitiwan niyang salita subalit naglakad parin ito palayo upang ako ay makapagbihis. Sa mabilis na pagkilos ay pinulot ko mula sa ilalim ng puno ang aking mga damit at nagtago sa likuran nito upang maisuot ko iyon bago ako lumabas mula sa likod ng puno at hinarap siya.
His hands were on his waist as he walked and scanned our surroundings. Sa tingin ko'y naramdaman din niya ang presensyang naramdaman ko kanina.
"Did you sense it too? That unfamiliar presence?" Those words from me caught his attention.
He turned around and face me, "Yeah, it was actually the reason why I rush my way here."
"Do you have any idea who might that be?"
He smirked. "An enemy."
YOU ARE READING
A Vampire's Red Carnation
VampireBaldassare Series 1 Ang mundo ng Väinämöinen Ligeia ay mayroong pitong malalakas at malalaking emperyo. Dalawa sa pitong Emperyong ito ay matagal nang magkalaban. Ang Emperyo ng Venetus at Vadon. Si Callidora Ambrosia ay isang tapat, masunurin at m...
