I started to sketch Grant. I started to draw a small circle and draw guidelines on the face. It took me an hour when I finished sketching Grant's whole body. Binitawan ko na ang lapis at napatitig sa sketch ko.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti nang nagandahan ako sa gawa ko. Sumulyap ako kay Grant at kuhang-kuha ko siya sa sketch. Binalik ko na ang tingin ko sa sketch pad.

Kumuha na ako ng armature para gawan muna ng skeleton si Grant para maging support sa gagawin ko mamaya. Usually, armature is made of wire. Mabuti na lang at may naka-ready na rito.

Kumuha ako ng isa. Maliit lang ito, kapantay lang ng palad ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng light brown polymer clay. I then concentrated on putting polymer clay on the armature. 

Inayos ko ito at nang shiny na ito ay sinimulan ko na ang pag-uukit. Kumuha ako ng lecron carver na pang modeling ng clay. Inabot ako ng mahigit dalawang oras nang matapos ako sa pag-uukit. 

Tiningnan ko ang gawa ko at nakahinga ako ng maluwang nang maganda ang pagkagagawa. All I need to do is paint my sculpture. Bago ko simulan ang pagpipinta ay sumulyap ako kay Grant at bumaba ang tingin ko sa ginagawa niya. 

Nakita ko na gumagawa rin siya ng sculpture at isa itong babae. I just shrugged and focused on my sculpture. Kumuha ako ng pintura at paint brush. 

Pumunit ako ng isang papel at pinatong doon ang ginawa kong miniature sculpture ni Grant. I then painted the miniature based on Grant's appearance. After a few minutes, I finished painting the miniature. 

Pinatuyo ko muna ito bago nilagyan ng gloss para maging shiny. Hindi naman nagtagal ay natapos ko na ang miniature ni Grant. Napangiti ako nang maganda ang kinalabasan. 

"You did well, baobei," napatingin ako kay Grant nang magsalita siya. Ngumiti ako sa kaniya at bumaba ang tingin ko sa miniature na ginawa niya. Bumilis bigla ang puso ko nang makilala ko kung sino ang ginawan niya ng miniature.

"I... Is that me?" I murmured and looked at Grant. He smiled and nodded at me. Lumapit siya sa akin kasama ang upuan at tumabi sa akin. Napatingin naman ako sa miniature ko. Grabe, ang ganda ng pagkagagawa. 

Kuhang-kuha niya talaga ako. Itinabi ni Grant iyon sa miniature niya at hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. 

"Hala, ang ganda," hindi ko maiwasang sambitin habang nakatitig sa magkatabi naming miniature. 

"Yeah, they look good together," Grant commented and took a photo of them using his dlsr camera. 

Nag-picture din kaming dalawa ni Grant gamit ang phone niya habang hawak namin ang miniatures. Eventually, Grant asked for a box and a paper bag for the miniature to the staff. 

Hindi naman nagtagal ay binigyan nila kami ng isang box at paper bag. Tinanggal ni Grant ang takip n'on at nagtinginan kami.

"Let's put our miniatures in this box," he suggested and I just nodded at him, agreed to put it. Kapagkuwa'y maingat na nilagay ni Grant ang miniatures namin sa loob ng box. Katamtaman lang ang box para sa miniatures. 

Kalaunan ay tinakpan na niya ito at nilagay sa paper bag. Hindi nagtagal ay naisipan na naming umalis na dahil lunch na at nagugutom na rin ako. 

Nagpaalam at nagpasalamat kami sa instructor bago lumabas ng silid. We decided to eat in an outdoor restaurant. Speaking of the outdoor restaurants, I know a famous outdoor seafood chain here in the resorts. 

Well, Mediterra Seafood had a branch here in our beach resorts and they served the best plates of seafood ever. Although it's a bit expensive, it is worth buying. It is a good thing that Grant and I don't have any allergies. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora