VICTIMS OF LOVE

6 1 0
                                    

The story is published subject to the condition it shall not be reproduced or retransmitted in a whole or in a part, in any manner, with or without the written consent of the copyright owner. Any infringement is in violation of the copyright law.

This is a work of fiction.Names, Characters, businesses,places,events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental. The author does not mean harm or deliver any insult to any religious groups in this story. The scenes in this story are purely fictional and are written for dramatic purposes,they do not in whatsoever
way stand as a proof for historical events.

————————————————

Heto tayo ngayon. Sa loob ng simbahan,nagsisimula na ang ceremonya,lahat ay nakasuot ng puting dress,may hawak na bulaklak. Maging ako ay ganun rin. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sayo. Nakangiti,masaya dahil sa wakas dumating na ang araw na pinakahihintay natin.

Naglalakad ako patungo sa lalakeng mahal ko para ihatid ang Bestfriend ko. Pareho kong nakikita sa mga mata nila ang excitement at saya.

Nakarating kami sa harapan mo at unti unti na kitang pinaubaya sakanya.
My Bestfriend Mouthed "THANK YOU"

Pagkatapos nun ay naglakad ako papunta saking upuan at muli kong inalala ang mga panahong masaya at nasa piling pa kita.

At the age of 16 i found my first and great love. My man,my Bestfriend.
Si Rafael.

We're in a relationship for 3 years and still counting when he proposed to me.
Sa mismong araw ng debut ko.

"MARIA ISABELLE DEL VALLE,my love,my queen,my everything.
3 years ago I'm just your friend,your shoulder to cry on.
Ako yung nandyan sa twing nasasaktan at masaya ka. Dati pinapangarap lang kita,ngayon andito ka na kasama ko. I want to be with you until we're grey and old.
Mahal,WILL YOU MARRY ME?"

"I LOVE YOU SO MUCH AND YES,I WILL MARRY YOU MAHAL"

Sinuot niya ang singsing sa daliri ko saka tumayo at hinalikan ako sa labi.

"She said YES!"Buong pagmamalaki niya sa mga bisita habang naka akbay sakin. Pagkatapos nun ay isa isa nang lumapit ang mga bisita para batiin kaming dalawa.

——————————————

3 years later, Nakapagtapos na kami ng pag aaral. Isa nakong doctor at Siya na ang nag mamanage ng family business nila,handa na din lahat para sa kasal namin.

Pero lahat ng mga pangarap na yun naglaho.6 months before our wedding
Naaksidente kami. Na comatose siya ng halos isang buwan. Akala ko yun na ang pinaka malalang nangyari pero hindi pa pala. Para akong pinagsuklaban ng langit at lupa nung magising siya pero hindi nya ako maalala.

Lahat sila naaalala niya,maliban sakin.
Mas lalong gumulo ang lahat nung nakita niya ang singsing sa kamay nya,Yung couple ring namin.Naka Okit ang tawagan naming dalawa kasama ang Anniversary namin.

Gusto naming aminin ang totoo pero sinabihan kami ng doctor na wag muna namin siyang pilitin na makaalala dahil baka mas lalong lumala lahat.

"Mahal mo siya diba?"

"Anong pinagsasabi mo Isabelle?"

"Matagal ko nang alam sandra. Nararamdaman ko,kaya may hihingin sana akong pabor sayo"

"Ano yun?"

"Pakasalan mo siy—"

"Nababaliw kana ba?"

"Kailangan nating gawin to. Para kay rafa pls?"

"Per—"

"Please?"

Wala siyang nagawa kundi pumayag
Hapon na nung makarating kami sa Private room ni rafael

"Sino ba si mahal?"Tanong ni rafa samin.Dahilan para mamutawi ang katahimikan sa buong silid

"Si sandra,siya si mahal at fiancée mo siya."Sagot ko at nakita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata nila

"Sandra?"Nagtatakang tanong ni rafael habang nakatingin kay sandra.Naghihintay ng sagot niya

"Oo mahal,Alam mo ba ikakasal na tayo 5 months from now"Nagkukunwaring sagot ni sandra kaya mas lalong nagbago ang timpla nila mommy at tita.

Ipinaliwanag ko ang lahat sakanila.
Pero kitang kita sa mga mata nila yung pagtutol sa naging desisyon ko pero sigurado nako.

———————

"You may now kiss the bride"

Nasasaktan at nadudurog ako habang pinagmamasdan kayong dalawa,puno ng saya at pagmamahal ang buong lugar.

Unti-unti mong inangat ang belo at hahalikan mo na sana ang Bestfriend ko.

Bago pa man ninyo gawin yun ay tumalikod nako at unting unti naglakad palabas ng simbahan, Nagsisimula ng mag unahan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Paalam mahal ko, hanggang dito nalang tayo. Mahal na mahal kita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VICTIMS OF LOVEWhere stories live. Discover now