Prologue

7 0 0
                                    

Naalimpungatan si Svende sa ingay at yugyog sa kama.

Dahan-dahan niyang binukas ang mga mata at tanging dim lights lang ang nakikita niya. Kinusot niya ang kanyang mga mata hanggang sa naaninag niya ang dalawang anino malapit sa kanya.

Tumulo na lamang ang luha niya at pilit na ipinikit muli ang mga mata. Magkukunwaring walang nakita. Pilit niyang tinabunan ang mga tenga dahil sa malalaswang boses.

Kinabukasan, inaantok na ginising si Svende ng papa niya.

"Sweetie. Gising na."

"Uhm..."

"Sige na baby, may pupuntahan tayo."

Agad na napamulat si Svende ng marinig ang 'may pupuntagan'. Napangiti si Svende at bumangon.

"S-Saan po tayo?"

"Maligo ka muna okay?" sabi ng papa niya sabay gulo sa buhok niya.

Tumango naman si Svende at agad na bumangon para maligo. Matapos niyang maligo ay sabay sila ng papa niya na mag-almusal.

"Papa, where's momma?"

Ngumiti ng nakakalungkot ang papa niya. "Somewhere sweetie."

Tumango na lang si Svende. Nang matapos sila ay pumasok na si Svende sa sasakyan. Nagmaneho naman ang papa niya papunta sa kung saan.

Nakatulog si Svende sa byahe kaya ginising siya ulit ng papa niya.

"Sweetie, we're here." mahinang gising ng papa niya.

Kinusot muna ni Svende ang mata niya tsaka bumangon.

"Nasaan tayo papa?"

Ngumiti lamang ang papa niya at agad na binuhat si Svende.

Pumasok sila sa malaking gusali at ilang saglit lang ay pumasok na sila sa isang parihabang kweba.

Pinaupo si svende malapit sa bintana kung saan kita ang pakpak ng eroplano.

"Wanna eat something?" tanong ng papa ni Svende.

"We're in the airplane, right papa?"

"Yes sweetie."

"Where's momma?"

Bumuntong hininga na lamang ang papa ni Svende. "She left us, sweetie."

"Why?"

"She didn't love us anymore."

"Momma won't leave us papa."

"She already did."

"I want momma!"

Umiyak na si Svende at akmang aalis pero malakas ang papa niya kumpara sa kanya kaya agad siyang napaupo ulit. Nagwawala na siyang hanggang sa tuluyan ng lumipad ang eroplano.

Sa pagod, nakatulog ulit si Svende. Matapos ang ilang oras na byahe, agad na ginising si Svende.

"We're here, sweetie." napahikab na gumising si Svende at nakita masamang tinignan ang papa niya. "Diba gusto mong makakita ng snow?"

Bigpang napalis ang galit ni Svende at napangiti. "Yes, I wanna see it!"

Ngumiti ang papa niya. "Alright, bababa na tayo."

Bago sila lumabas sa airport ay pinasuot muna si Svende ng sweater dahil nanginginig na ito sa lamig.

Hinawakan ni Svende ang kamay ng papa niya tsaka nakangiti siyang lumakad palabas.

Lumapit sila sa nag-aabang na kotse na para sa kanila.

"Sweetie, meet mama Shev."

Lumuhod ang babae sa harap ni Svende dahilan para mawala ang tingin niya sa nyebe.

"Hi, my name's Shev. Nice to meet you, Svende!" nagagalak na sabi ng babae kay Svende at yumakap ito sa kanya.

"H-Hi." maliit na sabi ni Svende.

"Bree? Meet your sister, Svende." maligayang niyakap ni Bree si Svende.

"My name's Bree! Nice to meet you, Swendi!"

"Svende not Swendi." masungit na sabi ni Svende.

"Swen-di! Swendi!"

"Svende."

Natawa ang papa ni Svende at ang mama kuno niya.

"That's enough, let's go?"

Pumasok na sila sa sasakyan. Sina Svende at Bree sa likod samantalang sina Shev at papa naman ni Svende ang sa harapan.

Pagdating nila sa bahay ay pumasok agad sila. Agad na nagbonfire si Shev at lumapit naman ang dalawa doon para hindi na ginawin.

Dikolam title bat ba. Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang