"Pahawak," parang batang ani nito bago pumwesto sa likuran niya at binigyan siya ng back hug. Agad naman siyang nagulat at napatigil sa hinihiwang bawang, ngunit mabilis rin siyang napa-eye roll nang maramdaman ang kamay nitong pumasok sa t-shirt niya at pinisil-pisil ang dibdib niya.

"Really, Yohan?" hindi makapaniwala niyang ika. "Gumising ka para dito?"

"Hmm . . ." he murmured while burying his head in her neck and continuously fondling her breast and even pinching her nipples. They became more intimate after what happened to them at San Juan. Wala siyang problema doon. She actually likes it. Ang problema nga lang ay naging dalawa na ang kinaaadikang gawin ni Yohan sa kaniya.

Una ay pisilin ang pwetan niya at pangalawa ay humawak sa dibdib niya.

"Matulog ka muna doon," sita niya dito habang tinatanggal ang kamay nito sa loob ng t-shirt niya. "Shoo!" taboy niya sa lalake habang tinutulak ito pabalik sa hagdanan. Wala namang nagawa si Yohan at nagpatangay na lang sa ginagawa niya. Mukhang inaantok pa rin naman. 

Nang masiguradong nakabalik na ito sa kwarto ay nagpatuloy siya sa pagluluto. She finished cooking Yohan's baon for lunch first, bago siya nagsimulang magluto para sa agahan nila. Nang matapos naman ay binalikan niya si Yohan at ginising itong muli. She told him to get ready already, slightly snickering because he looked like a kid being woken up to go to school. Sabay silang kumain ng agahan at nilagay niya sa bag nito ang baong pagkain.

"Sweldo ko ngayon. May gusto kang ipabili?" proud na balita sa kaniya ni Yohan habang niyayakap siya. Tapos na itong mag-ayos at hinahatid na niya ito papalabas ng bahay.

"Wala. Need nating mag-ipon, Yohan," paalala niya dito dahil kahit limited na ang pera nila ay hindi pa rin nakakalimutan ng lalake na i-spoil siya.

"Are you sure?" he asked again pero mabilis na niya itong tinulak papalabas ng apartment.

"Wala nga!" sagot niya na ikinatawa naman nito.

"Alright. Let me get a kiss first," he said which she gladly obliged. Pinatakan siya nito ng mabilis na halik bago tuluyang lumakad papuntang trabaho. Siya naman ay nakangiting tinanaw ang papalayong sasakyan nito. Para na nga talaga silang mag-asawa umasta.

She can now feel the contentment of life. Yung tipo na hihilingin mo na sana ganito na lang palagi habang-buhay. Their future as husband and wife was such a thrilling event that she can't wait for the coming days. 

Sana ganito na lang palagi . . .

Mabilis niyang pinilig ang ulo upang maalis ang pangambang nararamdaman. Ilang araw na rin siyang nakakaramdam ng takot. 

Sa ano? Hindi rin niya alam. 

Basta ang alam niya ay natatakot siya na baka may masamang mangyari. She ruled it out as wedding blues and nothing serious. Baka nag-aalala lamang siya sa dagdag na responsibilidad bilang asawa.

Sana nga ganuon lamang iyon . . .

She forced herself to smile while walking back towards the kitchen. Nothing great would result with her overthinking. Huhugasan muna niya ang mga pinagkainan nila kanina bago niya tawagan sina Gwyneth at Mrs. Fortu. Gusto niya sanang imbitahan ang mga ito sa kasal nila ni Yohan. Tutal ay tapos na nilang imbitahan sina Kuya Zy and Xavier. 

Noong una ay nabigla si Kuya Zy sa desisyon nila. He even reminded them that marriage was a big responsibility for the both of them. Ngunit nang makita naman nito ang determination nilang dalawa ay pumayag na rin naman ito.

Nang matapos sa paghuhugas ay maglilinis muna sana siya sa sala ngunit bigla niyang narinig ang doorbell ng apartment nila. Kunot-noo siyang lumapit doon dahil wala naman siyang inaasahan na bisita. Nang mabuksan ay agad naman siyang nagulat sa taong nakatayo doon.

"Kuya Zy?" nagtataka niyang ani nang makita ang kapatid ng kaniyang fiancé. Nang maka-recover sa gulat ay agad niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ito. "Kuya bakit ka po napabisita? Sayang kakaalis lang ni Yohan. Hindi mo siya naabutan," panic niyang ani habang naglalakad papuntang sala. Rinig niya ang pagsunod nito sa kaniya ngunit ang isip niya ay nasa ibang bagay.

Takte! Hindi pa ako nakakapaglinis ng bahay!

Hindi naman gaanong madumi ang bahay nila ni Yohan dahil araw-araw rin siyang naglilinis ngunit si Kuya Zy itong bumisita sa kanila. Aaminin niyang gusto niyang magpa-impress sa lalakeng ito para makita nito na hindi mali ang desisyon nila ni Yohan na bumukod na.

"Kuya Zy, ipagtitimpla muna kita ng kape," panic niyang saad habang naglalakad pabalik sa kusina. Since magkatabi lamang iyon at walang divider sa pagitan ng dalawang silid ay kita at rinig pa rin naman siya ni Kuya Zy. She saw from her peripheral vision that Kuya Zy sat down on their couch while staring directly at her. Hindi ito umimik kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita.  "Uhmm . . . Remind lang kita Kuya na formal wear dapat isuot niyo ni Xav sa kasal namin ni Yohan next week. Oh! Nakalimutan ko ring itanong kay Xav kung pupunta ba yung asawa niya na nagngangalang Elisa. I would love to meet her at saka para na rin mapaghandaan ko ang pagkain na lulutuin ko. Baka kasi may allergy siya sa ibang putahe."

Believe it or not pero mas nauna pa palang kinasal si Xav kaysa sa mga kuya nito. Ni hindi niya naisip na may asawa na pala ito dahil sa pagiging immature nito minsan. Tawa ng tawa pa nga si Xav dahil sa naging reaksyon niya nang sabihin nito ang tungkol kay Elisa. 

"Apple Pie." Sa wakas ay nagsalita na si Kuya Zy ngunit hindi niya gusto ang tono ng boses nito. It was as if he was pitying her or something.

Unti-unti siyang napatigil sa paghahalo ng kapeng tinitimpla at kinakabahang nilingon ang lalake. "Kuya?"

Nakita niya ang pagpikit nito na parang nahihirapan itong sabihin sa kaniya ang problema. He took a deep breath as if collecting some courage to continue before speaking again. "Walang kasal na mangyayari."

What he said felt like a bomb being thrown at her. "Hi-Hindi ko maintindihan Kuya Zy . . ."

"Nalaman na ni Dad ang tungkol sa inyo ni Yohan."

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)On viuen les histories. Descobreix ara