07

356 36 5
                                    

Yzabel's Pov

For the second time nagising na naman ako na sobrang sakit ng aking ulo at tsaka napatingin akong muli sa paligid sapagkat hindi ko na naman matandaan na nakauwi ako sa bahay ni pong mag isa o di kaya ay sabay kami.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita ko ang pamilyar na disenyo sa paligid , napapikit akong muli at napamulat pero tama talaga tong nakikita ko pero paanong napadpad akong muli dito?

Ack yzabel! Think of what you've possibly done this time , baka nagkita kayo kagabi sa bar o kung saan.

Ginulo gulo ko na ang aking buhok at ni isa ay wala talaga akong matandaan kung kaya'y naisipan ko na lamang na bumangon at tsaka lumabas ng kwarto.

Bumungad naman sa akin ang babaeng matangkad na ngayon ay nagpapapawis , napatulala na lamang ako sapagkat napakaganda ng pagkakahulma ng abs ay este ng kanyang katawan.

"Alam kong hot ako ngunit isarado mo naman ang iyong bunganga gayung baka pasukan yan ng langaw binibini" wika nito na ikinagulat ko kaya'y napairap na lamang ako saka hinigpitan ang pagkakakapit ko sa aking bag.

"Kapal" mahinang wika ko saka akmang lalabas na ng unit niya nang biglang hawakan niya ang aking mga kamay.

"Iiwanan mo na naman ako kagaya ng ginawa mo nung nakaraan, may atraso ka pa sa akin miss yzabel kaya nais kong pagbayaran mo yun" walang emosyong wika niya sa akin at napatingin naman ako sa mabilog niyang mga mata na nakakaakit kung titignan.

"Ano namang kabayaran nun? Miss what?!" Pagtataray ko sa kanya saka tinaasan pa siya ng kilay , alam kong pogi at maganda siya ngunit hindi niya ako maaakit gayung straight pa naman ako.

"Di mo pa ba ako kilala? Ako to si Natoy na mahal na mahal ka!" Wika niya na ikinatawa ko sapagkat parang makikita niyong seryoso ang kanyang mukha ngunit nagbibiro na pala siya.

"Joke only , Im Andrei Cole Somera , I'm your one cole away" paglalahad niya ng kanyang kamay sa akin at medyo nanginginig pa nga iyun sabay binigyan ako ng kindat na siyang ikinalakas ng pintig ng puso ko.

"Yzabel , Yzabel Divinigracia" turan ko naman sa kanya saka nakipag shake hands din.

"So about dun sa hindi ko pagsipot--" magpapaliwanag pa sana ako ngunit kaagad niya akong pinutol.

"Sshh..wag ka nang mag explain , nakakasakit lang isipin na ilang oras akong naghintay dun para sayo" may kinuha siya sa kanyang bulsa at tsaka ibinigay niya iyun sa akin , ayun yung panyo na naiwan ko sa condo unit niya nakaraan.

"Thank you for this but Can I ask you something lang ah tungkol kagabi? Wala kasi akong maalala" Takang tanong ko gayung siya lang siguro ang makakasagot sa mga tanong ko sa aking isipan.

"Hmmp sure!" Masigla niyang sabi saka pinaupo na ako sa may upuan at ganun din naman siya habang sumisipsip sa baso na may lamang kape.

Inalok niya naman ako ngunit akin siyang tinanggihan.

"Paano ako napadpad dito? Gayung mga kaibigan ko naman ang kasama ko kahapon" tanong ko sa kanya at napangiti naman siya sa akin nang nakakaloko.

"You don't remember ah?" Napailing naman ako kaagad bakit parang namumula ang pisnge niya ngayon habang nakatingin sa akin.

"Hindi eh?!" Napapakamot sa ulo na wika ko sa kanya napaiwas naman siya sa akin ng tingin dahil doon.

"Someone was harrasing you , so I help you by simply..." May pagka seductive yung boses niya ngayon na dahilan upang mapataas yung balahibo ko at mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko , hindi ko alam kung bakit pero mukhang kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor baka may nararamdaman na akong iba at nakakaapekto iyun sa aking puso.

"By simply what?!" Takang tanong ko tumayo naman siya at tsaka diretsong nakatingin sa akin.

"Asking you're so called manliligaw to steal you to him cause I know that he doesn't deserve you yzabel and guess what happened next?" Lumapit siya sa akin at ako naman ay napaatras gayung yung mga mata niya ay tilay inaakit ako.

Hanggang sa wala na akong maatrasan sapagkat pader na yung nasa likod ko , napangisi naman siya nung parang nagulat ako base sa aking reaksyon.

"S-stop this?!" Parang kinakabahang turan ko sa kanya at natawa naman siya saka inilagay niya ang kanyang daliri sa may bandang bibig ko para patahimikin ako.

"You pulled me into a kissed , it's a passionate kiss yzabel , do you remember now?! If not you can taste my lips again" Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa kanyang sinabi , wait wala akong natatndaan na ganun.

Sabagay wala naman talaga akong natatandaan ni isa sa mga nangyari kagabi dahil sabog na naman hu ako.

Akmang lalapit na siya sa akin nang bigla ko siyang itulak papalayo sa akin at tsaka buong tapang na hinarap.

"You're lying!" Madiing wika ko napatawa naman siya saka naupo sa may upuang muli at ininom na lamang ang kanyang kape.

"I thought that you'll believe me , sadly you dont anyway walang nangyaring hindi maganda kagabi , It's just na wasted din yung mga kaibigan mo pero nagawa ko naman silang ihatid sa condo nung lyza bayun" napataas naman ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi , so kung hinatid niya pala sila lyza eh bakit hindi niya ako iniwan doon diba?

"But bakit ako nandito? Like if you take them sa condo ni Lyza then bakit dito pa ako natulog sa condo mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasi gusto ko?! Is that enough reason na ba miss yzabel?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya at habang nakatingin ako sa kanya ngayon ay napaismirk na lamang siya saka binigyan na naman ako ng malalagkit na mga tinginan na nais ko namang iwasang tignan.

"Kung ano mang trip ang meron ka ay hindi ako natutuwa , I'll go na" sambit ko saka dali daling naglakad at tsaka hinawakan yung door knob nang biglang magsalita siyang muli.

"I don't do trips but I do like you Miss Yzabel , no lies I'm just being true to myself" huling sabi niya na hindi ko naman sinagot , marami na akong narinig na ganyan ngunit ni isa sa kanila ay walang nagpatunay ng tunay na intensyon nila sa akin at ang ninanais kong pagmamahal.

My Secret Lover Where stories live. Discover now