"Sige." Sagot ko rin maya-maya.

Tumalikod na ito at umalis. Tiningnan ko pa ito paano ito lumabas sa pintuan. Pagkalabas nito,  itinaas ko ang bahagya ang kaliwang kamay ko na nagsesenyas na lumapit sa akin ang assistant ko.

"Bakit, Sir?" Tanong nito pagkalapit.

"Mukhang umiba ang ihip ng hangin kay Dylan. Hanapin mo ang kinaroroonan ni Tomas at ang pamilya niya. Alam mo na kung ano ang gagawin." Utos ko at nakatingin pa rin sa nilabasan ni Dylan.

"Ako na bahala, Sir." Sagot ng assistant ko na may sumilay na ngiti sa labi nito.

Mukhang kailangan kong bawasan ang tiwala ko kay Dylan. Baka siya pa magpabagsak sa akin ng palihim. Kailangan ko ng mag-iingat sa susunod.

DYLAN LORENZO POV:)

Pagkalabas ko ng office ni Sir Andrew, tumigil ako sa kinatatayuan. Naniningkit ang mata na tumingin ako sa pintuan na nilabasan ko. Nararamdaman kong naghihinala na sa akin siya ngayon. Kailangan kong mag-ingat na ngayon at alam kong papasunod ako sa mga tauhan niya ng palihim.

Kailangan kong umiwas muna kay Clive para hindi siya matunton nito. Kailangan kong lumayo sa mga nakapaligid kay Clive lalo na kay Elizabeth. Kilala ko si Sir Andrew. Sa paghahanap ng taong hinahanap niya, matinik siya. Kaya niya hanapin kahit saang sulok ng mundo. Madami ang mga koneksyon niya sa ibang bansa na iyon ang pinagtataka ko.

Nararamdaman kong may ibang negosyo siyang pinagkakaabalahan na walang nakakaalam kahit sino. Kutob ko rin may maitim siyang ginagawa na walang sino nakakaalam. Kailangan ko imbestigahan siya dahil alam kong may isa pa siyang mukha na di pa natin nakikita.

Tumunog naman ang cellphone ko na agad ko naman kinuha sa bulsa ko. Nakita ko namang tumatawag si...

Napangiti naman ako nang makitang si Mandy ang tumatawag sa akin.

Namiss ba agad niya ako?

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Asan ka?"

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Pumunta ka ng parking lot ngayon. Asap!"  Mabilis na sabi niya.

"Ah? B-bakit---hello?"

Pinatayan niya ako ng tawag. Walang magawa, kumibit-balikat na lamang ako. Itinago ko ulit ang cellphone ko sa bulsa. Naglakad na ako para pumunta sa parking lot na sinasabi niya.

THIRD PERSON POV:)

Kumakain ng bananacue habang naglalakad silang limang magbabarkada. Kakatapos lang nila kumain at naglalakad sila para ihatid si Ros sa pinagtatrabahuan nito.

Habang naglalakad sila, may tumawid na bata sa kalsada at may paparating naman na kotse. Dahil nakita kaagad iyon ni Ros mabilis na tumakbo siya para iligtas ang bata.

"Ros!"

Nagtagumpay naman siyang nadala ang bata sa gilid ng kalsada halos niyakapa niya ito sabay hawak sa braso nito.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa bata.

Tumango naman ang batang babae sa kanya. Mabilis na lumapit sa kanila ang ina ng bata at niyakap ang anak na ito.

"Jusko! Akala ko mawawala ka sakin." Naiiyak na sabi ng ina ng bata habang yakap ang bata sabay pinaghahalik ang ulo nito.

Habang nakatingin siya sa mag-ina, may lumabas na lamang na mga imahe sa isip niya. Nakita niya sa alaala niya ang isang matanda na niyakap rin ang tatlong taon bata na alam niyang siya iyon.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now