"Gusto ko lang po na masigurado na ayos kayo, ang daming issue na lumalabas ngayon," Sambit n'ya na parang siya ang na-sstress.


Pagkahugas ko ng plato ay natapos na din kumain si Sam. Kaya pumunta kami sa sala para mag relax.


"Wahh!" Halos madapa si Jen sa saya papunta sa amin, habang hawak ang cellphone n'ya. Teka, akala ko ba tulog 'tong babaeng 'to?


Agad syang pumagitna samin ni Sam.


"No. 1 trending ang Nedlex! Puro good comments pa!" Sigaw ni Jen.


"Sabi na sa'yo, walang problema eh," Napabaling kami kay Ned na kakababa Lang ng hagdan with his white shirt and sweatpants.


Sasagot na Sana si Jen ngunit biglang may nag doorbell.


Si Sam ang nag bukas ng pinto.


"O-oh my gosh!" Napatayo ako ng biglang sumigaw si Sam sa pintuan. Anong nangyari?


"Anong meron?" Tanong ko kay Jen at Ned. Nagkibit balikat lang si Jen kaya sumunod na ako kay Sam.


Napatigil ako ng makita kung sino ang tao ngayon sa pintuan namin. Halos malaglag ang panga ko at hindi makaalis sa kinatatayuan. Anong ginagawa n'ya dito? Akala ko tapos na ang problema, akala ko lang pala. Kinuyom ko ang kamao ko bago huminga ng malalim.


Si Hex.


"What are you doing here?" Hindi ko namalayan ang pagsunod ni Ned at siya ang nag tanong, nakita ko na naman ang Ned na nakakatakot—-'yung Ned na kaharap ni Azi kailan lang.


Nagulat si Hex ng makitang magkasama kami ni Ned.


"C-can we talk?" Tanong ni Hex na may halong takot.


Siniko ko si Ned dahil masyadong
tinatakot ng mga tingin niya si Hex.


Tipid naman akong tumango, pero hindi maaalis ang gulat sa mukha.


"A-Ahh, pumasok po muna kayo Sir!" Pag-aaya ni Sam kay Hex. Agad akong tumalikod at sinenyasan sila na sumunod.


"Ang O.A naman ni Sam, sino ba iyon at may pa sigaw sigaw—"

Pagkabalik namin sa sala, ang nag ce-cellphone at pa chill chill kanina na si Jen ay napatayo sa gulat at hindi na naituloy ang sinasabi ng makita ang nasa likuran ko.


"O-Oh! long time no see ah!" Gulat na bati ni Jen kay Hex, "Umupo ka muna!"


"Sam, maghanda ka ng snacks." Utos ko, pilit itinatago ang kaba.



"Ah, no. Huwag na, madali lang ako," Sambit ni Hex ng maka upo kami.


Beyond the CameraWhere stories live. Discover now