One ( First Day )

11 3 0
                                    

College.




Finally, I am here ang akala ko hindi ako mak-kapasa sa entrance exam mabuti nalang at na gawa ko, kung hindi sermon na naman ang aabutin ko kay Rance, inayos ko ang suot kong polo shirt pagkababa ng sasakyan sandali pa akong tumayo sa harap ng unibersidad at pinag masdan ito bago tuluyang pumasok medyo kabado pa kasi ako dahil wala pa ang mga kaibigan ko.

" Hingang malalim " sambit ko, pag tapos ay tuluyan ng pumasok. " Good day, sir! " bati ng gwardya sakin, ngumiti naman ako at confident na nag lakad papuntang cafeteria masyado pang maaga para sa oras ng klase ko, sakto at nandoon din yung dalawa si Jacob at Vaughn dali dali akong lumapit at naupo sa tabi nila.

" Oh, mabuti naman nandito kana" sabi ni Jacob, ngumiti naman ako sabay tumingin sa paligid.

" Marami pala talagang nag-aaral dito no?"

" Oo. pero....."

" Ano?" Takang tanong ko, tinignan ko silang pareho.

" Nasabi naba sayo nung apat na gurang ang mga dapat mong gawin dito? " Tanong ni Vaughn sakin. Umiling naman ako at agad na kinabahan. ' Ano bang dapat nilang sabihin sakin? '

" Tsk! Wag mo munang ipaisip sa kaniya yan Vaughn, siguro mas maganda kung ibang bagay nalang ang pag-usapan natin yung exciting naman".

" Ano bang exciting ang dapat nating pag-usapan?" Tumawa ako ng sarkastiko sabay umayos ng upo. May nakatingin sa'king babae nakapuwesto sa likod nila Jacob at Vaughn medyo nakakailang kaya umiwas nalang ako ng tingin.

" Maraming magaganda dito". Tuwang tuwa si Jacob ipaalam sakin ang tungkol sa bagay na yon. Ano namang exciting dun? tsk.

" Ahhh" Tumango tango lang ako.

" Ano ba! umayos ka nga!" Hinampas niya ang braso ko kaya inis ko siyang tinignan.

" Ano bang hindi maayos sakin Hyung? kung tungkol lang naman sa babae ang pag-uusapan wag na nating pag -usapan tsaka hindi ayan ang dapat kong ipriority sa ngayon. Dapat mag focus ako sa College life". Kalmadong usal ko.

" Etong bunso natin masyadong mabait!"

" Excuse me. Anong meron?" Sabat ni Jace, na bigla nalang dumating at tumabi sakin kasama niya si Rance, Yohanne, at tsaka Haven.

Taka ko silang tinignang apat mga nakasuot parin kasi sila ng uniporme.

" Bakit nandito pa kayo? diba graduate na kayo dito?" Tanong ko, nag tingininan sila sabay tawa. Ako lang ata ang hindi naka relate psh.

" Sinong nag sabing graduate na kami dito? " Tanong ni Rance. Syempre ako hindi ba halata?

" Nag-usap kaming apat na kukuha pa kami ng ibang kurso para sa College ". Sabi ni Hyung Rance. Nanlaki naman ang mata ko at isa-isa silang tinignang apat. Hindi ba sila nag sasawa sa pag-aaral?

" Really? Did you enjoy studying here?" Tanong ko.

" Wala nang mas sasaya pa sa pag-aaral. Tsaka hindi ba mas magandang maraming natutunan?" Dagdag niya napaismid naman ako.

" Gusto na nga naming makatapos sa pag-aaral tapos kayong apat mag-aaral na naman hindi ba nakakasawa at nakakapudpod ng utak?" Reklamo ni Vaughn.

" We're smart ". Napatingin kaming lahat kay Yohanne Hyung bigla nalang siyang nag salita.

" Sandali nga! ano naman kung matalino kayo. Ang sabihin niyo ayaw niyo lang mapalitan namin kayo sa Tensai Room! ". Pakikipag talo ni Jacob. Hindi siya galit mukhang inis lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love between lies.Where stories live. Discover now