Sasagot na sana si Ned ngunit napawi ng atensyon ng lahat ang biglang pumasok na si Azazel, mukhang lasing. Kahit ako ay napatayo, may mga bouncer sa likod na pilit s'yang inaawat.


"Nasan ang girlfriend ko?!" Sigaw ni Azi kay Ned na galit na galit, napatayo naman si Ned at may mga bouncer na din ito sa likod.


Gago? Sinong girlfriend?


"Pare 'wag dito ngayon," Mahinahon na sambit ni Ned.

My heart pounding in my chest. Bakit ngayon?

"Ilabas mo ang inagaw mo sa akin! Ilabas mo ang girlfriend ko!" Sigaw ni Azi at halatang naka inom s'ya dahil namumula pa ang kanyang mukha.


"Wala akong aagawin dahil Wala kang girlfriend."Sambit ni Ned,May point.



"Alexa, she is mine." Madiin at galit na sambit ni Azi.


What, kailan pa? Bakit hindi ako na-inform?


Woah! Girlfriend n'ya daw ako pero hindi ko alam?!

"Simula noong iniwan mo s'ya ay ako na ang kasama n'ya, binuo ko na s'ya! Pero ngayon babalik ka para sirain s'ya ulit?!" Sigaw ni Azazel.


Huh? Baliw na ba s'ya.


"Kayo na pala? Eh bakit hindi n'ya alam?" Pang-aasar ni Ned at humalakhak.


"We keep it in private, kami lang ang nakakaalam! Atleast totoo." Ganti nito.


Nagulat ako ng kuhanin ni Ned ang cellphone n'ya sa bulsa, at may hinalungkat dito. Nagulat ang lahat ng ipakita ni Ned ng harap harapan kay Azi ang picture ko na may hawak na bulaklak at nakasuot ng singsing.


Iyon 'yung picture ko noong gabi na nag propose s'ya sa akin, to be his girlfriend. Iyon din yung inilagay ko sa IG stories ko, kaya nabalita ako na engage na. Hindi ko alam na naka save iyon sa kanya.


"Now, do you see that? Do you see that ring?! That's the evidence that we're in a relationship. Kaya ikaw na gago ka, just shit your fvking mouth!" Pikon na sagot ni Ned.


"Huh? That ring is from me! Ako ang nagbigay n'yan sa kanya!" Hindi ko alam kung nababaliw na ba si Azi o naka drugs ba 'to.


Ibinaba ni Ned ang cellphone at humakbang bago diretsong tinignan si Azi sa mga mata.


"Ahh, Oo nga pala. Naaalala ko, binigyan mo nga pala s'ya ng singsing." Napangisi si Ned, "Kaso 'yung ibinigay mong napakapangit na singsing, ni-reject. So, shut up." Nanggigil na sagot ni Ned.


kitang kita ko ang gulat sa mata ng mga taong nandidito ngayon sa lahat ng mga revelation na nangyayari ngayon.


"Gago ka!" Sigaw ni Azi. Susuntukin na sana ni Azi si Ned ngunit agad akong tumakbo para yakapin si Ned upang hindi matamaan dahilan para ako ang tamaan ng suntok, kaya tumama ang mga suntok ni Azi sa bandang likod ko.


Hanggang sa matumba kami ni Ned sa sahig.


"Are you okay?" Bulong ni Ned at tumango lang ako, hindi nag sisink-in ang nangyayari ngayon.

"Alexa!" Kahit si Ned ay nagulat.


Pinaupo ako ni Ned sa tabi at nagulat ako ng dali-dali s'yang tumayo at ang gulat na gulat na si Azi ay bigla niyang sinuntok ng sunod sunod, hindi handa ang bouncer sa pangyayaring iyon.


"Hayop ka! Bakit mo sinaktan ang girlfriend ko?!" Sigaw ni Ned nang maawat sila ng bouncer, nagdudugo na ngayon ang nguso at ilong ni Azi.


Hanggang ngayon ay gulat na gulat parin si Azi at nakatingin sa akin, tila humihingi ng tawad at nakokonsensya ang mata, gustong gusto ipaliwanag ang side n'ya.

 

"I-I'm so sorry," Gulat na gulat na sambit ni Azi. Sa akin pa din nakatingin ang naluluha n'yang mga mata.


"Kapag nakita kong may kahit kukurampo't na pasa si Alexa, magtago ka nang hayop ka!" Galit na galit na sigaw ni Ned, tsaka lang nabaling ang mga mata ni Azi kay Ned ng marinig iyon.


I stand up slowly, my legs trembling. Hanggang sa naglakas loob akong hilahin si Ned palabas.


"Sorry, sorry po, stop rolling please. Love let's go," Iniwan namin ang lahat na gulat na gulat sa mga nangyayari. The cameras fade out and the audience gasping in shock, unsure of what will happen next.

Beyond the CameraWhere stories live. Discover now