12

981 10 0
                                    

WARNING: Mature Content

Read at your own risk.


Until now, hindi pa rin malimutan ni Regulus ang sinabi ni Vienna sa kaniya noong nalasing ito. What does she means? Gusto niyang malaman kung bakit nasabi iyong ng asawa niya.


"Come on na, Regulus! Let's swim!"


Tumingin siya sa asawa niya na hinihila siya para sumama at magswimming na sila. Kababalik lang nito sa pwesto nila para ayain siya ulit. Kanina pa kasi nito inaaya s'ya na maligo na sila but tumatanggi naman siya. Ayaw pa niyang maligo ulit. Ngumuso ang babae nang umiling muli siya. Binitiwan nito ang kamay ni Regulus at namaywang sa harapan ng lalaki.


"Ayaw mo pa rin talaga?" tanong nito. Bumuntong hininga si Regulus at tumingin kay Vien na nakasuot ng bikini. Her curves and firm breasts are showing too much. Mabilis na umiwas ng tingin si Regulus. "Mamaya na ako," sagot niya.


"Sige, ako nalang ulit," anito at umalis na. Saka lang nakahinga nang maluwag si Regulus nang wala na ang asawa. Sinundan niya ito ng tingin. May foreigner na lalaki na naman ang lumapit dito gaya ng una pero hinayaan niya lang. But thr truth is, kanina pa siya naiinis sa mga lalaking lumalapit sa asawa niya.


Tiim ang bagang niyang umiwas ng tingin. Kunti na lang. Malapit nang masagad ang pasensiya niya.


Ilang segundo niyang nilibang muna ang sarili niya sa ibang bagay habang nakaupo sa buhangin nang may batang lumapit sa kaniya. "Mister, sand castle mo po yan?" tanong ng batang lalaki. Umangat muli siya ng tingin sa bata.


"Yes," sambit niya at ngumiti. "Ang galing mo naman po. Ang akin po kasi pangit pagkagawa tapos sinisira pa ng kapatid ko," ani ng bata. Magsasalita sana siya nang biglang may babaeng sumigaw na parang katulong at nilapitan ang bata. "Hay Jusko, Tantan. Kanina pa kita hinahanap eh, andito ka lang pala."  kabadong sambit ng babae at tumingin kay Regulus.


"Ay ser, salamat po. Mukhang mabait naman po kayo. Sige, Tan. Tara na,"


Ngumiti ang bata sa kaniya bago ito umalis.  Tumingin siya sa sand castle na ginawa niya bago iyon sinira. Matapos niyang ayusin ulit ang buhangin ay may narinig siyang papalapit na boses ni Vien habang tumatawa ito.


"Bakit kasi ayaw mo akong saluhin ka. Ayan tuloy, natuluyan kang mahulog."


Agad na nandilim ang paningin ni Regulus matapos niyang marinig ang boses ni Keitho.


What the hell is he doing here?


Hanggang sa lumapit na ito sa gawi ni Regulus. He look at them. "Oh, kasama mo pala ang asawa mo?" tanong ni Keitho na may munting ngisi sa labi habang nakatingin sa gawi niya. Pumunta si Vien sa gawi niya at umupo rin sa tabi niya. Inabutan niya naman ang asawa ng buko juice matapos nitong makaupo.


Nginisian niya rin si Keitho nang tanggapin ng asawa niya ang binigay na juice. 


Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now