11

1K 8 0
                                    

"What do you mean by what you said a while ago?"


Napamulat ng mata sa gulat si Vien matapos marinig ang boses ng asawa. Nilingon niya ang lalaki matapos matakpan ng kumot ang kalahating katawan niyang wala ng saplot. She feels hot that's why she's half naked. Mainit ang pakiramdam niya.


Is it because of that drink?


Nakapamulsa ang asawa at seryosong nakatingin sa kaniya. Parang ito ang Regulus na unang nakita niya matapos silang maikasal. Tinaasan niya naman ito ng kilay. Feeling niya, ang tapang-tapang niya ngayon.


"Ah? Yung sinabi ko ba?" kunwari ay iniisip niya kung ano ang sinabi niya pero matapos ang ilang saglit ay tumawa siya. Tiningnan niya si Regulus. Madilim na aura ng mukha nito. "Wala 'yon. Ang sinabi—"


"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Vien. What do you mean a while ago, hm?"


Nagsimulang maglakad palapit si Regulus kay Vien dahilan para mapalunok siya. Bigla siyang kinabahan.


"A-Ano kasi yon.. n-nakainom lang kasi ako. Kaya ayon, kung a-ano nalang nasabi ko," kinakabahang sambit ni Vien habang dahan-dahang umupo. Inayos niya ang pagkakatakip ng kumot sa hubad niyang katawan.


Pareho na silang nasa kuwarto ni Regulus. Hindi rin siya mapakali sa presensya ng lalaki. Mas lalo kasing umiinit ang nararamdaman niya lalo na't ilang pulgada nalang ang lapit nila sa isa't isa.


Nakatayo sa harapan niya si Regulus habang siya naman ay napaupo sa kama niya.


"Sigurado ka ba?" mapanuring tanong nito sa kaniya. Mabilis na tumango si Vien. Nakita niya pang bumaba ng tingin sa labi niya si Regulus at ang paglunok nito. Tila nangamatis naman ang pisngi niya nang marealize ang ginawa ng asawa.


Bago pa mai-yuko ni Vien ang ulo niya, nailapit na ni Regulus ang labi nito sa labi niya. Gulat siyang nakatingin sa mata ng asawa na nakatingin din sa mga mata niya. Shocks! They kissed! Tumagal ng ilang segundong magkadikit ang labi nila hanggang sa pinutol na iyon ni Regulus.


"You're different when you're drunk, Vienna," masuyong sambit ni Regulus. He licked his lips after kissing her. Dahil doon ay mas namula pa ang pisngi ni Vienna. Saglit na tumingin si Regulus sa mga mata ni Vien saka umalis.


Naiwang tulala si Vienna. Napahawak siya sa labi niya. Sana hindi ito panaginip. Sana totoong nahalikan niya ang labi ko.


Nagising si Vien na masakit ang ulo niya. Unti-unti siyang bumangon at nanlaki ang mga mata niya nang makita may damit na siyang pantaas. Bilang pumasok sa isip niya ang ala-ala kagabi. Napangiwi siya matapos maalala iyon.


Wala rin siyang suot pantaas no'ng nakatulog siya. Wala naman siyang ibang kasama sa cabin na ito maliban kay Regulus. Napalunok si Vien.


Siya kaya ang nagsuot sa akin nito? OMG!

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now