My Boyfriend in Other Nation

3 0 0
                                    

Zane's POV

Our story started as like others. I have my friend who knew him. Pinakilala sya sa akin ng aking kaibigan na si Crizhia Finkler. But to be honest, hindi sya ang una kong napansin kundi ang matalik din nitong kaibigan na si Wasuthorn "Wave" Worachotmethee. Si Wave na petite, gwapo, funny guy, easy to get along with, friendly, straightforward and plus point na ang katangian niyang napakahusay sa pag-arte. Sa madaling salita, boyfriend material talaga. Nakasama nila ako sa kanilang buong journey sa series na "The Gifted". Dahil nalaman ni Crizhia na I am into Wave kaya ganun nalang niya e flex sa akin si Pawaret "Pang" Sermrittirong. To tell you honestly, subra akong napahanga sa personalidad na mayroon si Pang. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa katangiang n'yang passionate in everything he does. He acts, sing, dance, play instruments, basketball, football, and skateboarding. A loving brother and child to his parents. A versatile actor, gwapo, matangkad, maganda ang build ng katawan, and all-around friend. He is majoring in Cinema and Digital Media, while minoring in Acting and Directing for Cinema. I am loving him every single day. Dahil syempre ako'y isang dakilang admirer nya. Inalam ko lahat sa kanya. He really is the type of guy na hahangaan ng lahat.

Noong nalaman ni Crizhia na I'm simping for Pang, noong una ay parang hindi okey sa kanya. Kahit wala naman talagang sila (mahaba-haba ang pila kasi). But as the journey of the "The Gifted Series" continues hanggang sa nagkaroon ng "The Gifted Graduation" ay nakilala narin ni Crizhia ang only man he simp for the rest of her life, sa katauhan ni Tharm "Time" Thamrongsawat.

Let's go back sa love story kuno namin ng aking Imaginary Boyfreind na si Pang. Oo imaginary boyfriend LANG. Dahil nasa ibang Nation sya... In my imagi-NATION.

He is an idol and I am a fan. I knew everything about him but he doesn't know I exist.

"Hoy! Ngi-ngiti ngiti ka na naman dyan"

Bigla akong napabalik sa realidad nang yakapin ako't kausapin ng aking boyfriend.

"Wala! Naalala ko lang kung paano mo ako hinigit sa napakahabang pili papunta sa puso mo" saad ko naman sa kanya

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa tabi ko sa aming kama.

"Gumastos ka lang naman ng ilang milyon makuha lamang ang matamis kong OO, sa mismong concert namin ni Wave."

"Aannnggg kapal nitooo!!" Nagtawanan na lamang kami't nagkulitan.

"Pero salamat talaga mahal dahil sinasakyan mo ako sa pagfa-fangirl ko"

"Kung saan ka masaya mahal."

Unti-unting nagkalapit ang aming mga labi at siniil ng mga matatamis na halik ang bawat isa.

.

.

.

.

.

2 years later

"Ma'am"

"Ma'am oras na po para inumin nyo ang inyong gamot"

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako iinum nang gamot. Hindi pa naman ako nababaliw. Nandito ako ngayon sa hospital dahil kakapanganak ko lang. I give birth to our second son and we name him NANON while our first son named CHIMON.

Pang's real name is Nanon Korapat Kirdpan and Wave's real name is Chimon Wachirawit Ruangwiwat. So, alam na kung saan nanggaling names ng mga babies ko. Thank God, that my boyfriend always supported my fangirling.

Pagkatapos kong inumin ang gamot ay umalis narin ang aking private nurse.

At alam nyo na kung saan at paano nabuo si Chimon.

Noong mga panahong nagde-daydream ako't natagpuan ako ng aking boyfriend (na ama ng aking mga anak) na nakangiti ay nabuo namin si Chimon.

Kung natataka kayo kung sino ang boyfriend ko ngayon...

"Nakangita ka naman sa kawalan. Iniisip mo na naman siguro mga idols mo noh?" sabay halik sa noo ko.

"Hoy! Pinagsasabi mo?" natatawa kong tugon sa kakapasok lang na gwapong binata. Inilagay niya sa bed side table ang dala-dala niyang mga prutas at bulaklak.

Umupo sya sa tabi ko. "Mahal may sasabihin sana ako sayo pero hindi ko alam kung paano uumpisahan." Saad niya, sabay hawak sa aking mga kamay.

"Sabihin mo na. Ano ba kasi yun?" tugon ko naman sa kanya nang may mga ngiti sa aking mga mata.

"Mahal, pasensya kana kung hindi man ako kasing gwapo. Hindi kasing tangkad. Hindi kagalingan kumanta, sumayaw at umarte ng mga idolo mo pero siguro naman sapat na ang mahigit tatlong taon nating pagsasama para maipakita at maipabatid ko sayo kung gaano kita ka mahal. Handa ko sayong ibigay lahat, mapasaya ka lang"

Hindi ako umimik. Sana'y na kasi kami sa mga ganitong usapan. Pero hindi ko lamang mabatid ang bilis nang pintig ng puso ko ngayon. Tila bang may ini-expect akong sasabihin niya.

Binitawan niya ang aking mga kamay at may kinuha sa kanyang bulsa. Laking gulat ko nang makita ang maliit na pulang lalagyan sa kanyang mga kamay. Nanaog s'ya sa aking kama at lumuhod katulad sa mga nagpo-propose.

"Mahal, Will you marry me?"

Nabigla ako't napatakip sa aking bibig at nanlalaki ang mata na tila hindi makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Mga ilang minuto rin akong nakatulala nang muli s'yang nagsalita.

"Mahal... Zane Obispo, once again... Will you marry me?"

"Wa-wala e-eh. Nakadalawa na tayo." Nauutal kong tugon. Inilahad ko sa kanya ang aking kaliwang kamay, sabay "Kaya it's a YES, mahal ko. I love you" Isinuot niya sa aking daliri ang singsing at kami'y nagyakapan nang may mga ngiti sa labi, mata at puso.

Dito na nga nagtatapos ang huling pahina ng kwento nang isang fan girl na ngayo'y lubos na masaya kapiling ang taong mahal nya at mas higit na mahal siya. Wala man sa kanya ang mga katangiang taglay ng mga iniidolo ko, sapat na sa akin na mahal nya ako araw-araw at napapakilig n'ya rin ako sa mga simpleng gawin nya na kahit nga wala syang agwin ay araw-araw ay mas lalo ko lang siyang minamahal. Ang tunay na pagmamahal ay walang basehan kung ano at sino siya. Ang importante ay ang tunay at tapat na sigaw ng puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend in Other NationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon