We just ate, then I decided to take her home. Wala akong dalang sasakyan kaya naglakad lang kami. Umuwi na rin ako pagkatapos ko siyang ihatid.

Tomorrow morning we decided not to talk about this. We kept it a secret, hindi ko lang talaga alam kung paano haharap sa kaniya. This isn't my plan after all but still... I agreed for this damn bet.

"Sakit ng ulo ko..." Dash massaged his head.

"Sa baba o sa taas?" Gael smirked.

"Tangina mo!" mura ni Dash bago batuhin ng papel si Gael.

Nilingon ko ang pinto. It's already eight but Darlene isn't here. Napaayos ako ng upo nang may pumasok and it was her. Tulala pa siya habang papasok ng classroom, na parang may malalim siyang iniisip.

"May nalaman lang ako..." My world stopped when I heard Darlene's words.

My lips parted. Alam niya na ba? She knows what? Para akong hindi makagalaw. Fuck. Anong nalaman niya? They kept on telling something habang si Darlene ay naguguluhan. We can't deny the fact that we are really scared sa paraan ng pagtatanong niya sa 'min.

"Ang nalaman ko lang naman ay ikakasal na pala si Tricia."

What? About Patricia's wedding? Hindi ko mapigilan ang mapabuga ng hangin dahil sa sinabi niya.

"Akala ko pa naman alam niyo." She rolled her eyes. Fuck, akala ko kung ano na ang sinasabi niya.

She found out about Rafael's ex wedding. I really don't get it why some parents are willing to sacrifice their kid's happiness para lang maging successful ang company nila. Well, I don't get Rafael too when he suddenly stops chasing Patricia. Well, that's their life... so I guess that's their decision. And to my concern, hindi ko inakala na handang tulungan ni Darlene ang dalawang 'to para lang matigil. She's so kind and yet... we did something behind her back.

I let out a sigh. Tiningnan ko siya. I saw her massaging her head. Panay rin ang punas niya sa ilong gamit ang tissue. My eyes are still on her. Nag-salubong ang kilay ko nang makitang hinilig niya ang ulo sa palad habang pilit na nagsusulat.

"Masakit yata ang ulo niya..." Harris said while looking at Darlene.

"Hindi 'yata'. Masakit talaga ang ulo niya."

Man, we are always here at the back. No one was sitting in front, it was only Darlene, Dash, Harvey, and Arvin. Nakatingin rin pala sila Harris kay Darlene na kanina pa hilot nang hilot ng sentido.

"Sino ang mag-volunteer para magsulat?"

"Dude, I think she's sick," Trevor said. "Let's write her notes," he added while playing the ballpen in his fingers.

"Tig-iisang stanza tayo." Renz nodded.

"Who has a biogesic or something?" Nakakawala ng sakit ng ulo ang biogesic.

"Here." Mavis gave me a biogesic.

Tinabi ko saglit ang gamot bago tawagin si Harvey. "Quintos, get her notebook. Write down her notes," utos ko.

He nodded. "Okay po."

Darlene was confused why Harvey took her notebook and ballpen. Panay pa rin ang hilot niya sa sentido. She fell asleep while doing that. Ang sabi ko naman kasi 'wag na siyang maligo sa ulan. Hindi pala kaya ng katawan niya.

"Boys at the back! Kailan ba kayo titigil sa kakatingin kay Miss Miranda?!" the Teacher yelled. Masama ang tingin niya sa akin at sa mga kasama ko.

"If her beauty stops." I smirked while looking at Darlene.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)Where stories live. Discover now