KABANATA PANG LIMA

1 1 0
                                    

Lumipat ako nang tirahan kay tatay pedrong lamok, dahil hindi daw masikmura ni tatay manok na makita ako. Kaya sinikmuraan sya ni tatay lamok bago ako iuwi, sa bahay naman ngayon ng mga butiki.

May kinakasama palang butiki si tatay lamok.

May mga kapatid na din akong butiki at kalahating lamok.

bali, butiking may pakpak ang itsura nila.

Naalala ko nuong biglang nadulas si Pelipe sa bato, akala ko mamamatay na sya dahil nasa kisame sya. Pero nagulat ako nuong nakita kong may pakpak sya, kahit yung mga tao sa bahay na yun nagsitakbuhan bigla.

tatakbo din dapat ako non,kaso naalala ko may pakpak ako kaya lumipad ako.

Naalala ko din yung unang araw ko dito sa bahay ni itay, may nakita akong parang itlog.

Nahampas ako ni nanay butiki dahil, bakit ko daw sinisipsip ung dugo sa itlog. Kapatid ko daw laman non,kaya hindi kuna pinag patuloy.

By the way, fresh na chocolate ang pagkain namin ngayon, yun daw kase ung nakakakalat sa banggera na nakuha nilang mga tao.

ANAK KA NG LAMOK! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon