FFTS: Chapter 1

25.2K 715 66
                                    

COMVO

=========================

CHAPTER 1

KATHRYN’S POV:

Hinawakan ko yung batok ko at naginat ng kaunti. I just want to sleep. Inabot ko yung coffee ko na pinatimpla ko sa assistant ko at ininom ‘yon.

‘5 minutes break will do’ I thought.

Habang umiinom ng kape, I checked my phone—ooh, one message from mom.

It’s already 1am, Kath. R u still working?

 

Napangiti ako kahit pagod na yung mata ko sa kakatitig sa computer ko—uh, buong araw. I typed my reply.

Unfortunately, yes. Still @ work.
maybe 3am nandyan na ako. go to sleep, mom.
love u.

And then I hit the ‘send’ button. Nilapag ko yung phone ko sa table at napatingin sa oras, just what I thought—lagpas na 5 minutes yung pahinga mo, Kathryn! Mabilis kong hinigop yung natirang kape at nilapag na ulit ‘yon. Back to work.

Nagta-type lang ako ng marinig kong tumunog yung upuan ng assistant ko sa labas. I  inhaled deeply. I pressed the intercom.

“Cindy, kanina ko pa sinabe na you can go home na. Bakit nandito ka pa?”

Wala pang isang minuto ng sumagot siya.

“Ah—eh ma’am, alam niyo naman pong ayaw kong naiiwan kayong magisa dito.”

Umiling ako kahit na alam kong hindi niya nakikita.

“Go home. 6am ang work naten, I’ll be fine. Go. Home.”

“Eh ma—” “No, Cindy. I’m your boss—and I’m telling you to go home. Right now. Or else… I’ll fire you.”

Naghintay ako ng isasagot niya pero nagulat ako ng pumasok siya sa opisina ko.

“Hehe sige na nga po, ma’am.” Napahinga siya ng malalim. Napaka-kulit!

“I’ll be fine. Madameng guard sa baba. Pati sa floor na ‘to may nagro-rounds.”

She pouted her lips before answering me, “Okay po ma’am. Sige po, mauna na po ako.”

Tumango lang ako sakanya. Lumabas na siya ng office ko. Napailing ako, napaka-bait talaga ni Cindy. Although minsan… yes, nakakainis pero she really works hard. Parang ikaw.

Yep, parang ako talaga. Nagpatuloy na lang ako sa pagtra-trabaho. Ng sigurado na ‘kong makukuha ko na yung isang importanteng client ay dali dali kong pinatay ang computer ko at saka nagligpit ng gamit.

Tinext ko yung family driver namen.

Uwi na po tayo.

Falling for the stranger (FFTG2:KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon