FFTS: Chapter 16

12.8K 427 187
                                    


Dedicated to @yankzxlip
COMVO

=====================
CHAPTER 16

KATHRYN'S POV:

"Darling, are you feeling okay?"

Napatingin ako kay mama, "Y-yeah, I'm good po. Why?" sagot ko habang napaayos ng upo at binitawan ang basong kanina ko pa pinaglalaruan.

"Hindi mo naman ginagalaw ang food mo..." Puna ni mama saakin.

Nagkatinginan kame ni Cindy at Julia. Me, mom, Julia, and Cindy decided to eat lunch together.

4 na araw na rin ang lumipas magmula nang magkausap kame ni Dom pero sariwa pa rin saakin yung mga sinabe niya. Maayos naman ang on going project ko with Daniel.

"May naisip lang... But I'm good."

"Everything's fine naman ba?" She asked.

"Opo ma. Don't worry."

Nagusap ang mata namen ni Julia pero binalewala ko yung pagaalala niya, nginitian ko lang din siya.

I'm thinking about Dj, Dom, Kats, my company, the project.... At sobrang dame pang iba. Lord, kaya ko 'to.

*

"Siguro kaunting kaunti na brown yung side na 'to?" Sabay turp ni Dj sa isang parte ng drawing ko.

Napangiwi ako. Hindi bagay...

"What do you think, Miss Kath?"

I bit my lip at tinignan siya ng nakangiwi.

"Hindi bagay..."

"Huh?" Tapos nilingon niya yung drawing.

Mas napakagat pa 'ko sa labi habang tinitignan ko yung nakakunot niyang noo.

"Bagay kaya, Miss Kath!"

Lumapit ako ng kaunti sakanya at tinuro ang parteng pinapabago niya. Magsasalita na dapat ako nang unahan niya 'ko.

"Hindi nga... bagay"

Napangiti ako at umurong ng bahagya. Nilingon niya ako.

"I'm sorry. Nakalimutan kong ikaw ang expert dito." At nginitian niya ako.

"No, its okay." Nginitian ko din siya.

Ilang oras na din ang lumipas nang maghikab ako at naramdaman ko na ang pagod. Napalingon saakin si Dj at tinignan ang orasan niya.

"Nine na din pala."

Naginat si Cindy at Steph habang ako naman ay tumuwid na ng upo.

"Let's call it a day?" Pagtatanong niya

"I think so... Bukas nalang naten ipagpatuloy."

Tumango si Dj. Nagligpit na kame ng mga kanya kanyang gamit at nung lumabas na si Steph at Cindy ay napatingin ako kay Dj.

He's smiling habang nagti-text. Kumirot ang puso ko... I wish I can turn back time. Sino ang ka-text niya at bakit ganyan siya maka-ngiti? Umiwas ako ng tingin.

'Aalamin ko yan...' I thought.

Sabay kameng lumabas ng tent. Tahimik na ang paligid di gaya nung umaga na ang ingay ingay. Nakita ko ang van at ang bmw namen.

"Deretso uwi ka na, Miss Kath?"

"Hm? Ah yes... Ikaw ba?"

Nakapamulsa siya at nakatingin sa nilalarakan namen.

"May dadaanan lang."

Napaiwas ako ng tingin. Ayan nanaman yung selos na nararamdaman ko....

"Oh... Okay, I'll see you tomorrow, architect. Drive safely."

Hindi ko inantay ang sagot niya, dere-deretso ang pagsakay ko sa van. I have a feeling na yung katext niya ang dadaanan niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Wala akong karapatan.

"Ma'am, okay lang po kayo?" Cindy asked.

Tumango ako sakanya at tipid na ngumiti.
Kailangan ko nang magisip kung paano ako makakapasok ng tuluyan sa buhay ni Dj.

=====================

Hmm, sino o ano ang dadaanan ni Dj? Kath, kering keri naten to. Hahahahaha!
Abangan pa ang mga susunod na chaps.

x, simplengbabae.

Falling for the stranger (FFTG2:KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon