balcony
Pampanga never disappointed me unlike Manila.
I've been here since I told my parents that I want to start my high school years on a different school. Students in private schools in Manila already gave me unfortunate memories and traumas. Hindi naging maganda ang elementary years ko kaya nagpadala ako dito sa lugar ng mga grandparents ko. Umaasang mag-iiba ang trato ng mga schoolmates ko sa akin kung mangibang eskwelahan ako.
But then I realized that it was worst when I was in junior high school! Mas may lalamang pa pala sa elementary days ko when it comes to worst experiences. As usual, I was being bullied, pero sa junior high school iba ang nangbu-bully sa akin. Halos mga lalaki kasi ang nunukso sa akin noong elementary ako pero sa junior high school, mga babae na.
Some even accused me of being a third party in their relationship! Yung iba naman naiinggit dahil sa top one ako palagi sa klase at palaging pinupuri ng mga teacher namin. At dahil doon nakaranas ako ng pisikal na pang-aaway, ito ang pinaka-iniiwasan ko! Hindi ako nasuspende dahil ginawa lahat ng lolo ko ang makakaya para malinis ang pangalan ko sa eskwelahan. Imbes na suspension lang ang mangyari sa mga bullies ko, na-kick out sila kahit pa gustong suhulan ng mga magulang nila ang eskwelahan.
Well, my grandfather's connections was feared by people in Pampanga. Para bang makita ka lang niyang gumalaw, kikidlatan ka na. Simula noon, wala ng nangahas pang mga schoolmates ko na tuksuhin ako. At dahil roon nagkaroon ako ng mga kaibigan na kaklase ko.
Pero dahil sa mga naging trato sa akin ng mga tao sa eskwelahan na iyon, hindi ko na naisip pa na mas makipag-lapit pa sa mga tao. Pakiramdam ko kasi... iisa lang silang lahat at pwede nilang gawin ulit sa akin iyon sa palihim naman na paraan.
In short, trust issue.
"Miss Solar?"
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang makarinig ng isa sa mga maid. "Yes?"
"Pinapakuha na raw po ang mga gamit ninyo ni Madame Marisa."
Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko at binuksan iyon. I told her to call some male staff para hindi mahirapan ang mga maids sa mabibigat na kahon na may mga libro ko at iba pang bagay. Ako naman ay kinuha na ang backpack ko at sinuot iyon sa likod ko.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba na sa malaking hagdanan.
"Ayan na pala..." ani lola nang makita ako.
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ang bata pa tingnan nila lolo at lola. Ngayon, halos puro uban na ang mga ulo nila. Puro wrinkles na rin ang mukha at iba pang parte ng katawan.
"Lola... Lolo..." nginitian nila ako. Emosyonal akong bumuntong hininga. Naramdaman ko naman kaagad ang kamay ni mommy na humahagod sa likod ko. "Salamat po sa lahat-lahat. Punta po kayo sa eighteenth birthday ko ah?"
Humagikhik si lola. "Syempre naman, apo. It's your special day. Dapat kumpleto tayong lahat."
"Saan ba gaganapin, Marisol?" tanong ni lolo kay mommy.
"Sa amin po, papa. Ipapasundo namin kayo sa araw na iyon."
Saglit pa kaming nagkausap tungkol sa mga bagay na magaganap sa taong ito hanggang sa nagpaalam na kami ng mga magulang ko sa mga magulang ni mommy. Katulad ng ginagawa ko tuwing aalis ng bahay nila lolo at lola, bumeso ako sa kanila ngunit ngayon ay may kasamang yakap.
I'll admit it. Grandparents does spoil their grandchildren. Ramdam ko iyon sa tagal kong narito sa Pampanga. Kahit pa maliliit na bagay ay binibigyan nila ako. Mga lambing na kailangan ko kapag malungkot at suporta sa tuwing hindi maganda ang araw ko. Pati na rin ang mga luto ni lola at ang mga historical stories ni lolo tungkol sa mga ancestors at ang tungkol sa Pampanga. I'll miss those things. Mostly, the people who gave me those. I'll miss lola and lolo.
ESTÁS LEYENDO
Always Been You (You Series 1)
RomanceIt was game over for Solar. Inaamin niya, nahulog na siya. May nararamdaman na siya para kay Lucas. But she never thought she's the one who could take down the playboy; who could stop the playboy's game. But is the game really over? Then sino ang ba...
