Chapter 1

8 0 0
                                        

Kenneth's POV

Pagod, uhaw at pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon.

Pagod at uhaw dahil sa walang tigil naming lakad at takbo, at ag-aalala para sa mag-ina ko na nabuwag nang mabangga ang sinasakyan naming van.

Karga ko ang aking anak na babae na patuloy sa pag-iyak ngunit mahina na lamang ngayon dahil sa antok. Mahigpit ang yakap niya sa aking damit na napunit na dahil sa mga sanga ng kahoy.

Kanina pa ako naglalakad ngunit hindi ko parin nararating ang dulo ng gubat. Masukal ito at maririnig mo ang huni ng ibon at tunog ng iba't-ibang hayop sa paligid.

Hindi ko inaasahan na bigla kaming aatakihin ng mga armadong lalaki. May mga bodyguard naman kami pero huli ko nang nabasa ang mensahe nito na pinaputukan ang kanilang sasakyan na nakasunod lamang sa amin.

We're about to go to my parents house to visit them pero natunugan kami na aalis kaya ngayon ay nagkagulo.

Sana ay mahanap na sina Emillia at ang mga bata ng mga tauhan ko. Natatakot ako na baka ay mapano sila at masaktan.

Madilim na ang paligid at tanging tunog na lamang ng kuliglig ang naririnig ko dahil sa lakas nito. Mas binilisan ko ang paglalakad dahil kung magtatagal pa kami dito ay tiyak na kakainin kami ng mababangis na hayop.

"AHHHHH!!!......Aray" sabi ko.

Bigla kasi akong nahulog sa bangin at nagpagulong-gulong. Mabuti nalang at nayakap ko ng mabuti ang aking anak kaya hindi siya masyadong nasaktan.

"Lala anak, ayos ka lang ba?" tinanong ko ang aking anak na nagising sa kanyang pagkakatulog at umiyak.  Sinuri ko ang kanyang katawan at wala naman akong nakitang sugat.

"Pasensiya na anak, nadulas lang si Papa." Tumayo ako at naglakad ulit. Pagod siyang umiiyak at binuhat ko.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang maliit na kubo. Pinuntahan ko iyon at kinatok ang pinto. Walang sumagot kaya binuksan ko nalang ito dahil hindi naman nakasara.

Malinis ang loob at may maliit na dirty kitchen. Sa tabi nito ay lalagyan ng plato at maliit na sink. Nipa ang bubong at kawayan naman ang dingding. Sinubukan kong buksan ang maliit na kwarto ngunit nakakandado iyon. Umupo ako sa sahig at niyakap ng mahigpit ang anak dahil sa malamig na ihip ng hangin.

Nakatingin ako madilim na paligid at nagdasal na sana ay ligtas ang aking mag-ina. Nakatulog din dahil sa pagod.

Nagising ako ng may maliit na kamay ang sumusundot sa aking pisngi. Pagbukas ng aking mata ay nakita ko amg aking anak na mahinang tumatawa.

Kinuha ko ang kanyang maliit na kamay at kiniliti ang kanyang kilikili. Natigil lamang ang aming pagtawa ng tumunog ang kanyang tiyan.

"Papa, I'm hungry na"anito habang nakapout ang kanyang maliit na labi.
Tumayo ako at binuhat siya.

"Teka lang anak. Maghahanap si papa ng pagkain." Pinuntahan ko ang kusina at nakita ang mga di lata sa kabinet.

Mga cornbeef ito at meatloaf. May spam pa at century tuna. May isang tray rin ng itlog na wala pang kuha at mamahaling mantika. Wala rin akong nakitang tinapa o tuyo. Baka mayaman ang nakatira dito?

Kumuha ako ng isang lata ng cornbeef at dalawang itlog. Pumunta ako sa dirty kitchen at nagulat pa dahil non-sticky pan ang kawali nito.

Nagsimula na akong magluto at nagsaing na rin. Alam kong magagalit ang may-ari ng bahay na ito kaya babayaran ko nalang siya.

"Huwag mong buksan ang pinto, Lala" Paalala ko sa bata nang makita siya na tinatangkang buksan ang pinto. Mabyti nalamg at mataas ang kahoy na nagsisilbing sirahan nito.

"I want to pee, Papa" sabi nito. Ngayon ko lang nahalata na kanina pa pala siya nagpipigil sa kanyang ihi.

Agad kong tinapos ang aking pagluluto at sinamahan siya na umihi sa labas. Nakahiwalay ang CR sa bahay. Maliit ito at medyo mataas.

Una akong pumasok para masiguro na safe ang palikuran. Baka kasi may maligaw na ahas o mabangis na hayop.

Nang masigurong ligtas iyon ay pinaupo ko siya sa bowl at hinayaan na umihi. Nakita ko pa na walang tubig kaya nag-igib pa ako sa tabay na nasa gilid ng bahay.

Pumasok na ulit kami at sinimulan ng kumain. Pinaliguan ko na rin siya. Sinira ko kasi ang kandado sa maliit na kwarto at nakita ang mga pambatang damit at panlalaki. Mukhang mag-ama lang ang nakatira dito. Wala kasing bakas ng damit ng babae.

May nakita rin akong mga tela sa kabinet. May mga manikin, sinulid na malalaki at sewing machine.

Interesting.

Naalala ko bigla ang nangyari kahapon kaya lumabas ako at nakita si Lala na naglalaro sa labas. Maraming putik ang kanyang paa.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Nilinisan ko ang kanyang paa.

Gusto kong pumunta sa kung saan kami nahulog. Alam kong dilikado pero ayaw kong maiwan si Lala ng mag-isa sa kubo. Hawak-kamay ay masaya siyang naglalakad at nagtatalon-talon pa. Nangmakarating kami ay nalula ako sa taas ng bangin.

"Wow! Papa it's so high like oh my   gee!!" tili niya. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Did we really go sliding here?" she asked. She's only 7 years old pero kung dumaldal ay parang kaedad lang ng kuya niya.

Hinanap ko rin ang wallet ko na mukhang nahulog ata. Pero isang malaking krus ang nakita ko na tabingi. Inayos ko ito at nakita ang wallet ko sa tabi nito.

Akala ko ay tinusok lang ang krus pero may nakaguhit pala na pangalan nito.

Rest In Peace
Lorein Angela L. Madrigal
February 22, 2006 - April 10 2012

May bulaklak rin na katabi nito at chocolate bars. Malinis rin na halatang nililinisan. Nagtaka rin ako kung bakit dito ito nakalagay.

Nawala ang atensyon ko sa krus ng marinig ang isang malakas na sigaw ng lalaki na binabae?


***********
AN: Sorry po sa mga bland na scenes. Bago lang po kasi ako manunulat. First story ko po ito. Tsaka sinadya ko talaga na hindi mahaba dahil *tot* (baka maspoil kayo).

Anyway, thank you for reading!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now