07

977 13 0
                                    

"Water?"


Vien glance at Regulus. Hawak ng lalaki ang tumbler na may lamang tubig at binibigay sa kaniya. Kinuha niya ito bago tumingin ulit sa harapan niya.


Kitang-kita niya kung paano humampas ang mga alon sa bato. Malamig naman ang simoy ng hangin ang dumadampi sa balat niya. The scene is very refreshing. Ang sarap mag-unwind dito. Isama mo pa ang makulimlimna panahon.


"Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Regulus. Nasa tabi niya ang lalaki habang kumakain. Pareho silang nasa labas ng kotse. Tumigil muna sila saglit para magpahinga at kumain. Sakto namang nadaanan nila ang tabi ng dagat kaya doon nalang sila huminto.


"Ayos lang," sagot ni Vien bago kumagat sa tinapay na hawak niya. Matapos matikman, nanlalaking mata siyang tumingin kay Regulus. Nakatingin rin ang lalaki sa harapan pero mukhang napansin siya nito kaya nagtama ang mga mata nila.


"Why?" Regulus asked her.


"It tastes good," nakangiting wika ni Vien. Ito ang ginawang sandwich ni Regulus. Napangisi naman ang lalaki. "Ako pa," sambit nito. Feeling tuloy ni Vien, laht ng dugo niya ay umakyat sa mukha niya. Medyo kinilig matapos makitang ngumiti ang asawa niya.


"I'm always good at all," dagdag pa nito bago umiwas ng tingin bago kumagat sandwich na hawak hawak.


Pati nga ang puso ko, magaling mong pinaglaruan.


Natawa nalang si Vien bago tumingin ulit sa harapan nila. Kagigising niya lang. Mabuti at maayos ang mood niya. "Mayabang ka pa rin pala," komento niya kay Regulus. 


Ito naman ang natawa nang mahina. "Kilala mo talaga ako," natatawang wika ni Regulus bago nilingon si Vien.


"Naman! What do you think of me? Eh?"


Tinaasan siya nito ng kilay. Their eyes meet. Nakatingin si Regulus sa mukha ni Vien at ganon din si Vien kay Regulus. Regulus feels something's wrong kaya siya na ang pumutol ng tingin. Natatakot siyang baka bumalik na naman ang naramdaman niya noon.


"Hala! Umaambon," napatingin siya muli kay Vien nang nagsalita ito. Tinaas niya ang palad niya para pakiramdaman ang ambon. Umaambon na nga pero may araw naman.


Dali-dali niyang hinubad ang suot na leather jacket bago nilagay iyon sa ulo ni Vien. Hinubad kasi ng babae ang suot nitong jacket. Kinuha niya ang kamay nito bago mabilis silang umikot papuntang passenger seat at binuksan ito para papasukin si Vien.


Unti-unti na ring lumakas ang ambon. Sunod ay pumasok na rin si Regulus sa loob ng kotse. Medyo nabasa na ang t-shirt niya. Kinuha niya ang towel nakasampay sa headrest ng sasakyan bago iyon pinunas sa braso niya.


"Dapat hindi mo na hinubad ang jacket mo. Nabasa ka tuloy," mahinang wika ni Vien.


Nilingon ni Regulus si Vien. "Ayos lang," nginitian niya ang babae bago nagpunas ulit ng katawan. Nang matapos ay tumingin siya kay Vien na nakatitig sa kaniya.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now