Chapter 8 - I Am Now Confused

Start from the beginning
                                    

“Ha? Hindi mo pala alam?”

“Na ano po?”

“Lumipat na sila Kristoff sa Palawan nung isang araw pa.”

Nabigla ako.

“Paano pong lumipat? Ano pong ibig n’yong sabihin?”

“Doon na sila titira, dear.”

“Po?!”

‘Yon lang ang nasabi ko at hindi ko na alam kung ano ang mga sinasabi ni Ate Daisy. Parang gusto kong maiyak sa sahig at magwala.

Bakit hindi sinabi ni Kristoff sa akin ang tungkol d’yan? Ni isang katiting na impormasyon wala siyang sinabi about sa paglipat ng tirahan. Parang gusto kong umuwi o maglabas ng cellphone at awayin si Kristoff sa chat!

***

Nang matapos ang service ay agad kong kinuha ang cellphone ko para i-message si Kristoff. Pero maraming messages na pala ang sinend niya at binasa ko ang mga iyon.

“Lexi, I know hinanap mo ‘ko sa church.”

“I‘m sorry, Lex, if hindi ko sinabi sa ‘yo. I’m afraid you might not attend today sa service.”

“Gustong lumipat ng parents ko dito sa Palawan. Labag man sa kalooban ko, Lex, pero wala akong magagawa. I’m really sorry.”

“And it’s good siguro if stop muna tayo sa relasyon natin. Lex, nung naging kita, pinagalitan ako ni Pastor. There's a reason bakit niya ako pinagalitan after niyang malaman na may tayo. Pero if sasabihin ko sa ‘yo ngayon, sigurado akong hindi mo pa maiintindihan. Soon, you will. I’m sorry, Lex. It was nice and wonderful to be with you.”

Iilan lang ang mga ‘yan sa nabasa ko, at parang hindi ko na kayang basahin pa ang lahat. Sapat na ang nalalaman ko: Lumipat sila at nakikipaghiwalay siya sa ’kin.

Nagmadali akong umuwi at nagkwento kay Maureen sa chat. Umiiyak ako habang nagkukwento sa kanya pero hindi ko siya mapapunta sa amin dahil nandito si Mama. Patago lang akong umiiyak.

“Iyan na nga ba sinasabi ko sa ‘yo, Lexi, masasaktan ka lang d’yan! Paano na ‘yan ngayon? Pupunta ka pa rin sa church na ‘yon?”

Natigilan ako sa tanong niya. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, pwedeng-pwede akong huminto sa pagiging member sa church na ’yon!

May pa-“Everything makes no sense without you” pang nalalaman ‘yon tapos iiwan din pala ako.

Pero baka isipin niyang weak ako kung aalis ako sa church na ‘yon. Akala niya pumupunta ako sa church na ‘yon dahil sa kanya? Pwes kaya kong magpatuloy na wala siya.

***

Hindi ko natiis at nagreply din ako kay Kristoff.

“Kailangan ba talaga nating maghiwalay, Kristoff? Where are your promises now? Nawala lahat?”

Ilang segundo matapos kong sinend ’yon ay tumunog agad ang cellphone ko kaya walang oras ko iyong tiningnan.

“I’m sorry, Lex. We have to. Magkalayo na tayo at isa pa, bawal sa church ‘yon..”

Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya sa inis.

“Bawal naman pala bakit mo ‘ko inumpisahan? Ang tanga mo pala, e! Hindi mo ba naisip ang rule na ‘yon before mo ‘ko kinausap at before ka nag-‘I love you'  sa akin? Nasaan utak mo? Tapos ngayon ako itong nasasaktan? Ako ‘yong naiiwan? Ako ang kawawa?! Wala kang kwenta, Kristoff!”

***

One week na ang nakalipas mula nung inaway ko si Kristoff. Naging busy ako sa school at hindi na rin ako masyadong active sa church.

“Hindi ka na babalik do’n?” tanong ni Maureen.

“Aba’y ewan ko na. Nawalan ako ng gana, e. Pero ang pangit naman kung iisipin nila na nagchuchurch lang ako ay dahil kay Kristoff which is totoo naman somehow pero ang pangit pa rin pakinggan.”

“So anong plano mo?”

“Babalik siguro ako.”

Hindi ako sigurado kung pride ko ba itong pinapairal ko sa ngayon. Basta ang alam ko, gusto kong mapatunayan kay Kristoff na kaya kong magsimba nang wala siya. Saka isa pa, Diyos naman dapat ang tinutukoy ko do’n sa Church na ‘yon kahit minsang aaminin kong hindi ko naman talaga feel do’n.

***

“So magpapatuloy ka?” tanong ni Maureen.

“Ewan. Bahala na. Halika na,” tawag ko sa kanya. At tinawag ko na rin sina Jen, Vince at iba pa. Plano kong mag-share sa kanila about Bible na based lang din sa nalalaman ko sa CCM.

“Sure ka na d’yan?”

Bumagsak ang balikat ko at napahinto ako sa pag-arrange ng mga upuan. Tinitigan ko siya.

“Mau, for Jesus,” wika ko.

“Asus! Char-char ka rin, e, noh? Kilala kita, pride ‘yan.”

“Tatahimik ka d’yan or tatahimik ka?”

Nagkibit-balikat siya.

“Okay, sabi mo, e.”

***

Nakauwi na ako sa bahay at naisip ko ulit ang sinabi ni Mau kanina.

“Pride ‘yan.”

Eh ano ngayon? Napabuntong-hininga ako. Basta lang mapapatunayan ko kay Kristoff na nakakapagsimba pa rin ako kahit wala siya. Isa pa, nahihiya na ako sa do’n, nagpromise ako na hinding-hindi aalis do’n. Baka sabihin pa nag-backslide ako. Pero sa totoo lang, nalilito pa rin ako kung magpapatuloy ako sa Church na ‘yon gayong wala na doon si Kristoff. Hindi ko nga alam kung totoong Christian nga ba ako o baka talagang nadala lang ako ng taong ‘yon.

Victim Of EvangeligawWhere stories live. Discover now