Sana

0 0 0
                                    

#Short story

Theme song: Sana noon pa
written by: Emerald Blake  sung by: Ana Afortunado-Rañola

Title: SANA
Gendre: Romance

Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at dinaramdam ang bawat paghampas ng hangin sa balat ko na kay sarap sa pakiramdam. Parang nawala ang lahat ng mga suliranin sa buhay ko at tanging hampas lang ng alon ang nagbibigay ingay sa paligid na kay sarap dinggin na tila isang musika sa aking pandinig.

Napayakap ako sa sarili at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko nang nakaramdam ako ng isang patak ng tubig sa braso ko. Ilang sandali pa’y lumakas ang hangin kasabay ng pagpatak ng ulan.

Mabilis akong tumakbo sa kung saan ang may silungan, pero napahinto ang paghakbang ng mga paa ko nang may naaninaw akong bulto ng isang lalaking lumalakad sa gitna na ulan. Tila hindi n’ya nararamdaman ang bawat patak ng malamig na tubig sa balat niya.

Napaiwas ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin.

Tumunog ang phone ko sa coat kaya’t sa cellphone nabaling ang tingin ko. Nang mabasa ko ang nasa screen, mabilis akong tumakbo patungo sa sasakyan bago sinagot ang tawag.

“Hera nasaan ka na? Nakatakas si Miya.”

Nailayo ko ang phone sa tenga ko nang halos mabingi na ako sa boses ng nasa linya.

“Papunta na.”

Ibinaba ko na ang tawag at mabilis na pinatakbo ang kotse patungo sa condo.

Sa pagdating ko mabilis akong nagpalit ng suot ko bago bumalik sa kotse at pinatakbo ito.

Nakasisilaw ang mga iba’t ibang kulay ng ilaw na sinasabayan pa ng nakabibinging tugtugin  habang nagsisiyahan naman ang mga tao na tila walang pasanin sa mundo.

Inilibot ko ang paningin hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang babaeng nakikipag-usap sa isang lalaki ngunit hindi naman siya nito tinatapunan ng tingin.

Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko patungo sa babae. Lumaki naman ang mga mata niya nang nabaling ang tingin niya sa akin at agad  na tumago sa likod ng lalaki.

At sa pangalawang pagkakataon nagkrus ulit ang landas namin ng lalaki. Nang nagtagpo ang mga mata namin tila nakaramdam ako ng sakit mula sa mga mata niya.

Napabuga na lang ako sa hangin at hinila ang kamay ng babaeng tumatago sa likuran niya.

“Sorry na ate, hindi na ako tatakas ulit,” paghingi pa nito ng paumanhin. Hindi ko siya pinansin bagkos hinila ko na lang siya palabas ng bar.

Nang makalabas na kami, ipinasok ko siya sa backseat ng kotse bago ako umikot sa driver seat at pinatakbo na ang kotse patungo sa hospital.

May problema sa utak ang kapatid ko kaya’t minabuti ko na lang na ipasok s’ya sa hospital ngunit madalas naman siyang tumatakas.

Sa pagdating namin sa hospital agad kaming sinalubong ng Doctor niya at ipinasok na siya sa loob.

Nanatili lang akong nakatayo nang tumunog ang phone ko sa bulsa ng coat. Napatingin ako sa screen ng phone at bumungad ang number ni papa.

“Anak dumating na ang bill ng kuryente.”

“Ate bilhan mo ako ng bagong phone.”

“Ate may bagong labas na book si Miss Den.”

Hindi ko na binasa pa lahat ng text nila dahil puro request lang naman nila iyon. Napabuntonghininga na lang ako at tumingin sa swist watch ko. Ngunit nang makita ko ang oras ay halos paliparin ko na ang kotse patungo sa hospital na pinagtatrabahuan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short storiesWhere stories live. Discover now