Nakasimangot ako bumaling sa kanila at napatigil naman sila.

"Priam, ano na nga pangalan? Nika? Ni...ano na nga?"

Umiling ako. Ayan kasi, hindi nakikinig.

"Nisha Korinne." mabilis kong sabi at tumalikod na.

It was the first time I ever said her name, and damn...it felt different. Hindi ko 'yon mapaliwanag no'ng oras na 'yon pero no'ng lumipas ang mga buwan ay unti-unti ko ng napagtatanto kung bakit.

"Priam! Pwede bang pakiabot 'to kay Nisha? Para lang sa group activity namin. Nand'yan na kasi sundo ko sa labas. Salamat!" Ani ng isang kaklase namin na halatang nagmamadali.

Napabuntong-hininga naman ako dahil wala na akong choice.

Pinagmasdan ko siya habang nagliligpit ng gamit niya. Months have already passed since she transferred, pero halos walang pinagbago, I expected her to loosen up after a week or two...pero wala.

She's still so quiet, mailap sa tao, at hindi pa rin kakikitaan ng emosyon sa mukha.

Kung kaya't nanginginig ang kamay kong lumapit sa kanya.

"Hello..." kinakabahan kong panimula.

Lumingon naman siya at tiningnan ako. Bigla naman akong nanliit sa paraan ng pagtingin niya na mula ulo hanggang paa.

Yeah, right. I forgot to say that she's also so fucking intimidating. 'Yong tipong lalakad siya sa harap mo pero mapapatigil ka na.

Gano'n na gano'n ang epekto niya sa akin. At sabi nga nila, malakas ang dating kahit simple. Hindi na niya kailangan pa ng magagarang damit at kung anong istilo ng buhok, because her bare skin, shiny long wavy hair, and simple clothing...are enough to make the head of people turn to her direction.

She's like that...kung kaya't halos tumalikod na ako habang nakatingin siya sa akin.

I cleared my throat at nagdesisyon ng magsalita bago mapahiya.

"Uh...Pinapaabot ni Vera." I handed her the plastic bag.

Tumango lang siya't kinuha 'yon at bumalik na sa ginagawa.

Ako naman ay wala sa sarili napatalikod, hindi makapaniwalang nakausap ko na ang mailap na transferee.

"Ma...normal lang po ba ang sobrang tahimik na tao?" I asked my mom one day habang nagdidinner kami, because I'm really curious.

She smiled at me. "May mga tao talagang tahimik, anak. 'Yong iba normal, 'yong iba pwedeng may mabigat na pinagdadaanan. Kaya diba sabi ko...you always have to be kind and respectful. Kasi hindi mo alam kung normal ba o may pinagdadaanan ang isang tao. Lalo na sa mga sobrang tahimik, you should always have to be careful."

Tumango ako at naisip kung may pinagdadaanan nga ba siya.

"Bakit mo natanong? Hmm," she asked at umiling naman ako agad.

"Wala, mom. May kaklase lang kasi akong sobrang tahimik."

"Okay," she said but I saw a smile escape her lips.

After my conversation with mom, pakiramdam ko ay mas lalo akong nacurious sa kanya, lalo na sa mga ibang bagay na napapansin ko tungkol sa kanya.

She always seems to hate people so much. And during one of our classes kung saan nag sharing kami...I learned that she no longer has parents.

"My mom passed away 6 years ago...and I don't have a dad." she answered when someone asked.

I was so curious...kung sino ba ang nag-aalaga sa kanya, kung sino ba ang nagpapaaral, kung sino ang gumagabay sa kanya...but I chose not to ask because it's too personal and I don't want her to feel uncomfortable.

Bizarre ConnectionWhere stories live. Discover now