Hindi ako sanay na ganito kami. Siya lang ang pamilya ko at ngayong masama ang loob niya sa akin, pakiramdam ko ay wala akong pamilya.

"Nisha!" Agad akong napalingon no'ng marinig ang boses ni Fina.

Anong ginagawa niya?

"Hi, Nisha! Dito ka pala nagwowork? Nice ha." Marian greeted me.

Napatingin ako sa kanilang lahat.

"Mga kaklase mo?" Ed asked. Tumango naman ako.

Nandito nga sila at saglit akong nagulat no'ng makita si Priam na kasama nila.

Nandito siya? Pero absent siya sa klase kanina, ah.

I shook my head at nag-ayos na dahil shift ko na.

Lumapit sa akin si Kyle at bumati rin. Naalala ko naman na siya pala ang may birthday kaya nagpasya na rin ako bumati.

"Happy Birthday," mabilis kong sabi.

Ngumisi siya at lumingon sa likod.

"Salamat, Nisha!"

Nag-uusap yata sila tungkol sa kung iinumin nila. Dahil abala naman ako ay hinayaan ko na siya, at itinuon nalang ang pansin ko sa trabaho.

They looked happy actually.

"Hi."

Tumingala ako at no'ng makitang si Priam 'yon ay agad akong napaiwas ng tingin.

"Hello." I continued what I am doing.

"You won't join us?"

Tumigil ako at umiling.

"Hindi na, may trabaho pa kasi ako."

Tumango siya. "Gano'n ba? Sayang naman."

Sayang? Okay lang naman...baka rin kasi maout of place lang ako sa kanila kung sasali ako. Pero hindi naman talaga ako makakasali dahil may trabaho ako.

"Enjoy nalang kayo," sabi ko nalang. "Maiwan muna kita, kailangan ko lang linisan 'yong table doon sa kabila."

Pabalik na ako sa counter no'ng makita silang pumasok sa room na nasa second floor, private 'yon kaya mahal ang babayaran. Pero siguro kaya naman ni Kyle kaya 'yon ang pinili nila.

"Hoy ghorl."

Naningkit ang mata ko no'ng makita si Sharo malapit sa pwesto ni Ed. Hindi ba siya busy?

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumisi siya. "Dito ako nagtatrabaho, malamang. Ako nga nagpapasok sayo, baka nakakalimutan mo."

I sighed. Alam ko 'yon at hinding-hindi ko makakalimutan dahil utang na loob ko 'yon sa kanya. Pero hindi 'yon ang tinutukoy ko. Alam ko kasi na kapag lumalapit siya dito ay may sadya siya.

"Hindi ako nakakalimot." Diretso kong sagot.

"Alam ko."

Eh 'yon naman pala?

"Sinong may birthday? Balita ko big time nagbook ng VIP room natin ngayon ah. Kaklase mo raw?" Bilis nga naman ng balita, lumilipad pa yata.

"Kaklase ko."

"Eh bakit hindi ka muna sumama sa kanila? Aba, masaya 'yon ah. Kung ako lang kanina pa ako gumora!"

Umiling ako. "Ayaw ko, may trabaho pa ako."

"Hay nako!"

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa pero napatigil din ako no'ng inagaw niya sa akin ang hawak kong baso at itinulak ako.

Bizarre ConnectionWhere stories live. Discover now