"Let's talk." I said, finally decided to ask and warn her about her intentions.

"W-Wala...Wala akong masamang pakay sa kanya. I-I'm just his friend. I mean, I want to be his friend. Friend lang!"

She looked so scared of me like I'm going to bite her. What a kid. Hindi naman siya mukhang malandi but she's the type of person na makikita mong mahuhulog sa kanal dahil nawili kakatangin sa kung anong nasa paligid.

"Ano...sorry if I was insensitive. I didn't think about you...his girlfriend."

What the freaking hell? Now, I don't know if she's just naive or stupid. Gawin ba naman akong girlfriend ng pinsan ko. Is she trying to make me laugh?

Well, if laughing is my thing ay baka nga kanina ko pa siya pinagtawanan dahil katawa-tawa naman talaga siya.

"So fast to give up, huh?"

Gusto ko naman talagang magkaroon ng kaibigan si Shin dahil nasasaktan din ako na nakikita siyang takot sa mundo but I want someone who's responsible, hindi tatanga-tanga, 'yong makakaintindi sa nakaraan at sitwasyon niya, at 'yong hindi duwag at mabilis sumuko.

And this girl...I don't like her.

"You will just destroy him more. 'Yong mga katulad mong mature na dapat pero isip bata pa rin, fun lang halos ang lahat ng nasa isip...sisirain mo lang siya and I definitely don't want that to happen because he already had enough. Kaya Miss, nakikiusap ako na tigilan mo na siya."

She'll just further destroy Shin dahil sa katangahan niya kung kaya't hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Si Shin nalang ang pamilyang mayroon ako at ang tanging dahilan ko para magpatuloy. Ang makitang naghihirap at nasasaktan siya ay parang katapusan ko na rin.

I went back to my apartment after that para maghanda sa trabaho. Kumain muna ako ng dinner, naligo, at nag-apply ng light make-up. Face powder, blush on, konting eyeshadow at lipstick lang naman. Then I put my long wavy hair in a ponytail.

Pagdating sa bar ay agad kong hinanap si Sharo. Maaga pa naman kaya siguro ay wala pa naman siyang kasama.

"Nasaan si Sharo?" Tanong ko sa kakilalang bartender.

"Nasa taas, may kasama, kaibigan daw."

Tumango ako at tinungo na ang second floor ng bar. Iilan palang ang mga taong nasa loob dahil maaga pa naman. Nakita ko naman agad si Sharo na may kausap. Ayaw kong mang-istorbo pero kailangan ko na talaga kunin sa kanya ang pera, dahil mahirap na naman siyang mahagilap kapag dumami na ang tao.

"Sharo," panimula ko no'ng makalapit ako sa kanila.

"Nisha!" Ngumiti siya at nagpaalam sa katabi para lumapit sa akin.

"Kailangan ko ng kunin, pupunta ako sa bangko bukas." Tumango siya at may hinugot sa bandang gilid ng suot niya.

"Salamat," wika ko at aalis na sana nang bigla siyang ngumiti ng may bahid na kung ano.

"Ikaw ha, someone saw you last night making out with—."

Tumalikod na ako at hindi na siya pinansin. For the nth time, I don't want to hear about it.

Pumunta na ako sa pwesto ko at naghanda dahil shift ko na. Binati ako ni Ed, 'yong bartender na nakaassign kasabay ko.

"Mukhang marami nanaman ngayong gabi," aniya at sang-ayon naman ako doon nagsisimula ng dumami ang tao.

Isa ang bar na pinagtatrabahuan namin sa mga pinakasikat sa mga university students kung kaya't sila ang malimit na customers.

"Ang gwapo ng DJ!"

Bizarre ConnectionWhere stories live. Discover now