SINTA

14 4 0
                                    

"Sinta"

Nakatingin ka sa kan'ya
habang tumutulo ang iyong mga luha.
Gusto ko itong punasan
ngunit di kita kayang lapitan.

Isa lamang akong simpleng
binata na umiibig sa 'yo
habang siya naman
ay hinahangaan mo.

Kay lupit ng tadhana,
tinitibok ng iyong puso'y siya
samantalang ako
nandito hinihintay ka.

Gabi-gabing tinatanong si kupido,
nasaan na ang kapares
ng aking palaso?
Pa'no na ako?

Sino ba naman ako
para iyong mapansin?
Kung kay linaw naman
na mas angat siya kaysa sa akin.

Kung natuturuan man ang pusong
ibaling ang nararamdaman sa iba,
mas pipiliin ko parin'g ibigin ka,
kahit ako'y nasasaktan na.

Kay sakit mong ibigin.
Kay lapit mo nga sa akin
ngunit bakit pakiramdam ko
milya milya ang iyong layo.

Sana'y dumating na ang panahon
na ako'y iyong mapansin
at sa 'kin nalang ituon
ang pagmamahal na aking hinihiling.

Hinihiling ko din na
sana maging masaya ka,
kahit sa piling na ng iba.
Mahal na mahal kita.

Written by: Lady_Perrila

SINTA (A SHORT POEM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon