Endless

268 21 12
                                    

Mabibilis na tunog at yabag ang pawang naririnig na syang bumubulabog sa kagubatan. Madilim na ang paligid at tanging liwanag na lamang mula sa buwan at mga nag-aapoy na mga sulo ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Lahat ay abala sa pagtingin sa paligid, may hinahanap, may inuusig. Mayroong mga grupo na naghiwa-hiwalay upang mas mabilis mahanap ang kanilang pakay.

Maaamoy ang usok na nanggagaling sa mga sulo na bitbit ng mga ito. Maririnig ang malalakas at tila galit na galit na mga tinig, maaaninag ang mga mukha na puno ng poot.

Sino sila?

Ano ang tunay na pakay nila?

Mula sa itaas ng pinakamatayog na puno sa kagubatan ay nakamasid ang isang nilalang. Humahanap ng tiyempo, para tumakas? Para maghiganti?

Nakakuyom ng mahigpit ang kamao nito at pawang malapit na madurog ang mga buto sa daliri sa sobrang paghihinagpis. Napuno na ng sakit ang pusong dati ay napapalibutan ng saya at.. pagmamahal.

"Hanapin ninyo!" Sigaw ng pinakapinuno ng grupo.

"Hindi maaaring makatakas ang halimaw na iyon!" Pagpapatuloy nito at walang habas na ipinukol ang tingin sa isang direksyon.

Muling naghiwalay ang mga ito, ang pinuno ay sinundan pa ng limang katao, lahat ay may hawak na patalim, handang sumugod at pumaslang.

Nang makarating ang grupo sa kwebang kanyang ginawang tirahan ng ilang taon ay mabilis syang tumalon mula sa punong kinauupuan kani-kanina lamang.

Tahimik syang naglakad sa likuran ng mga ito at inisa-isang patulugin ang mga tauhan nito gamit ang pagpalo sa likurang bahagi ng mga leeg.

"Bilisan ninyo---" Naputol ang sasabihin nito nang mapatingin sa likuran. Ang matapang na itsura nito ay napalitan ng pamumutla. Nanginginig at pinagpapawisan ito sa kilabot na nararamdaman sa kasalukuyan. Nakatunghay sya sa mga tauhan na mga walang malay at nakadapa sa lupa.

"P-Paanong..." Paputol-putol nitong sambit bago lumipat sa kanya ang tingin. Nasulyapan nya ang bahagyang pagkibot ng kamay nito bago mabilis na hinugot ang itak na nasa likuran. Patakbo itong sumugod ngunit bago pa man nito maitarak ang patalim ay mabilis syang kumilos at hinampas ang kamay nito na bigla na lamang nabali dahil sa puwersa nya.

Pumalahaw ito ng malakas na animo'y isang pinaparusahang alipin. Sunod nyang binali ang magkabilang binti nito at sinipa ng malakas upang tumalsik sa malaking bato. Maririnig ang pagkakabali ng mga buto nito sa lakas ng puwersa ng pagtama nito.

Nalanghap nya ang pamilyar na amoy na dati-rati ay nakakahalina para sa kanya, dugo, ngunit iba sa ngayon ang nasa kanyang isipan.

Hindi sya nagugutom at walang balak uminom ng kanyang paboritong inumin.

Nais lamang nya maghiganti.

Ang malaman ang totoong dahilan.

Unti - unting lumapit ang babae sa duguang pinuno. Hindi na ito makatayo pa, umuungol na lamang dahil sa sakit na nararamdaman. Tahimik ang buong paligid, tanging pagaspas ng mga dahon at huni ng mga ibon at iba pang hayop sa kagubatan ang maririnig.

Kung sa ibang pagkakataon ay napakaginhawa nito sa pakiramdam ngunit ngayon ay tama lamang ito upang marinig ng malinaw ng babae ang dahilan ng lalaking pumaslang sa kanyang minamahal.

Sa mabagal na paglalakad ng babae ay syang pagtama ng liwanag galing sa buwan sa anyo nito. Isang matangkad at may balingkinitang katawan, mga matang kasing pula ng dugo na dati ay kulay asul na gaya ng karagatan, matangos ang ilong, mahahabang pilik-mata at mapupulang labi.

Mayroong balat na kasing puti ng niyebe sa putla at matatalim na pangil.
Ang mahabang buhok ay sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

Maihahalintulad ang babae sa isang dyosa sa angkin nitong kagandahan.

EndlessWhere stories live. Discover now