Nang makalapit ay lumuhod ito upang magpantay ang mukha nila ng lalaki. Hinawakan nya ng mahigpit ang buhok nito at mistulang mapupunit na ang anit sa higpit. Napuno ng kilabot ang lalaki nang matunghayan ang mga pulang mata ng babae.

"Sabihin mo kung ano ang kasalanan ni Selena."

Mababatid ang kaseryosohan, lamig at hinagpis sa boses. Napapalunok sa sariling laway at dugo ang pinuno bago unti - unting bumagsak ang luha sa magkahalong takot at pagsisisi.

"W-Wala syang kasalanan.. napuno ng inggit ang aking puso. H-Hindi ko matanggap na sa isang babae at.. isang kakaibang nilalang ang kanyang minahal." Tumutulo ang luha na usal nito.

Marahas nyang binitawan ang buhok ng pinuno bago dahan - dahan na umatras hanggang sa isang metro ang layo nila sa isa't isa. Hindi na rin napigilan ang pagtulo ng luha na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.

Alam nyang inosente ang kanyang mahal. Wala itong kasalanan ngunit pinalabas ng mga ito na isa itong babae na gumagamit ng itim na mahika.

Nagpaiwan ito nang sila ay madiskubre sa sariling tahanan nito. Parehas na walang saplot at nasa ilalim lamang ng isang kumot. Tatakas sila, iyan ang plano, ngunit nagpaalam ito na susunduin ang kapatid upang kasama sa pagtakas. Ang kanilang tagpuan ay ang kweba, ngunit ang dapat na dapithapon na oras ng pagkikita ay umabot na ng alas dose ng gabi.

Sa kainipan sa paghihintay ay hindi nakatiis at nagpasya syang pumuslit at puntahan ito sa kanilang tahanan. At doon nasaksihan ang karumaldumal na pangyayari na tumatak sa kanyang isipan.

Sa gitna ng malawak na damuhan at sentro ng baryo ay may isang nakataling babae, nangingitim at natutupok, nangangamoy ang balat na sunog. Walang mga tao at pawang isang pumapalahaw na dalaga lamang na nakaluhod sa harapan nito ang naroon.

Sa paunti - unti nyang paglapit ay ang unti unting pagiging pamilyar ng bulto na umiiyak at syang pagsikip ng kanyang dibdib. Hindi na nya namalayan na tumutulo na ang sariling luha hanggang makarating sa mismong harapan. Bumagsak ang tuhod sa lupa habang nakatingala sa katawan ng babae.

H-Hindi maaari..

Malakas ang palahaw na lumabas mula sa kanyang mga bibig.

"S-Selena!" Patuloy lamang sya sa paghagulhol at napahawak ng mahigpit sa kanyang dibdib. Lumapit narin ang kapatid nito at niyakap sya.

Ilang oras na patuloy sila sa pag-iyak hanggang sa kusang namanhid ang kanyang pakiramdam.

Nagpasya sila na ibaba ang katawan nito at ibinalot sa puting tela. Idinala sa kalagitnaan ng kagubatan kung saan naroon ang pinakamalaking puno sa lugar. Patuloy man ang pagpatak ng luha ng dalawa ay sinikap nilang maghukay. Matapos ay maingat nyang binuhat ang katawan nito at binigyan ng huling halik bago ibaba sa magiging himlayan.

"Mahal na mahal kita, Selena."

Kasama ang kapatid ng mahal ay nag - alay sila ng dasal at naglagay ng bulaklak na pinitas nya. Ilang sandali pa ay nagpasya ang kapatid nito na magpakalayo-layo ngunit bago iyon ay may inabot itong sulat, ang huling lagda sa kanya ni Selena.

Mahal kong Amelia,

Kung mabasa mo man ang sulat na ito ay maaaring wala na ako. Ako ay iyong patawarin sa hindi pagsipot sa ating tagpuan. Huwag kang magpabalot sa dalumhati at nakaraan, nais ko lamang ipabatid sayo na mahal na mahal kita.
Nais kong magmahal ka at buksan ang iyong puso para sa iba. Mahal kong Amelia.. Hanggang sa muli.

Nagmamahal,
Selena

Maingat kong itiniklop at binalik sa envelop ang sulat at inilagay sa drawer bago ito i-lock. Matagal nang panahon ang lumipas ngunit malinaw parin ang alaala ko ng nakaraan. Matapos ang engkwentro ko sa lalaking pinuno ng mga pumaslang sa taong labis kong minahal ay nagpakalayo ako ng ilang taon. Pasikreto kong ginabayan ang kapatid ni Selena, huminto lamang ako nang magkaroon na ito ng sariling pamilya. Lumipas pa ang limampung taon bago ako bumalik upang bilhin ang buong lupain ng dating baryo at kagubatan. Sa ikasandaang taon ay hinubog ko ang lupain upang maging hacienda.

Pribado parin ang parte kung nasaan ang kweba at ang punong kinahihimlayan ni Selena.

May kumatok sa pinto kaya naman napatingin ako rito. Pumasok ang aking pinagkakatiwalaan na COO ng kompanya.

"Your new secretary will be here tomorrow, Amelia. 'Wag ka na magsusungit baka matakot na naman." Nakangising sambit nito kaya napairap na lamang ako. Tumango na lang din ako dahil baka daldalin na naman ako, napakataklesa pa naman ng bibig at walang preno.

May importante pa akong lakad kaya naman mabilis akong kumilos at isinuot ang blazer. I glance at my drawer before going out.

'I will wait for you.. 'til we meet again.'

Tatlong oras ang iginugol ko sa pagmamaneho bago makarating sa hacienda. Sinalubong ako ng mga care taker ko na sila Mang Ben at Aling Minda, mag - asawa ito at apo sa tuhod ng kapatid ni Selena.

"Napakaganda mo talaga anak! Para kang hindi tumatanda."

Napangiwi na lamang ako sabay kamot sa batok. If they only knew.

Nagkomento pa si Mang Ben at ang ibang mga dumating para salubungin ako kaya napailing na lang ako saka sila nginitian bago nagpaalam na pupunta sa paborito kong lugar rito.

Ang libingan ni Selena.

Lampas ala una na ng hapon kaya naman paniguradong tutok ang araw roon. Habang binabaybay ang daan patungo sa lugar ay nakaamoy ako ng isang pamilyar na amoy ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Gutom ako pero kailangan ko muna puntahan si Selena. Dala - dala ang isang bugkos ng bulaklak na binili ko sa isang flower shop ay unti - unti kong tinahak ang destinasyon.

I sat down in front of the grave at inalis ang mga dahon na nahulog dito. Ibinaba ko na rin ang mga bulaklak sa harap nito at pumikit para magdasal.

Taimtim lamang akong nagdadasal nang manigas ang katawan ko dahil sa mainit na hininga sa gilid ng leeg malapit sa tenga ko.

Shit! May tao?!

"You look hot while praying." Bulong nito kaya mabilis akong napamulat at tumingin sa gilid ngunit wala na ito doon. Lumingon pa ako sa likuran pero wala talaga.

Napabuntong hininga ako at umiling.

Maybe I'm hallucinating.

Ngunit gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata nang may makitang babae na nakasandal sa trunk ng puno na nasa harapan ko. Nakahalukipkip ito at nakaapak ang isang paa sa mismong katawan ng puno.

Ang kulay itim nitong buhok ay may silver highlights at hanggang balikat lang, nakasuot ng maong shorts at puting statement tshirt, pinatungan ng plaid long sleeves, nakatuck - in ang tshirt at nakasuot ng ankle boots.

Maputi ang balat, mapula ang mga labi, matangos rin ang ilong na bagay na bagay rito at kulay berde na matingkad ang mga mata.

Sumilay ang ngiti nito.

"Fuck." I cursed, kaya napailing ito habang kagat ang ibabang labi upang pigilan ang tawa.

Halos malula ako sa sobrang bilis ng kilos nito. Sa isang iglap ay magkadikit na ang mga labi namin habang nakahawak ang kamay nito sa neckline ng damit ko dahil sa paghatak sakin.

Nang humiwalay ito ay sumungaw ang isang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Long time, no kiss, Amelia."

For the second time, I cursed. I can taste blood from her lips earlier. Mmm, she just fed.

"Tulala ka na naman."

Tuluyan na ako nitong hinila patayo at naglakad nang magkahawak kamay pabalik sa ancestral house sa hacienda.

"I'll be your secretary starting tomorrow, so.." Binigyan ako nito ng makahulugang tingin.

"Unli sex for you."

Namula ang magkabila kong pisngi kaya umiwas ako ng tingin but a sly grin escaped my lips.

"Stop it, Selena."

***
Thanks for reading.

EndlessWhere stories live. Discover now