02

1.3K 21 1
                                    

Gabi na at kasalukuyang kumakain sina Regulus at Vien. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig nila. Hindi na nagulat si Vien kung bakit ready na ang mga gamit na nasa loob ng bahay. May mga pagkain na nakalagay sa ref at malinis ang paligid at loob ng bahay. Even their clothes, nakalagay na ng mga iyon sa closet nila.


May mga halaman ding makikita na nakatanim sa palibot ng bahay. Malaki at malawak naman ang loob nito at maraming kwarto. Aside from the masters bed room, may tatlo ring guest room ang bahay nila. Hindi na iyon nakakapagtaka. Tumikhim si Vien at tumingin kay Regulus na seryoso sa pagkain. Nakasuot na ito ng pantulog, hindi tulad niya na naka-white sando at shorts pa.


Mukhang napansin ni Regulus nakatingin si Vien sa  gawi niya kaya umangat siya ng tingin. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay na para bang nagtataka.


"What? Don't stare at me. Just focus on your food," masungit na sambit nito at nagpatuloy na muli sa pagkain. Vien pouted.


"S-Salamat nga pala. I'm sorry din kung hindi ako masyadong marunong magluto ng lutong bahay. Nasanay kasi ako na lagi akong nag-oorder." sambit ni Vienna. Nahihiya siyang yumuko pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumingin siya sa pagkain niya.


Si Regulus kasi ang nagluto ng dinner nila. Si Vien sana ang magluluto kaso sinabi niya sa asawa na hindi siya marunong. Simpleng putahe lang naman kasi ang alam niya. Aside sa pagluto ng kanin, fried egg, hotdog at noddles lang ang kaya niyang lutuin.


"Ngayon lang 'to. Sa susunod, ikaw na ang magluluto. You should know how to cook kahit na adobo lang, Vien. Hindi ka prinsesa kapag nasa puder kita. Keep that in your mind." masungit pa rin na sagot nito at uminom ng tubig bago tumayo.


Nasaktan siya nang kaunti dahil sa sinabi nito kahit na totoo naman. Tumungo si Vien para tingnan ang asawa niya. Nakatingin pala ito sa kaniya. "S-Sige, papag-aralan ko," binigyan ni Vien si Regulus ng pilit na ngiti. Regulus' jaw clenched. Tinapunan niya si Vien ng masamang tingin.


"Ikaw ang maghuhugas nitong mga plato. Baka pati 'yon hindi—" Vien cut him off.


"I know how wash this. At saka, kaunti lang—"


"Good. After you wash that, go to the masters bedroom. We will talk," sambit ni Regulus at tinalikuran na siya. Lumakad na ito paalis ng dinning area at iniwan na si Vien. Humugot muli si Vien ng malalim na hininga at binuga iyon.


Inilibot niya ang paningin sa paligid. Bukas ang mga ilaw ng bahay. Maganda ang loob ng bahay pero malungkot naman ang paligid nito. Tumayo na si Vien at kinuha ang mga pinagkainan nila. Habang naghuhugas siya ng plato nila. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. Nag-aayos siya non ng mga gamit niya nang magsalita si Regulus.


"Maayos ang lahat ng kuwarto na nandito kaya pumili ka nalang kung saan mo gustong matulog. Sa mater's bedroom ako matutulog," naalala niyang sambit ng asawa. Sa sinabi pa lang nito ay alam na talagang ayaw siyang makatabi nito. Of course, why would he? Sinabi na nga nitong may girlfriend na ito bago pa sila ikasal. 

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now