Prologue

3K 41 5
                                    


PROLOGUE


"Naila, do you think he would still come? He's already late," I closed my eyes after I spoke those words to my assistant. I am very upset right now. Malapit ng gumabi at 'yong client namin wala pa rin. It's been 7 minutes!


"Ma'am, I already message him pero wala pong sagot," Napahilot na lang ako sa sentido ko. Nasa isang VIP room kami ng isang restaurant dito sa Quezon. Dito ang gaganapin ang meeting namin ng kliyente kong iyon.


I can't go home so late. May naghihintay sa akin. Tumingin ako sa wrist watch ko. Seven PM na. Tumingin ako muli kay Naila na nasa tabi ko lang nakaupo.


"Okay. This is the last. After ten minutes na wala pa rin siya rito, aalis na tayo. Got it?" I said seriously.


Napalunok si Naila bago tumango. "O-Okay po," sagot niya. I crossed my arms while seriously looking at the entrance door. Lumipas ang ilang segundo at gano'n pa rin ang posisyon ko. Tumingin ako saglit kay Naila.


"Call me, kapag nandito na siya. I need to go to the restroom, excuse me." seryosong sambit ko bago tumayo at umalis. I'm not used to this kind of behavior but I need to. This is the new me. And I'm happy about it. Bumabalik lang ako sa dati kapag siya ang kaharap ko. How I miss her so much.


"Yes, ma'am." pahabol ni Naila bago pa ako makalayo. Tumagal ako ng halos five minutes sa loob ng banyo. Aside from I peed, I also retouched my makeup. Kung sakali mang dadating ang client namin, maayos at presentable akong tingnan.


Kagabi ko lang natanggap ang email galing kay Mr. Villazco. I may know who that man is, but I just shrugged it off. Baka kapareho lang niya ng last name. He wants to personally meet me kaya nag-organize nalang ako ng meeting with him. Aside from it, mas gusto niya raw kasi na ang owner mismo ang makausap niya.


Papalabas na sana ako nang biglang nag-ring ang phone ko. I took it. Napangiti ako sa pangalan na nakita. "Mom! Hello po! Pauwi ka na po ba?" isang maliit at matinis na boses ang narinig ko.


"Hi baby, how are you? Hindi pa eh, baka magabihan pa si Mommy makauwi. Kumain na ba ang baby ko?" nakangiting tanong ko habang naglalakad pabalik sa table namin ni Naila.


"Oh, okay po. Tapos na po ako kumain, Mommy. I also take my vitamins na rin po. Good girl din po ako kay Lola and Lolo. And I'm okay lang po. Mommy pwede po bang bilihan mo ako ng cheese cake? Please mommy, please po. I'll brush my teeth po after kong kumain non. I'll wait po sa'yo,"  mahabang sambit niya. I know, she's pouting while saying those words.


I can't say no to her now. Nakaraan kasi ay tumanggi ako sa kaniya. I don't want to spoil her too much. Mas lumapad naman ang ngiti ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng table namin.


Biglang naagaw ng pansin ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. He's frowning while looking at me. Napalunok naman ako bago mabilis na umiwas ng tingin.


The hell! Why is he here after so many years?!


Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now