A,
ako'y nag-aapuhap sa kaparangangㅡ
gumon sa kabuhungan at karimlan,
tila ako'y nawawaglit, nag-aasam ng katigan,
nang sa himig ng haraya'y aking naulingan.
sa gitna ng nag-aalimpuyong buhay
at kulimlim ng alapaap na ka'y tamlay,
tila sa pagkakalugmok, sumilay ang kulay
kaya't banlat ko'y muling suminag, 'di na himlay.
ㅡ Estrella
![](https://img.wattpad.com/cover/303138081-288-k35672.jpg)
YOU ARE READING
Enero Uno
RomanceAng 'di madiga ng bibig, sa papel isinusuka't banlat ang nagsisilbing boses mula sa pagiging umid. Dito nagsimulang maisipan ni Estrella Abella na umulat ng antolohiya para sa iniirog na si Aidan Damian Faraon, na kaniyang nakilala kung kailan siya'...