PROLOGUE

31.6K 711 182
                                    

TWTCB.

"Hey, Ai, did you receive Aquila's invitation?"

Nag angat ako ng tingin at tumango sa tanong niya. I actually received the invitation last Monday pa. Aquila told me na ako daw ang pinakaunang tao na binigyan nila ng invitation sa kanilang kasal. I'm glad, so I volunteer na ako na ang bahala sa wedding photos nila.

"Akala ko ba bibili ka ng bagong camera bago ka lumipad pabalik ng pilipinas?" says Flint who's busy fixing his neck tie.

"Bumili na ako kahapon." Sagot ko at nagsintas na ng sapatos. Today is my flight pabalik sa pilipinas. After 6 years balik na naman ako sa bansa kung saan ako pinanganak. I miss my hometown pero may pumipigil pa saakin na bumalik.

Kung hindi nga lang sa kasal ni Aquila baka nandito parin ako Canada. Matagal na panahon narin simula nang makapagtapos ako ng kolehiyo. There are some memories that I don't wanna remember lalo na ang tungkol sa nakaraan ko at ng ex-wife ko.

"Napanood ko ulit sa Tv 'yung ex-wife mo. Mas lalo siyang gumanda." May halong pang-aasar ang tono niya kaya muntik ko nang maikot ang mata ko.

"Nice to hear that. She's doing fine and that's a good news." Sabi ko at tumayo na. Kinuha ko na ang backpack ko at ang maleta. "Hindi ka pa ba tapos? Baka maiwan ako ng eroplano."

Tomorrow is Aquila's wedding kaya kailangan ko talagang makauwi sa araw na'to. Kung mamalasin ay may chansa na hindi pa ako maka attend at baka magtampo pa ang lalaking 'yun.

"Let's go." Kinuha niya sa kamay ko ang maleta at siya ang humila nito palabas at papasok sa kotse niya. Flint is my friend na nakilala ko rito sa Canada. We become friends nang maging magkatrabaho kami sa isang coffe shop, until we become close.

I still remember the day when he confessed to me that he has a crush on me, but not in a romantic way. Of course I didn't mind since he's a good guy.

Nakarating kami sa airport at ang dami niyang ikwenento. Isa na dun 'yung ma mimiss niya daw ako tapos 'yung bond namin. Para namang hindi kami magkikita ulit 'no?

"Send my congratulations to Aquila's, ako nalang bahala mag explain kung bakit hindi ako makakapunta." Tumango ako.

"Ingat ka! tawag tawag din minsan ha, tapos please lang mag practice kang mag reply sa mga chats, wag kang pa cold person hindi ka naman gold." He said jokingly, I chuckled and nodded.

"Oo na, "

"Alright, go ahead. Una narin ako kasi late na late nako." Paalam niya. Naglakad siya paalis pero bago pa siya makalayo ay tumakbo siya palapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"I will miss you Ai, take care!"

"Gago ka, umiiyak ka ba diyan? 'yung sipon mo ha baka tumulo diyan sa damit ko." Biro ko kasi umiiyak talaga siya. Takte naman 'tong lalaking 'to.

"Ka dirty ka! Tinatawag na 'yung mga pasahero ng ereplano niyo. Alis na." Pinunas niya ang luha at ngumiti saakin.

"Kita nalang tayo kapag umuwi kana ng pilipinas." I said and give him a pat on the shoulder.

"Sure, sure."

***

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko sa loob ng eroplano. Nag mumuni muni, nang bigla akong natigilan dahil sa isang pamilyar na amoy. Mabilis akong napalingon pero wala naman.

Napahawak ako sa sintido. Fuck! I moved on already pero bakit hanggang ngayon ay ganito parin ako maka react kapag nakakaamoy ako ng pabango na kasing bango niya?

Trapped with the campus bitch [Unedited]Where stories live. Discover now