pinakawalan mo, hindi ba?
iniwan mong may luha sa mga mata?
ngayon ay nais kong matawa,
kung paanong kaawa-awa ka,
desperadong lumuhod sa tapat
ng kaniyang mga paa
at nakikiusap na tanggapin kang muli niya.
isa kang malaking putang ina,
para bumalik muli rito at magmakaawa.
ginawa niya rin 'yan noon 'diba?
noong mga panahong mas pinili mo na
mang-iwan at sumama sa iba.
naisip mo man lang ba kung
gaano siyang nasaktan?
kung paanong araw-araw siyang lumuluha
magmula noong ikaw ay lumisan?
malamang ay hindi kahit ni minsan,
sapagkat naroon ka noon
nagpapakasarap sa piling
ng bago mong kasintahan.
ngayon ay isa kang hangal
sa pag-iisip na hahayaan
kita na muli siyang malapitan,
sapagkat upang ano pa?
upang magkaroon kang muli ng tiyansa
na siya ay saktan na naman?
gago, magkakamatayan muna tayo.
dadaan ka muna sa ibabaw
ng malamig na katawan ko,
bago ka magkaroon ng pagkakataong
lapitan muli ang prinsesa ko.
huwag kang tumawa dahil hindi ako nagbibiro,
tandaan mo lahat ng salitang aking ibinato,
dahil isasampal kong muli 'yan sa'yo
kapag nakita pa kita dito.
—SELDA
YOU ARE READING
Hinaing
Poetrymga salitang sa labi'y hindi makawala-wala, mga letra niya ang magpapalaya
