"Talaga?! Baka ako naman ang araw-araw na bumisita sa iyo!" biro niya dito. Alam niyang maganda ang apartment nito dahil siya ang pumili niyon. One bedroom apartment lamang iyon ngunit malaki ang kwarto nito pati na rin ang kama. Sigurado siyang pwede siyang makitulog doon.

"Ayokong bumisita ka doon," iling na tugon ni Yohan sa kaniya na agad namang nagpakunot ng noo niya.

"Ha? Bakit?" kinakabahan niyang tanong. 

Simula na ba ito ng unit-unting paglayo ni Yohan sa akin? Is he starting to feel sick and tired of their relationship?

Maiintindihan naman niya kung ganuon na ang nararamdaman ni Yohan sa relasyon nila. One year and three months of their relationship revolves around them always seeing each other everyday. Para na nga silang kambal-tuko dahil lagi silang magkasama.

"Ayaw kong bumisita ka doon dahil gusto kong tumira ka doon . . . kasama ako," tila nahihiya nitong sagot. Mabilis siyang napatigil sa pagsayaw, ganuon rin ang lalake.

"Eh?" parang tanga niyang sabi habang unti-unting lumalayo kay Yohan. Naguguluhan niya itong tiningala at tinanong upang maklaro ang sinabi nito. "Gu-Gusto mong tumira tayo ng magkasama? Like live-in?" Nakalimutan na niyang mag-Filipino at mukhang hindi rin naman iyon ininda ni Yohan dahil tumango-tango lamang ito. He pulled her closer again and guided her to dance again. Her ear was on his chest where she can clearly hear his fast heartbeat. Halatang kinakabahan ito.

"Oo. Ganuon na nga. Hindi ko naman sinasabi na lumipat ka na agad sa akin. Kung gusto mo pwede namang pagkatapos mo sa kulehiyo bago ka lumipat. Dalawang buwan na lang rin naman ang hihintayin ko. Nais ko lamang malaman mo ang plano ko para sa atin," pagpapaliwanag sa kaniya ni Yohan.

Honestly, nabigla siya sa sinabi nito. Living together was already a big commitment. Kapag tumira na siya dito ay parang sinementado na nila ang plano na magpapakasal rin sila. Wala siyang problema doon dahil si Yohan ang gusto niyang maging asawa. Ang pinag-aalala lamang niya ay kung hindi magsisi si Yohan sa magiging desisyon nito.

What if he started feeling regrets about his decision?

What if he started wishing that they never took their relationship to that level?

Marami na siyang nakitang maglive-in na naghiwalay dahil sa palaging pag-aaway. The thought of living together may be blissful and "nakakakilig" at the start but eventually the truth would weigh down on them. Responsibilidad at commitment pa rin iyon kahit na walang singsing o dokumento. 

Marami na siyang nakitang mga magkarelasyon na na-realize na hindi pa pala nila kaya ang ganuong set-up. They would constantly fight because of privacy without really thinking that when you agreed to live together, you already gave half of your privacy away to your partner. 

Natatakot siya na baka sa utak niya ay kasal na ang nasa isipan niya ngunit hanggang sa pagiging live-in lamang ang plano ni Yohan. Iyon ang lagi rin niyang nakikitang problema sa mga maglive-in. When a couple just jump to the idea of living together without really clarifying to each other what they wanted to get from the set-up. 

Minsan kasi baka akala mo na eventually pupunta rin kayo sa kasal pero hanggang doon lamang ang gusto ng partner mo. It could get frustrating to wait for something that would never ever happen.

Alam niya ang feeling niyon dahil naging close siya sa isa sa mga prof niya na hanggang ngayon ay live-in pa rin ang status nito at ng partner nito. They already got three kids and the oldest was in High school and the youngest was in Elementary. Sabi nito sa kaniya noon na kung maibabalik nito ang panahon ay tiyak na tatanungin muna nito ang partner bago sumang-ayon sa idea ng pagli-live in. She said that she would clarify what they would do in the future. If they're gonna marry or not.

Iyon ang ayaw niyang mangyari sa kanila ni Yohan. Ayaw niyang mag-"lost in translation" sila ng boyfriend. Gusto niya ng assurance bago siya sumagot.

"Langga?" kinakabahang tawag sa kaniya ni Yohan dahil nakatikom lamang ang kaniyang bibig.

"Yohan . . . hindi ko alam kung ano ang paniniwala mo ngunit yaong sa akin kasi . . . naniniwala ako na kapag maging maglive-in tayo ay magpapakasal rin tayo kaagad . . ." she whispered with a hint of nervousness in her system.

Naramdaman niya ang biglang paghinto ni Yohan sa pagsayaw nila. She translated it as him not taking what she said in a good way. Siguro nga ay hindi sila magkaparehas ng iniisip pagdating sa pagiging live-in.

Lalayo na sana siya dito ngunit mabilis siyang pinaikot ni Yohan. Yaong ikot na ginagawa sa mga sayaw. Pinatalikod siya nito bago niyakap mula sa likuran.

He hugged her from behind and placed his mouth near her ear before whispering, "Iyon nga ang plano ko."

Bago pa siya maka-react ay mabilis siyang binitawan ni Yohan kaya naman nagtataka siyang lumingon pabalik dito at nagulat nang makita itong nakaluhod sa harapan niya. His left knee was on the ground, while the right one was up. Meanwhile, his left hand was holding a tiny box that she swore was a ring box. Unti-unti nitong binuksan iyon gamit ang kanang kamay nito bago binalik sa kaniya ang atensyon.

"Langga . . . alam ko na hindi na ako ganuon kayaman katulad noon. Nasa mababang posisyon lamang ang trabaho ko at wala na akong suportang pinansyal na nakukuha sa kuya ko, ngunit pinapangako ko sa iyo na ibibigay ko lahat ng luho mo. Hingin mo lang, pag-iipunan ko. Nirerentahang bahay lamang ang kaya kong ibigay sa iyo ngayon ngunit magtratrabaho ako ng magtratrabaho hanggang sa mabilhan kita ng mansyon. Pangako ko sa iyo, pupunuin ko ng singsing ang bawat daliri mo." Napakagat siya sa kaniyang labi habang pinapakinggan ang sinasabi nito. "Ang tanong ko lamang ay kung maaari bang itali ang pinakamagandang binibini na nakita ko sa isang wala pang narating na ginoong katulad ko?"

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now