Chapter 17 - Fliss's Possesion

Magsimula sa umpisa
                                    

Parang may kakaiba pero ayoko na munang isipin yun. Hihintayin ko nalang na magsabi siya sa akin kapag hindi na niya kayang itago pa kung ano man yan.

Ano kayang magandang gawin? Ayoko pa kasing umuwi.

"Tara, mall tayo?" Yaya ko para mapatigil sila

"Tinatamad ako." Sabi ni Gray na hindi naman ganyan dati. Anong nangyari dyan.

"Magsipag ka." Sabi naman ni Asul sa kanya na nakangiting parang baliw. Hindi kaya nagkapalit sila ng katauhan?

"Tsk. Tara na nga. Baka makalas pa mga braso ko dito. Gawin ba naman akong barbie ni Fliss." Sabi ni Rocco na nangunguna ng lumabas ng tambayan sunod din agad ang tatlo.

Tinignan ko muna si Yva at Flaire sabay sabing "Tumalon uli kayo sa Pader."

"What?/Ano?" Sabay nilang sabi

Wow. Ano 'to? Sabayang pangbigkas?

"Oo. Alam niyong bawal kayo dito pero ang titigas ng ulo niyo kaya sige na. Hintayin niyo kami sa kabila." Sabi ko saka sumunod na sa apat kong kaibigan at iniwan silang dalawang nakanganga.

Tig-iisa kami ng dala ng kotse at nahinto sa tapat nung dalawa na nakasimangot na nakatingin sa akin. Lumapit sa akin si Yva na sasakay na sa passenger seat at ganun din sana si Flaire sa back seat pero agad na nagsalita si Xyddan.

"Dito ka nalang Flaire." Tugon niya na ikinagulat ko pero hindi ko nalang inintindi masyado hanggang sa makasakay na si Flaire sa sasakyan niya.

Padabog na sinara ni Yva ang pinto pero hindi ko nalang inintindi baka kasi mag-away uli kami. Mahirap na. Nagdridrive pa naman ako.

Tahimik lang akong nagmamaneho at nakatingin sa daan ng marinig ako ng shutter sound kaya agad kong nilingon si Yva.

"Ignorante ka ba? Pati daan kinikuhanan mo ng litrato?" Sabi ko saka balik ng tingin sa daan.

"Wala kang pakialam!" Aniya kaya naman hindi ko na sinagot pa dahil mabatukan pa ako ng camera niya.

Dumaan ang ilang minuto ay panay panay na ang rinig ko sa shutter sound kaya hindi ko maiwasang hindi mairita. Kunot na kunot na ang noo ko at tumataas taas narin ang kilay ko kaya naman wala sa loob akong tumingin sa kanya na sakto namang nakaharap sa akin ang camera.

Ano 'to? Ako naman ang trip niyang kuhanan ng litrato?

"Wag ka ngang magulo! Hindi ko tuloy nakuhaan yung building!" Lintana niya

So, building pala? Hindi ako? Tsk. Assuming ka kasi.

"Bakit mo kasi kinukuhanan yang mga yan?!" Inis kong tanong

"Bakit? Anong gusto mo? Ikaw ang kuhanan ko?" Sagot niya

"Itatapon ko yan sa labas." Pambabanta ko

"Subukan mo lang kung ayaw mong ikaw ang palabasin ko!"

"Isasama pa kita!"

"Edi wow! Na-touch ako!"

"Dami mong arte."

"Babae ako! Natural na maarte kaya tanggapin mo yun!"

"Tigil tigilan mo na nga kakapanood ng drama. Kung anu-ano napupulot mong kalokohan!" Bwelta ko.

"Walang pakialamanan!"

"Sinabi ng tahimik eh!"

"May dila at bibig ako kaya tatahimik ako kung kailan ko gusto!" Sagot niya

Agad ko namang inihinto ang kotse at hinablot siya palapit sa akin. And next thing i know? Tumutugon na siya sa halik ko.

Napatigil kami ng biglang magring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko agad ng naka-loud speaker.

My Troublesome Guy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon