"Papa!"

"It wasn't like that at all, sir. Kaya ko pong buhayin si Eren kahit pa wala ang yaman na sinasabi ninyo," depensa ko. At iyon din naman ang totoo.

Kaya nga ako nagawang tanggapin ng papa ni Lauren dahil sa tagumpay na narating ko sa negosyo.

"That's bullshit!"

"Papa, please stop!" muli ay singit ni Eren sabay hawak sa kamay nito. "Pag-usapan muna natin nang maayos 'to, please. Huwag mo naman pagsalitaan si Thad nang ganyan. Please, Papa!"

"You're not in your proper mind, Eren. Kaya nga ba ayokong mamuhay ka mag-isa! Umuwi ka sa bahay at doon ka tumira!"

"No, Papa! Buhay ko 'to!"

"Buhay mo? Kaya pala nagtiis kang makisama sa hayop mong asawa kahit pa sinasaktan ka! Kung kaya mong mabuhay na mag-isa, noon pa sana ay iniwan mo na ang gagong iyon! Tapos ngayon? Magpapakatanga ka na naman?! Asawa ng babaeng nang-agaw sa asawa mo?! Ano'ng kalokohan ang pumasok sa kukote mo?!"

"Sir, please—"

"Huwag kang makisali sa usapan namin ng anak ko! Kung iniisip mong matatanggap kita, nagkakamali ka! Hindi ako naniniwalang wala kang intensyong masama sa anak ko!"

"Hindi ko po kayo pupuwersahin na maniwala sa akin, sir. Pero sana 'wag n'yo na lang din pagsalitaan si Eren nang masama. She has done nothing wrong."

"We'll take you out of here!" Galit na hila pa nito kay Eren.

"Papa, please, no!" Umiiyak na nagpumiglas si Eren at saklolong tumingin sa akin.

"Hindi ko kukunsitihin ang kalokohan mong ito, Eren!"

"Please, Papa. Stop it! I am not a child anymore!"

"Augusto, please, hayaan mo muna ang anak natin," pakiusap din naman ng asawa nito.

"Huwag mo akong pigilan, Lilia, kung ayaw mong pati tayo ay mag-away dahil sa pasaway mong anak!" nakasigaw na banta pa nito. "She will live with us from now on!"

"Papa, no! Please!" Sabay kaladkad pa rin kay Eren palabas. "Thad!" umiiyak na baling pa nito sa akin.

"Sumama ka muna sa papa mo..." kalmado kong sabi. Sa ngayon ay wala kaming magagawa kundi sundin muna ang gusto ng mga magulang nito.

I knew that whatever I do would be a complete waste of time. Hinding-hindi sila maniniwala sa intensyon ko.

"Hindi por que naranasan mo na ang mamuhay mag-isa at makapag-asawa, tama na lahat ng desisyon mo, Eren! You really disappoint me!" naghihinampo pang sabi ng papa nito habang pilit na kinakaladkad si Eren palabas ng pinto.

Wala akong nagawa kundi tingnan na lang ito. Alam kong mas magagalit ito kapag nakialam pa ako.

"Hijo, pagpasensyahan mo muna si Augusto," bulong pa ng mama nito sa akin. "I hope you understand. This wasn't easy for us. Inaalala lang din niya ang anak namin."

Tumango ako. "Yes, ma'am. Naiintindihan ko po. Wala po kayong dapat ipag-alala. Kayo na muna po ang bahala kay Eren."

Tumango-tango lang ito at sinundan lang ang asawang kinakaladkad pa rin si Eren palayo.

Alam kong hindi magiging madali ang lahat. I truly understand why he reacted like that. He was just being a father. At kung ako man ang nasa kalagayan niya ay baka ganoon din ang maging reaksyon ko. Ang kailangan kong gawin ay patunayan sa mga ito na sinsero ako at handa akong gawin lahat para kay Eren.

Halos hating-gabi nang mag-ring ang landline. Hindi man lang ako dalawin ng antok kaiisip.

"Hello..."

{Thad?}

"Eren, babe? Is that you?"

{Thad, I'm so sorry...} umiiyak pang aniya sa kabilang linya.

"Hey, babe... Stop crying. Baka mamaga na ang mga mata mo niyan. We'll get through this, okay?"

{I'm sorry sa mga nasabi ni Papa sa 'yo kanina. Galit lang 'yon. Paliliwanagan ko pa siya.}

"It's okay. Naiintindihan ko naman ang reaksyon niya. Alam kong hindi madaling magtiwala lalo pa at may history tayo sa ating mga naging asawa. Hindi natin maalis sa kanya ang magduda. Natural lang iyon."

{Sarado pa ang isip niya. Hindi ko alam kung papaano ko siya paliliwanagan.}

"Give him time. We'll think of something, hm?"

{Pinagbabawalan din niya akong makipagkita sa 'yo... Kinumpiska na niya ang cell phone ko. Hindi lang niya naisip 'tong landline dahil baka kung hindi pinutol na rin niya ito kanina pa.}

"Nasaktan lang din ang papa mo sa nangyari. For sure, kapag napaliwanagan natin siya, maiintindihan din niya tayo. Sa ngayon, sundin mo na lang muna ang gusto niya para hindi kayo mag-away."

{I'll miss you...}

"Me too, babe. I'll miss you too. But for now, let's give your papa the time he needs. Huwag ka na sumagot at baka lalong sumama ang loob."

{Nakausap ko na si Mama. She's not against us... Si Papa na lang talaga ang problema. Ayaw pang makinig. Pero kakausapin daw ni Mama. Sana lang may magawa si Mama.}

"That's good news, right? At least hindi na tayo mahihirapan sa Mama mo."

{Mukhang gusto ka naman ni Mama. Kung may iniisip man siya, iyon daw ang sasabihin ng ibang tao sa atin. Ayaw lang daw niyang mapag-isipan tayo na nag-cheat din gaya nang ginawa ng mga exes natin.}

"I don't think we should worry about that. Hindi naman natin sila kailangan sa buhay natin. Let's just focus to your papa, okay?"

{O-okay...}

"This too will pass. Hayaan na lang muna natin ang papa mo. Basta mag-iisip ako ng paraan. Ako nang bahala."

{I am really sorry, Thad...}

"Hey, it's all right. No hurt feelings. Tumigil ka na sa pag-iyak, hm? At magpahinga ka na. Gabi na."

{Ikaw rin...}

"Isinarado ko na ang suite mo. Nagligpit na rin ako roon."

{Thank you.}

"Sige na. Matulog ka na at 'wag ka na mag-isip pa, hm?"

{Okay... Good night, Thad.}

"Good night, babe. I love you."

{I love you too...}

Mariin akong pumikit at ninamnam ang mga salita niyang iyon. Parang pinipiga ang puso ko sa isiping nahihirapan siya sa kalagayan namin.

Nang ibaba ko ang telepono ay tinutop ko ang aking noo at hinilot-hilot iyon. Hindi ko hahayaang mawala sa akin si Eren. Balewala sa akin ang hirap basta makasama ko lang siya.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now