"Jairus, bakit ba?" bakas ang pagkairita sa boses ni Vinalyn.

"We must stop." Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata.

"Why? Ikakasal na tayo. Okay lang naman siguro kahit mag-s*x na tayo. Since after ng kasal, gagawin din naman natin 'to."

She's too confident. Hindi ko naman masabi sa kaniya ang totoo, na wala akong gana sa kaniya. Sa tagal nang wala ni Seira ay ganoon din ako katagal na hindi mapakali.

"Babe, ano ba? Bakit ba wala ka na naman sa sarili mo?" inis niyang tanong at tinakpan ang katawan niya.

"Magbihis ka na," ani ko.

"What? Are you going to give me a cold treatment, again?" tanong niya.

"Hindi sa ganoon, sadyang ayoko lang muna gawin 'to."

"Yung totoo, Jairus. Are you loosing your mind? You've been so lutang these past few days." Sinuot niya ang kaniyang damit.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi naman siya nakakatulong para mahanap si Seira.

"Iniisip ko lang yung kasal..." alibay ko.

"Kasal o si Seira?"

Napatigil ako. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad.

"I knew it..." bulong niya.

"Vinalyn--"

"What!? That woman is messing my soon to be husband's mind! Hindi ba dapat akong ma-bothered?" sigaw niya.

"She's my friend---"

"But you're acting like she's your life. Na kapag wala siya, wala ka na rin! Since Seira's gone, all you did was to look for her. Akala mo ba hindi ko alam? I ignored everything para sa relasyon na 'to. Because I want to marry you, Jairus!" sigaw niya.

Unti-unting tumulo ang luha niya. Wala akong magawa kundi ang panoorin siya, hindi ko na kaya i-defend pa ang sarili ko sa kaniya. Totoo lahat ng sinasabi niya.

"I'm sorry... Vinalyn."

"You're such a bullsh*t, Jairus! Napakag*go mo. Alam mo ba 'yon? Kahit na ako yung nandito, sa lahat ng oras. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko that I am not enough for you, na si Seira lang ang kukumpleto sa 'yo. All those f*cking cares for her. Wala akong maramdaman kundi selos--"

"Vinalyn, akala ko ba tanggap mo ang pagkakaibigan namin?" Napatayo ako habang siya ay patuloy sa paghagulgol.

"Kaibigan? It doesn't feel na kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya. Do you f*cking love her?"

Napalunok ako sa sarili kong laway. Alam ko ang isasagot ko pero natatakot ako...

"F*cking answer me, Jairus! Do you f*cking love---"

"OO, VINALYN!" kusang tumulo ang mga luha ko. "M-Mahal ko talaga siya..."

Sinugod ako ni Vinalyn habang lumuluha siya. Nakatanggap ako ng hampas, sampal, at sipa mula sa kaniya. Hindi ko siya masisisi, tanggap kong nagkamali ako. Na ipilit ang nararamdaman ko kay Vinalyn kahit na ang tunay na laman ng puso ko ay si Seira.

"Hayop ka! You f*cking used me! You never loved me--"

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"I am wrong, I'm really sorry. A-Akala ko magagawa rin kitang mahalin kagaya kay Seira. Sorry... I'm so sorry--"

Muli niya akong sinampal.

"Y-You're not even aware. T-That every words you said now, i-is breaking my soul... Jairus, how dare you? Minahal kita ng totoo, but you--you---" bigla siyang bumagsak sa sahig.

Akmang hahawakan ko siya para itayo pero tinulak niya ako. Tinanggal niya ang sing-sing sa kaniyang daliri at hinagis ito sa akin. Tumama ito sa dibdib ko.

"Leave! We're done!" sigaw niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagsisisi. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito.

"AAARRGGHH!" rinig kong sigaw ni Vinalyn habang palabas ako ng kanilang bahay.

Kung kailan wala si Seira, saka ako naging sigurado sa sarili ko. Si Seira ang mahal ko... Siya ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. I will do and risk everything to be with her again.

Patuloy ako sa pagluha at sumakay sa aking kotse. Napalingon ako sa passenger seat, na pwesto ni Seira. Muli kong naalala ang imahe niyang nakangiti sa tuwing kasama ko siya.

I miss her so bad.

"Nasaan ka na ba, Seira?"

****************

Hidden Love And LiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz