"After you, my lady," pormal nitong tugon at napatawa lang ako dahil doon. Nauna na akong naglakad at pumantay naman siya sa akin. Pagpasok namin ay marami ring estudyante ang nagkalata sa paligid.

Ang iba naman ay napatingin sa aming dalawa ni Foster.

"Hindi ba si Threscia 'yan?"

"Oo siya 'yong taga- Hearthstone Univerity na anak ni Senator Qiao."

"Bakit niya kaya kasama si Foster? Are they dating?"

"That's impossible, Threscia is already engaged to Grant."

"Oh, sayang, bagay pa naman din sila ni Foster."

Hindi ko rin maiwasan na hindi marinig ang sinasabi nila dahil kahit medyo mahina iyon ay naririnig ko pa rin. Sumulyap ako kay Foster na seryoso lang na naglalakad. Mukhang narinig niya rin 'yon pero hindi niya pinansin. 

I then took this opportunity to wander my eyes around the Sacred Monarch University. As I predicted, the university is huge too and at the center is their hallmark which is a crown of a king.

Napansin ko rin na red ang flag ng university nila kaya natitiyak ko na red ang main color ng university nila. Sa amin kasi ay crepe pink ang main color ng university namin. Lahat ay crepe pink ang kulay.

"Gusto mo ba pumunta sa field?" Nalipat ang tingin ko kay Foster nang magsalita siya. Tumango lang ako sa kaniya. Gusto ko rin kasi na makita ang field nila.

"Sige, liko tayo rito," imporma niya sa akin at tinuro ang right wing. Tumango lang ako at naglakad na. Maya-maya ay nakarating na kami sa field nila. Napansin ko rin na gaya ng Hearthstone ay kumpleto rin ang  Sacred Monarch ng mga fields.

Nang marating namin ang football field ay bumungad sa akin ang nagtatawanan na sa tingin ko ay teammates sila ni Foster dahil nakasuot sila ng kagaya ng jersey ni Foster. Binilang ko sila at sampu ang nabilang ko.

Pang-11 si Foster. Kalaunan ay napatigil sila nang mapansin nila kami ni Foster na kararating. Bigla naman akong nanliit sa sarili ko dahil ang tatangkad nila at na - conscious na rin dahil lahat sila ay pogi.

"Kaya naman pala ang aga nagpa-break time ni cap dahil may sinundo na magandang binibini na ang ngalan ay Threscia," komento ng isang lalaki. Hindi na ako nagulat pa nang makilala nila ako. 

Rinig ko naman na mahinang natawa si Foster sa tabi ko. I suddenly sensed uncomfortable because they're all men.

"Stop, you're making her uneasy. She's just here to return that jacket I lend," Foster expressed in a regulated manner that is pleasant to listen to. Ngumiti lang ako sa kanila. After that, the entire field is loaded with their teasing tone. 

Naramdaman ko naman na uminit ang magkabila kong pisngi dahil doon. Sumabay pa ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Iginiya na ako  ni Foster para lumapit sa kanila.

"Right, I'll introduce you all to this lady, bros," wika ni Foster habang nakatingin sa kanila na ikinatango lang nila. 

"I'm the skipper in the team, and they call me 'cap' because I'm the leader of the team. That's Joshua, our goalkeeper," pakilala ni Foster at tinuro 'yong nagsalita kanina. Ngumiti at kumaway naman sa akin si Joshua. Ngumiti lang din ako sa kaniya. 

"That's Franco," turo niya sa isang naka-clean cut na hairstyle na ngumiti sa akin. Ginantihan ko lang din sila ng ngiti. 

"That's Andre, Dave, Gerald, Rez, Horace, Zenon, Drew, and Primo," Foster introduced the rest of the members. They just beamed at me and some are nodded. 

"Nice meeting you, Ms. Threscia," ani ni Zenon na ikinangiti ko lang.

"Me too, and call me Threscia na lang," pakilala ko rin na ikinatango nilang lahat. Pagkatapos n'on ay nagpaalam na muna si Foster sa kanila para ilibot ako sa buong university. 

HIS #2: Availing The Odds (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon