"What if balikan ka ni Lauren? Babalikan mo ba?" Hindi ko napigil itanong. Curious lang talaga ako sa kung ano'ng isasagot niya.

Ilang sandali rin siyang nag-isip bago sumagot. "I don't think so..." mapaklang sagot niya. "I don't like the person I am when I'm with her. Siguro nga, kapag tiwala talaga ang nasira, sobrang hirap na ibalik. Bakit? Balak mo bang balikan ang gago mong asawa?" kunot-noo niyang tanong.

Hindi ko naiwasang matawa sa reaksyon niyang iyon. Gusto kong isipin na nagseselos siya, pero alam ko rin namang malaki ang galit niya rito.  Kung sa bagay, ganoon din naman ako sa asawa niya. 

"Hindi, a," sagot ko sabay nguso. "Ang tanga ko naman kapag ginawa ko pa iyon."

Para naman siyang nakahinga ng maayos sa sagot ko. "Good."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilang matawa. Ang cute naman kasi ng mga reaksyon niya. Para talagang nagseselos. Kahit na minsan kasi ay 'di ko nakitaan ng ganoong reaksyon si Christoff. Angmaghinala... manapa ay iyon ang madalas. Magkaibang-magkaiba naman ang nagseselos at naghihinala.

"Paano ba 'yan? Back to work na tayo sa susunod na linggo..." malungkot kong sabi.

Pakiwari ko ay panibagong pakikipagsapalaran na naman ang bubunuin ko.

"Oo nga. Tambak din ang trabaho ko next week sa dami ng shipment."

"Malapit lang ba ang bagong satellite ng company mo?"

Tumango siya. "Fifteen minutes away siguro. Bakit? Gusto mong makita?"

"Ows? Puwede?"

"Puwede naman. Bakit hindi?"

"Hindi ba awkward?"

Kumunot-noo siya. "Bakit naman awkward?"

"Well..." Ilang saglit din akong nag-alangan. "Hindi naman ako ang wife mo... Baka manibago sila?"

"I don't think so. Mga bago naman ang tauhan ko sa satellite. Ang ipag-alala mo ay baka ikaw ang pagkamalan na asawa ko," natatawa pang aniya.

Ngumuso ako. "E, ano naman? Hindi ko ba bagay?"

Saglit kaming natigilan sa sinabi ko. Ibig ko nang lumubog sa kinauupuan ko. 

"Um, gabi na pala..." agad na iwas ko pa sabay tayo. "Kaya pala kanina pa ako inaantok..." Nagkunwari akong naghihikab at nangingiti naman siyang tumango-tango.

"Okay. Pinuyat na nga kita. Salamat, a."

"N-no problem... Salamat din. Good night."

"Good night, Eren."

Kulang na lang ay tumakbo ako palabas sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit ko biglang nasabi iyon nang 'di nag-iisip.

Am I actually falling for him? Sa iilang araw na magkasama kami, ganito na agad ang feelings ko?

Mabilis kong inalog-alog ang aking ulo at kinontra ang sarili. It can't be. Parang hindi yata tamang magkagustuhan kami habang ang mga exes namin ay may relasyon din. Parang mali yata. Parang mali talaga.


Nang maayos namin ang aming mga suites ay hindi na ulit namin inabala ang isa't isa. Hindi ko alam kung nahihiya rin ba siya gaya ko lalo pa nga at wala naman kaming rason para magkita ulit.

Pero iilang araw pa lang ang lumilipas na hindi kami nagkikita ay hindi na ako mapakali.

Dumiretso ako ng higa sa kama at tumingin sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit panay ang isip ko ng rason para lang magkaroon ng excuse na magkita kami.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon